KABANATA XXXIX

106 12 2
                                    

KABANATA 39

     NAGLALAKAD si Eva kasama ang kambal patungo sa bahay ni Luan. May kalayuan iyon sa bahay-hacienda, pero minabuti na lang nilang maglakad dahil may hawak siyang eco bag na may lamang naka-tupperware mga ulam na niluto niya.

     Pupuntahan nila si Linyi na nagpalipas ng gabi sa bahay ni Luan. Sa bahay-hacienda sana nila ito dadalhin nang mawalan ito ng malay, pero sa kanilang pagmamadali ay hindi rin nagpahuli ang langit sa pagpapabagsak ng mga likido. Malakas ang buhos ng ulan kahapon; halos mag-ze-zero visibility na nga dahil hindi na masyadong klaro ang paligid.

     Eksaktong malapit na sila sa bahay ni Luan kaya doon na lang sila tumigil. Iniwan na lang nila si Linyi sa puder nito. Hindi naman iyon naging kaso sa binata. Sa katunayan, ito pa nga ang nagsuhestiyon na maiwan na lang doon si Linyi. Ito na raw ang bahala rito. Babalik na lang sila sa bahay-hacienda kapag magising ito at tumila na ang ulan. Pero nang pagkagat ng dilim ay muling bumuhos ang ulan. Naghihintay siya sa dalawa, hanggang sa tinawagan siya ni Luan na doon na lang daw magpapalipas ng gabi si Linyi dahil inaapoy ng lagnat ang huli.

     Sa kabila ng pag-aalala sa bago nilang tauhan sa bahay-hacienda, sumang-ayon na lang siya. May tiwala naman siya kay Luan, hindi nito pababayaan nang gano'n-gano'n lang si Linyi. Umaagos ang feeling of gratefulness sa sistema niya, kung hindi dumating si Luan ay hindi pa nila nalaman na nalululunod na pala si Linyi. Kapag nagkataon, tiyak na hindi na naman siya patatahimikin ng konsensya niya.

     Ngayon lang niya napagtanto, bakit kasi ang mga bagong tauhan nila ang isinama niya sa talon? Gusto rin kasi ni Eva na makita ng dalawa ang talon, nang makapasyal naman ang mga ito sa asyenda. Magmula kasi nang mapadpad ang dalawa roon, tatlong araw na ang nakalilipas, nasa bahay-hacienda lang ang mga ito at hindi pa nakalilibot sa asyenda, kaya ang mga ito ang isinama niya. Ang hindi lang niya naisip ay 'yong mga pangyayaring hindi inaasahan.

     Ngumingiti siya sa mga tauhan ng asyenda na bumabati at nakakasalubong nila sa daan. Marami na rin ang mga bahay sa iba't ibang side ng asyenda. Parang kailan lang; noong bata siya, ayaw pa niya sa buhay sa asyenda, ngayon ay ayaw na niyang umalis doon, ayaw na niyang bumalik pa sa Spain.

     Isa nga sa pinagsisisihan niya ay ang pagpupumilit sa magulang niya dati na sa isang International School siya sa Spain mag-aral. Nang makalipas ang labing limang taon, bumalik siya sa Pilipinas at nagkaroon pa sila ng diskusyon ng Mommy niya nang ipilit niya na dito na lang siya manirahan.

     Sa isip-isip niya, maganda ang sitwasyon niya sa Spain noon, subalit ang palibutan ka ng luntiang kulay o ibalandra ng kalikasan ang karikitan nitong taglay ay hindi hamak na mas kahali-halinang pagmasdan kaysa sa nagtatatayugang mga gusali sa tinuluyan niyang tahanan nila sa naturang bansa.

     Nang makarating sila roon, inuhan na siya ni Rowann at Rohann sa pagkatok ng saradong pinto ng bahay ng binata. Nangingiti na lang siyang m tinitingnan ang mga ito habang tinatawag ni Rowann ang pangalan ng Tito Luan nila. Kunsabagay, hindi naman niya masisisi ang bata, nangulila ang mga bata sa presensya ni Luan na parang tumayong ama ng mga ito magmula nang magkaisip. Nangako rin kasi si Luan noong bago ito umalis, isang linggo na ang nakararaan na sa silid ng mga bata ito matutulog kapag umuwi na ito sa asyenda. Magkagayon, alam ng dalawa kung sino ang tunay na ama ng mga ito.

     Habang pinapanood niya si Rowann at Rohann, ginunita siya ng tagpo apat na taon na ang nakalilipas; naaalala pa niya ang unang pagpunta niya sa bahay na iyon. Katok din siya nang katok noon, pero walang sumasagot. Napasulyap pa siya sa hawak cell phone niya, ilang taon na bang hindi niya pinapalitan ang wallpaper niya? Hubad na katawan iyon ni Ricket na palihim niyang kinuhanan ng letrato nang una siyang pumasok sa bahay. Napapailing na lang siya nang maalala na naman ang isang tagpo—doon naman sa isang silid ng bahay iyon, kung saan kinintalan siya ng halik ni Ricket sa kabila ng hindi magandang kalagayan nito.

HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon