KABANATA 5
KASALUKUYAN na ngayong naglalakad si Eva patungo sa bahay nina Ruan. She doesn't know where she found the guts to ask Innamorata about it.
Wala naman sigurong masama kung pupuntahan ko siya? Sa isip-isip niya.
Hawak niya ang niluto niyang ulam na kare-kare at tinola para ibigay bilang peace offering na rin sa binata. Hindi niya alam kung magugustuhan nito iyon, pero umaasa siya; masarap naman siyang magluto kaya sa isip-isip niya, baka magustuhan nito iyon.
Nagprisintang samahan siya ng muchacha pero tumanggi siya. Kaya naman niyang mag-isa, kaya siya na lang dahil baka maabala pa niya ito sa mga gawain nito sa bahay-hacienda.
Humugot siya ng malalim na hininga nang mahagip ng kaniyang mga mata ang nasabing bahay ng mga Villaluella.
“Heto na kaya 'yon?” paniniyak niya at bahagyang inililibot ang mata sa paligid at kabuoan ng bahay. May mga nakikita rin siyang bahay sa 'di-kalayuan.
Hindi niya alam pero parang ayaw na niyang tumuloy nang nasa pintuan na siya. Biglang umalon sa kaba ang dibdib niya. Nagsimulang pumasok ang mga negatibong pag-iisip sa diwa niya.
Paano kung sungitan siya nito? Paano kung palayasin siya nito?
No! Hindi siya gano'n. You can do it, Eva. Stop what you are thinking. Hindi gano'n ang g'wapong iyon! buska ng isang bahagi ng isip niya dahilan para siya ay mapabuga ng malalim na hininga. Pilit niyang ipinalikod sa utak ang negatibong isipin at nag-ayos na lang ng sarili.
Akmang kakatok na ito nang bigla siyang nakarinig na parang may bahagyang humihikbi at umiiyak sa loob. Hindi siya nagkakamali... iyon ang taong pakay niya.
Kuminang ang pagtataka sa kaniyang mga mata. Bakit siya umiiyak? Huwag na lang kaya akong tumuloy?
Matapos ang pakikipagdigmaan ni Eva sa isip ay kumatok na rin siya. Ilang minuto na siyang nasa labas at makailang ulit na rin siyang kumakatok subalit hindi siya pinagbubuksan. Sandaling nawala ang naririnig niyang paghikbi.
Maybe he can't here it! Alam niyang wala roon ang mga magulang ni Ruan dahil nakita niya ang mga itong abala sa mansyon nila. Nanghingi na rin siya ng dispensa sa mga ito dahil sa nangyari kay Ruan, tinugunan naman kaagad iyon ng mag-asawa.
Sinubukan niyang pihitin ang seradura, bukas ito at hindi naka-lock. Umaalon man ang puso niya sa kaba ay pumasok siya sa loob ng bahay. Bumungad sa kaniya ang makipot na sala ng Villaluella. Walang katao-tao.
Not spacious but glamorous in sight! Hindi niya maipagkakailang hindi nga ito maluwang pero kaakit-akit pa rin tingnan. Inilapag niya ang kaniyang dala sa lamesa.
She roamed her eyes. Nahagip ng kaniyang mga mata ang mga letratong nakapatong sa console table. Ang letrato ng binatang pakay niya ang nakaagaw ng kaniyang pansin.
Natagpuan na lang niya ang sariling hawak-hawak na iyon at maiging pinapasadahan ng tingin. She can't help herself but to plastered a smile.
Hindi niya maitatangging guwapo ang nasa letrato. Letrato iyon ni Ruan nang magtapos ng kolehiyo. Lumuwag ang ngiti ni Eva nang maisagawa ang naisip sa letrato. Maingat na inilapag na niya iyon sa console table at inapuhap ng mga mata niya ang mga letrato ng buong pamilya ng Villaluella sa dingding.
“Unique!” bulaslas niya nang mapansin ang kakaibang kutis at postura ni Ruan sa letrato kumpara sa kapatid at mga magulang nito. May kaputian ang balat ng binata at litaw na litaw ang angkin nitong kakisigan. Isinagawa niyang muli sa pangalawang letrato ang ginawa niya sa unang letrato, kay Ruan lang siya tumuon.
BINABASA MO ANG
HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)
RomanceMagmula nang magkaisip si Ruan, nangako siya sa sarili na balang-araw ay pakakasal siya sa natatanawang batang-babaeng nakadungaw sa durungawan ng bahay-hacienda sa Hacienda Velaya. Little did he know, they both shared the same sentiment; she was al...