KABANATA IX

144 26 5
                                    

KABANATA 9

"GANITO pala ang pakiramdam kapag nasa pagitan ka ng dalawang guwapo, 'no?" pilyang ani Dianne at pabaling-baling ang tingin kay Ruan at Luan.

Napapailing at bahagyang natatawa na lang silang dalawa sa kapilyahan nito. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Luan ang ugali ni Dianne dahil naiku-kuwento naman niya ito rito. Subalit hindi sa eksaktong depinisyon ng pilya ang pagtingin ng dalawa sa dalaga, batid nilang ito ay nagbibiro lang.

Naglalakad-lakad ang tatlo sa asyenda, patungo sa south side. Kagaya nga ng sinabi ni Don Lando; ipinasyal nga ni Ruan si Dianne. Inaya na rin nila si Luan upang makapagliwaliw man lang ito kahit sandali. Subsob na kasi sa pag-aaral at gawain sa mansyon ang binata.

"Hala, ang gaganda naman ng mga ito!" Labis ang pagkamangha sa mukha ni Dianne nang makita ang ekta-ektarya at iba't ibang klase ng bulaklak. Pumaroon ito sa isang halamang rosas.

Napangiti naman ang magkapatid dahil nagugustuhan 'yon ng kanilang panauhing dalaga.

"Grabe, 'di ako makapaniwala, mas kamangha-mangha pa pala ang ganda rito kaysa sa inaakala ko." Lumapit pa ang dalaga sa iba pang mga bulaklak. "Ang bango ha," turan nito matapos maamoy iyon. Hindi lang kaakit-akit tingnan ang mga bulaklak, napakabango pa niyon sa pang-amoy.

Lumapit ang magkapatid sa mga bulaklak, pumitas ang ng tig-tatlong dilaw na rosas.

"Dianne," tawag niya sa dalaga. Nilingon naman siya ng huli.

Mahina siyang natawa nang makitang napakagat labi pa ito matapos lumingon. Pinamulahan ito ng mukha nang makita ang hawak-hawak nilang mga rosas.

Mas lalo pa itong nakaramdam ng pag-init sa pisngi nang lumapit si Luan nito. Bahagyang hinawi ng binata ang buhok na tumatakip sa mukha ng dalaga at sinabit iyon sa tainga nito.

"Totoo pala ang sinabi ni kuya, napakaganda mo nga talaga, Ate Dianne," papuri nito matapos masiyasat ang itsura ng dalaga. Binigay nito ang dalawa pang hawak nitong dilaw na rosas.

"S-salamat." Bumalatay ang ngiti sa labi ni Dianne sa naulinigan. Maganda raw ito, sabi ni Ruan? "Talaga Luan, sinabi niya iyon?" paniniyak pa nito. Bahid ang kilig sa himig. Tanging makahulagang ngiti lang ang itinugon ni Luan.

Lingid sa kanilang kaalaman ay may mga mabibigat na matang nakamasid sa kanilang bawat galaw.

***

"INNA, nakita mo ba si Eva? Nasaan siya?" takang-tanong ni Ella kay Inna na kalalapag lang ng juice sa center table para sa kaniya.

"Hindi ko alam, Ella, e. Pero ang hinuha ko'y baka ho lumabas siya't namasyal lang sa lupain ninyo," magalang na saad ni Inna. "Wala kasi siya sa kaniyang silid nang mapadaan ako roon at isa pa; narinig ko kanina ang pag-uusap nila ni Don Lando na nagpaalam siya na maglalakad-lakad lang daw mayamaya pero hindi ko alam kung ano ang eksaktong oras niyon."

Tumango-tango si Ella kapagkuwan ay bahagyang sumimsim sa dalang juice ni Inna, "Salamat, Inna!"

"Sige, Ella," wika naman ng huli. Kinamusta pa ni Inna ang buntis patungkol sa kalagayan nito o kung ayos na ba siya. Tumugon naman si Ella at sinabing ayos na ang lagay niya.

"Inna, ang Daddy pala?" Akma nang aalis ang katulong nang magsalita muli siya.

"Umalis siya kanina, Ella. May kikitain daw."

"Kikitain? Nagpahatid ba siya kay Luan o kaya kay Ruan?"

"Sa tingin ko, hindi. Siya lang 'yong nag-drive ng sasakyan kanina, e."

"A-ah sige, Inna. Salamat." tango na lang ang itinugon ng huli.

"Siyanga pala, pakisamahan naman ako, gusto ko ring maglibot-libot, e. Hanapin natin si Eva."

HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon