KABANATA XXIX

127 15 4
                                    

KABANATA 29

FLASHBACK;

Humugot si Eva nang malalim na hininga bago umupo sa upuang gawa sa  metal sa tabi ng Daddy niya na may hawak na kape sa terrace ng ikalawang palapag ng kanilang bahay. Naalala tuloy niya ang kaniyang ina, madalas niya kasing makita dati ang Mommy at Daddy niya na magkasabay na magkape, sa terasa man o sa gazebo.

Muli siyang bumuntong-hininga at mariing ipinikit ang talukap ng mga mata. Pinipigilan niyang lumandas ang kaniyang mga luha. Namumugto na ang kaniyang mga mata dahil sa kakaiyak at kasisisi niya sa sarili sa nangyari kay Ruan at Ali, isama pa ngayong nami-miss niya ang ina at kapatid niya. Ipinalikod na lang muna niya sa isip ang mga hindi na maibabalik at masaya na sa itaas. Alam din naman niya na iyon ang gusto ng mga ito, ang huwag silang masyadong intindihin at ituon na lang ang pansin sa kasalukuyan.

Maybe Luan was right, malas nga siguro siya. But she never wish that to happen to Ali. Kung hindi lang sana siya pinulikat noong nahulog siya sa ilog ay hindi iyon mangyayari sa binata. Isa pa, hindi niya alam na takot pala ito sa ilog.

Kaya pala mababasa sa mga mata ni Ali ang pag-aalangan na tulungan siya noong nakita siya nito. Fear was written on his face that time but he still faced that fear just to save her.

Hindi pa siya nakakapagpasalamat kay Ali. Minsan na niyang tinangkang puntahan ito sa bahay ng mga Villaluella, doon kasi ito nanunuluyan magmula nang may mangyari kay Ruan ngunit hindi siya pinatuloy ni Luan. Nauunawaan naman niya ang ikinapuputok at pinanggagalingan ng poot nito sa kaniya, subalit hindi niya ninais na mangyari iyon sa dalawang binata.

Napagtanto niyang hindi lang kaibigan o kakilala ang turing ng magkapatid kay Ali, kundi isang kapatid na rin. Ganoon din ang nakikita niya sa sistema ni Ali, kapatid din kung ituring nito ang dalawa. As far as she knew, Ali was as right as rain now. Nabalitaan niya iyon kay Inna, kay Inna rin niya nalaman na takot si Ali sa ilog, maging sa dagat. Even though she was confused, she just put it aside first. Ang mahalaga, maayos na ang kalagayan ni Ali.

Hindi makatakas-takas sa isipan niya ang inusal noon nito bago ito nawalan ng malay-tao.

"A-Adrion... I am Adrion. Ricket... Ruan...”

Ano ang ibig nitong sabihin doon? Adrion? Sino ba si Adrion? Bakit nito sinasabing ito si Adrion?

Isa pa sa kaniyang pinagtakhan kagabi ay ang dalawang pangalang binanggit pa nito. Ricket, sino ito at bakit binanggit din nito ang pangalan ni Ruan?

"Kumusta ka na, hija?" Napukaw ang atensyon niya sa pag-iisip nang marinig niya ang inusal na iyon ng kaniyang Daddy. Nagpakawala lang siya ng ngiti saka ito dinaluhong ng yakap.

"You look so pale, hija," anito nang kumalas at mapansin ang hitsura niya. "Ayos ka lang ba, anak?"

"Don't worry, Dad. Ayos lang ako. Pagod at hindi lang ako masyadong nakatulog nitong mga nakaraang araw," sabi niya at napasapo-sapo pa sa kaniyang batok.

Naasikaso na ng Don ang lagay ng kanilang kumpanya. Ayos na ito at nasulusyunan na ang mga aberya.

"Dumalaw ka na ba kay Ruan?" Her lips parted after hearing what he uttered. Astonishment entered the depths of her chest. Dumagdag pa sa kaniyang iniisip ang ikinikilos ng kaniyang ama.

Simula kasi noong gabing nawalan ng malay si Ruan ay hindi man lang siya tinanong nito kung bakit naroon sila sa parte ng asyenda na iyon nang gabi ni Ruan. Bakit parang walang malisya sa kaniyang ama iyon? She knew that her father have a trust on her but hunch was crawling in her heart. May alam ba ang kaniyang ama sa nangyayari?

HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon