KABANATA XXXI

106 13 2
                                    

KABANATA 31

"SAAN ho tayo patutungo, Don Lando?" untag ni Ruan matapos pagbuksan ng pintuan ng sasakyan si Don Lando.

Ayos na ang pakiramdam niya, magaling na siya. Wala namang masakit sa kahit anong parte ng katawan niya. Noong mga nakaraang araw ay may panaka-nakang kirot lamang ang sentido niya. Subalit ngayon ay naglaho na iyon.

Tinugunan naman ng Don ang tanong niya at sinabi ang lugar na kanilang patutunguhan. Napatango-tango na lamang siya. Mukhang mahalaga ang pupuntahan nila 'pagka't malayo mula sa asyenda ang lugar na binanggit ng Don. Kung susumahin, apat na oras ang iba-biyahe nila upang makarating sa kanilang destinasyon.

Hindi nagtagal ay pumanhik siya kotse. Akmang papaandarin na niya ito nang pigilan siya ng Don.

Tinapunan niya ng nagtatakang tingin ang Don. Pag-uusisa ang ipinapakahulugan ng kislap ng kanyang mga mata.

"Hintayin na muna natin si Eva," usal nito. Tumango na lamang at nagkibit-balikat na lamang siya nang makitang may kausap na ang Don sa telepono nito.

Ibinaling niya ang kanyang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil naglalaro pa rin sa utak niya ang kapusukan nila ni Eva sa silid nito kahapon. Nasundan ang pagsisiping na 'yon sa loob din mismo ng silid ng Señorita. Napapantastikuhan man dahil wala talaga siyang naaalala, pero ang sabi ni Eva ay matagal na raw nilang ginagawa iyon. Hindi na siya nakapalag nang sabihin din nitong magkasintahan din silang dalawa, lihim na magkasintahan. Hindi niya alam kung paano at kailan nagsimula ang ganoong siste nila dahil nga may nabura sa kaniyang mga alaala—ayon na rin sa mga tao sa paligid niya at hinagap niya. Walang kahit gatiting na pag-aalma ang puso niya nang sinabi ng Señorita na magkasintahan sila, nagagalak pa nga siya, matagal na kasi niyang lihim na minamahal ang dalaga, kahit noong mga bata pa sila ay ito na ang mahal niya.

"You look so tired, Ruan." Pamumukaw ng Don sa naglalakbay na niyang diwa. Binalingan niya ito ng tingin ngunit agad din niyang binawi iyon, saka siniyasat ang hitsura niya sa rear view mirror ng kotse. Mukha nga siyang pagod. Madaling araw na kasi siyang palihim na umuwi kanina sa bahay nila mula sa kuwarto ng kasintahan. Pinagod siya ni Eva. Sinaid nito halos lahat ng kaniyang stamina.

“Sigurado ka bang kaya mong mag-drive?"

"Oho Don Lando, kaya ko pa ho.”

***

"ADRION!"

Natigilan si Ali sa paglalakad nang maulinigan ang pagtawag ng kung sino sa pangalang iyon mula sa likuran niya. Ang Señorita ang nalingunan niya. Hindi niya batid kung siya ba ang talagang tinatawag nito, subalit sa gawi niya nakatuon ang tingin ng Señorita. Tinapunan niya ng tingin ang nilalakaran niya kanina ngunit walang ibang tao.

"Ako ba ang tinatawag mo, Senorita?" magalang na usisa niya kasabay ng paggapang ng pagtataka at sapantaha sa kaniyang dibdib.

Hindi nagpakita ng kahit anumang simbolo ng pagsang-ayon ang dalaga, iginiya lang nito ang sarili patungo sa kinaroroonan niya.

"Ikaw nga ang tinatawag ko," sinserong saad nito sa kaniya. Nagitla siya pero hindi niya iyon inimprinta sa mukha.

"Hindi Adrion ang pangal—"

"Alam ko na ang lahat, Ali!" Umakto siyang parang walang alam sa sinasabi nito pero hindi nawala sa tensyon si Eva.

"Anong lahat, Senorita? H-hindi ko ho kayo maunawaan." Banaag na ang pagtataka at pagkagitla sa hitsura niya. Nagkandautal-utal na rin siya. "A-ano hong lahat?"

"Alam kong alam mo ang tinutukoy ko, Adrion Chang-Fernando," makahulugang wika ni Eva, dahilan upang mas lalong mag-umapaw ang pagkawindang sa puso niya.

HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon