KABANATA 13
KANINA pa nakaalis sa asyenda sina Eva at ang pamilya niya patungo sa airport. Dalawa ang lagauge na dala ng mga ito, isa para kay Ella at isa rin para kay Donya Luciana. Hindi sinang-ayunan ng donya na mag-isang magpunta sa Espanya si Ella, baka raw mapaano pa ito lalo pa at nagdadalang-tao.
"Mag-iingat kayo roon, ate hah?" bilin ni Eva sa nakakatandang kapatid niya saka ito niyapos.
Si Eva sana ang maghahatid sa kapatid subalit tumanggi ang matanda sa kadahilanang sisimulan ng mag-training ni Eva, ihahanda siyang susunod na hahalili sa kaniyang ama sa pagpapatakbo sa kanilang kumpanya.
"Salamat, Eva. Kayo rin, hah?" ani Ella matapos kumawala sa mga bisig ni Eva. "Alagaan mo si Daddy, hah?" Gumaralgal ang tinig nito habang binibigkas ang katagang iyon. Namuo ang luha sa mga mata. "Kung kailan narito ka na sa Pinas, ako naman ngayon ang aalis. Matagal na naman tayong hindi magkikita." Tuluyang bumagsak ang mga luha nito, pagkuwa'y muli siyang niyapos. Ginantihan niya ang yakap ng nakakatandang kapatid.
Kung maaari lang na sumama siya sa kapatid ay sinamahan na niya ito. Ninanais ng isip niyang makasama ang kapatid at samahan ito sa Paris, ngunit taliwas sa nais niya ang ibinubugso ng kaniyang puso, hindi niya mabatid ang rason niyon. Isa pa, hindi na siya maaaring sumama rito dahil sa ilang linggo na lang ay ite-train na siya ng ama sa pagpapatakbo ng kumpanya nila.
Siya ang nagmungkahing magtungo si Ella sa Spain, hindi lang dahil sa mas mapapangalaan sila ng batang nasa sinapupunan nito roon sa piling ng kanilang abuela, kundi para ilayo rin ito sa kapahamakan; kapahamakang dulot ng dating kasintahan.
Nitong nakaraang linggo ay minsan itong tinangkang itakas ng dating kasintahan, noong ito ay nasa hospital pa. Palihim na binisita ng lalaki si Ella sa hospital. Nagitla ang buntis nang ito ay makita, hindi ito nakapalag gawa ng panghihina nang itinakip ng lalaki ang panyong may pampatulog.
Nagkataong umuwi si Eva noon sa bahay nila para masabihan ang magulang na sunduin sila, naiwan din kasi niya ang cell phone sa mansyon kaya naiwang mag-isa sa pasilidad ang huli.
Mabuti at nagkataong bumisita si Johann sa silid nito, aalamin lang sana ang kalagayan nito. Doon ay napag-alaman nga ng binatang doktor na wala si Ella sa silid. Nagtaka ito noong una dahil hindi pa naman ito dini-discharge. Lumabas ito at nagtungo sa lobby upang tanungin ang nurse na nagbabantay roon kung di-ni-scharge na ba si Ella, subalit pagkarating na pagkarating pa lang ni Johann doon ay umagaw ng pansin ang isang pamilyar na bulto sa labas; si Ella na nakasakay sa wheel chair habang tulak-tulak ng isang lalaki, iginigiya patungo sa isang van.
Tinawag nito ang mga guard na hindi napansin ang pagtangay sa pasyente. Lumabas si Johann kasama ang mga guwardiya, patakbong inundayan ng suntok ang ex-boyfriend ni Ella. Mabilis ang naging pangyayari, nabawi nila si Ella sa lalaki. Kaagad kasing tumakbo rin sa van ang damuho at pinatakbo iyon nang makita ang mga guards na papalapit sa gawi nila.
"Mas mabuti na iyon, ate, para hindi ka masundan ng lalaki sa hospital,” mahinang usal niya, sapat para hindi marinig ng mag-asawa. Hindi kasi nila sinabi sa mga ito ang nangyari sa hospital. "Hayaan mo, kung may time ako, dadalaw-dalawin kita sa Spain." Napangiti si Ella sa sinabi niya, ngumiti rin siya saka muling niyakap ang kapatid.
"Anak, halika na, tayo na." Sabay ang dalawang napalingon sa kanilang ina. Kumawala na sila sa pagkakayapos nila sa isa't isa. Batid nilang handa na ang transportasyong magdadala sa kanila patungo sa Spain.
"Pa'no ba 'yan, Eva, aalis na ako." Muling lumandas sa pisngi ni Ella ang mga luha. "Aasahan ko 'yong sinabi mo, hah?" Isang ngiti at tango na lang ang itinugon ni Eva sa kaniyang kapatid.
Niyakap ni Ella ang ama nila nang ito ay lumapit sa kanila.
"Sige, Dad. Mauuna na kami ni Mommy, mag-iingat kayo, hah? Eva, alagaan mo ang daddy, hah?"
BINABASA MO ANG
HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)
Storie d'amoreMagmula nang magkaisip si Ruan, nangako siya sa sarili na balang-araw ay pakakasal siya sa natatanawang batang-babaeng nakadungaw sa durungawan ng bahay-hacienda sa Hacienda Velaya. Little did he know, they both shared the same sentiment; she was al...