KABANATA XXIV

129 23 2
                                    

KABANATA 24

"SAAN KA na nakarating, sinta?" Natakpan ng mukha ni Eva ang mga talang kanina pa tinitingnan ni Ruan.Napansin marahil nito na ang lalim na ang iniisip niya. Ngumiti siya rito at umayos ng pagkakahiga, niyakap naman siya ng dalaga at umunan na ito sa kaniyang dibdib..

Malalim na ang gabi, nagtagpo ang dalawa sa tagpuan nila. Tanging mga kuliglig ang nagbibigay ingay sa kanilang kinaroroonan. Ang natutunghayan nilang buwan ang nagsisilbi nilang tanglaw. The sky is full of shining stars accompanied by flying and glowing fireflies.

Nakahiga sila sa blanket na inilatag nila sa damuhan. Parehong hubad ang katawan habang nakatingin sa kalangitan.

"May problema ka ba, Ruan?" ani Eva, bahagyang dumapa sa katawan niya.

Nagpakawala na muna siya ng hangin saka pinukulan ng tingin ang dalaga.

"Wala naman, Love. Napapaisip lang ako sa inamin sa akin ni Dianne." Bahagya niyang iniangat ang ulo at sinelyuhan ng labi niya ang labi ng huli, napansin kasi niya ang pagkunot ng noo nito nang mabanggit niya ang pangalan ng bestfriend niya.

"What I mean is—"

"That she loves you?" she supplied in a low tone of voice.

"H-how did you know?"

Paanong nalaman ni Eva iyon? Gayong hindi pa naman niya sinasabi? Sigurado rin siyang walang nakakita o nakarinig na nakakakilala sa kanila ni Dianne noong umamin ito sa kaniya. Sinabi marahil ni Dianne ito kay Eva? Pero paano? Hindi pa niya nakitang nag-usap ang dalawa. They're not even close.

Bumangon si Eva, bahagya rin siyang bumangon, itinukod lang ang magkabilang siko sa kinahihigaan niya.

The moonlight was enough for him to see her body. Tumambad sa kaniya ang malulusog na dibdib ng kanyang kasintahan. Tila kumikinang ang maputi at makinis na balat nito dulot ng sinag ng buwan na tumatama rito. He was turned on as he was staring into his Señorita. Nagsimulang gumapang ang init sa kaniyang kaibuturan. Bumalik siya sa wastong huwisyo nang marinig na magsalita si Eva.

"Honestly, the first time I saw her with you, I knew it."

Umakyat ang tingin niya sa mga mata ni Eva. Napaawang ang labi niya. Paano niya nalaman sa una palang nilang pagkikita? Natawa si Eva na ikinataka niya.

"Is there something funny?"

"Nothing, natawa lang ako sa reaksyon ng Sinta ko. Pa-kiss nga, ang cute cute mo kasi eh." Namalayan na lang niyang hawak-hawak na ng kaniyang Señorita ang magkabilang pisngi niya at pinapaulanan na siya ng halik sa labi at pisngi. Natawa siya nang palihim. He found it cute. Gustong-gusto niya iyon.

"Pero anong ibig mong sabihin? Paano mo nasabing alam mo na?" tanong niya habang kinikintalan pa rin siya ng halik ni Eva sa iba't ibang parte ng mukha niya. Itinigil naman ni Eva ang ginagawa nito upang sagutin ang tanong niya.

"Naalala mo noong dumalaw ako sa kumpanya noong una? Noong nakita ko kayong halos maghalikan na? 'Yong isinandal ka niya sa pader?" paimula ni Eva. Sandali siyang napaisip at tumango siya noong maalala niya, bahagya pa siyang natatawa nang sumirko sa isip niya ang pangyayaring iyon. "'Yon pang nasa kotse tayong apat nina Daddya. May agam-agam na ako noon. Iba kasi ang tingin niya sa 'yo. I know you were friends, but based on my observation, hindi lang isang kaibigan ang turing niya sa'yo, kundi mas higit pa roon."

Napakunot siya ng noo sa sinabi nito. Kung iba nga ang turing nito, bakit hindi man lang niya naramdaman?

"P-pero bakit hindi ko man lang naramdaman?" giit niya. Napangiti naman si Eva sa kaniya. Pinisil pa nito ang magkabilang pisngi niya. Alam niyang namumula na iyon sa kakapisil ng kasintahan niya. Ramdam nito ang hapdi sa pinagpisilan nito. Hindi naman masyadong malaman ang pisngi niya, pero ba't ba laging pinipisil ito ng bruha?

HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon