KABANATA 21
"'WAG kang mag-alala, Wade. Mag-aapila pa rin tayo. Bibigyan natin ng hustisya ang pagkamatay ng Papa mo." Poot at awa ang mahihimigan sa tinurang iyon ni Ricarte habang ang mata ay natingin kay Wade. Poot para sa kapatid at awa para kay Wade. "Hayop talaga 'yang Ricky na 'yan!"
Ibinasura ng hukuman ang kaso laban kay Ricky. Hindi pinaniwalaan ang mga ebidensyang hawak nila at ang testimonya ni Wade. Magaling ang kinuhang lawyer ni Ricarte, nagtataka ito kung bakit mas pinaniwalaan ng korte ang sinabi ng buhong niyang kapatid; nasa labas daw ito ng bansa nang maganap ang pangyayari, may patunay ang mga ito sa nasabing senaryo.
Nananatiling nakayuko naman at nagbabagsakan ang luha ng binata habang ito ay nakaupo sa sofa, kung saan nasa tabi nito si Ricarte. Hinagod-hagod na lang niya ang likod ng binata upang palakasin ang loob nito.
"May mali talaga, eh." May hinuha siyang minanipula na naman ni Ricky ang kaso. Nabalitaan din niyang mayroong nabiling kumpanya ang kapatid niya na sa ngayon ay unti-unti nang nakikilala sa bansa. Nagtataka man subalit may agam-agam siyang dahil iyon sa sugal. Sino ang hindi magkakaroon ng teyorya sa biglang-yaman ng kapatid niya?
Ang 30% na ari-arian noon nito na ipinamana umano ng ina nila, ay nasa kalahati na sa mga ari-arian ni Ricket ngayon. Bigla na lang iyong umusbong sa mga nakaraang araw.
Ipina-imbestiga rin niya kung paano nabili ni Ricky ang kumpanya, at ayon sa private investigator na kinuha niya ay wala raw kahirap-hirap na nakuha iyon ni Troy, nanggaling daw sa sugal. Ipinasiyasat din niya ang dating may-ari ng kompanya, kumpirmadong naghihirap na ngayon ang dating mayamang sugarol.
Wala pa ring tigil sa paglandas ang luha ni Wade. Pinipilit na lang itong patahanin ni Ricarte. Naaawa siya sa binata. Sinong hindi manghihinayang sa hustisya na naging bato pa? Maski rin siya ay dismayado sa resulta.
Mas gusto pa niyang makulong at pagbayaran lahat ng kasalanan ng kinikilala niyang sariling kapatid, kaysa sa hayaang magpagala-gala ito sa labas sa kabila ng katampalasang ginawa nito.
Base sa mga datos at ebidensyang ibinunyag sa kaniya ni Wade ay naniniwala siya dito. Naniniwala siyang si Ricky nga ang pumatay sa ama nito. Kahit pa sabihing sandali pa lang niya itong nakilala, alam niyang hindi ito nagsisinungaling. Sinong pangahas na mambibintang kung wala namang iyong kasiguraduhan? Bakit niya pagbibintangan si Ricky kung wala naman talaga itong kasalanan? Kung hindi naman niya nasaksihan ang tunay na naganap?
"'Wag na ho kayong mag-apila, Sir Ricarte." Maang niyang tinignan ang mukha ng binata nang mahimigang may bahid ng sinseridad ang inusal nito. Nalito siya, bakit biglaan ang pag-urong nito ng kaso gayong noong mga nakaraang araw ay labis ang pagnanasa nitong bigyan ng hustisya ang ama?
"P-pero Wade, malapit na nating mabigya—"
"Alam ko hong malapit na tayo sa katarungan, pero 'wag na ho kayong mag-apila, marami pa ho kayong kailangang mas importanteng gawin, mas importanteng isaalang-alang. Unahin niyo na ho muna ang anak niyo, nakatitiyak ho akong iyon din ang gugustuhin ni Papa kung naririnig niya ho tayo ngayon," litanya nito, masinseridad.
Bumantas ang katahimikan sa pagitan nila. Gusto talaga niyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng papa ng huli. Matamang na lang siyang nakinig dito.
"Minsan pong nakausap ko siya noong may nalalabi pa siyang buhay, ang kaso pa rin ng anak ni'yo ang bukambibig niya. Nakakababa raw ho ng dignidad sa propesyon niya kung hindi niya ho masasabi sa inyo ang katotohanan. Gusto daw ho niyang itama ang mali niya, handa daw ho siyang mamatay, masabi lang ang totoo sa inyo't maibalik niya sa kaniyang sarili ang dignidad niya bilang isang Detective."
BINABASA MO ANG
HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)
RomanceMagmula nang magkaisip si Ruan, nangako siya sa sarili na balang-araw ay pakakasal siya sa natatanawang batang-babaeng nakadungaw sa durungawan ng bahay-hacienda sa Hacienda Velaya. Little did he know, they both shared the same sentiment; she was al...