KABANATA XXXIII

164 28 5
                                    

KABANATA 33

MAGKAPATONG na nakatapat sa numero tres ang kamay ng orasan nang tapunan ng sulyap ni Ricket ang alarm clock na nasa kaniyang side table. Alas tres y kinse na nang madaling araw, subalit hindi pa rin makatakas sa diwa niya ang nadama niya kanina habang binubusog ang mga mata sa pigura ng buwan.

He felt something strange that crept into the depths of his chest. Kung hindi pa siya kinalabit ni Luro, hindi pa siya makakabalik sa kaniyang angkop na huwisyo.

Wala ni kahit anumang uri ng isipin na dumagsa sa kaniyang isipan kanina, subalit nangibabaw naman ang kaniyang pakiramdam sa dibdib. As if his heart was whispering something into his mind. Para bang nagkakaroon ng diskusyon ang dalawang parte ng katawan niyang iyon. May nararamdaman siyang iba, ngunit wala siyang ideya kung ano ang bagay na iyon.

Hindi siya magkandamayaw sa kakapalit ng posisyon sa kaniyang higaan. Kanina pa siya paiba-iba ng posisyon, subalit tila nakakulong na ang diwa niya sa naganap kanina. May espasyo sa isip niya na ibig na niyang matulog, ngunit okupado ng nangyari kanina ang malawak na espasyo niyon. Namalayan na lamang niya ang kaniyang sariling palabas na ng kaniyang silid. Dinala siya ng kaniyang mga paa patungo sa balkonahe ng mansyon, kung saan matatanglawang maigi ang buwan. May sarili namang balcony ang silid niya, pero mas malawak at mas maganda kasi ang tanawing makikita sa parteng iyon.

Malayo pa lamang siya ay sumisilip na ang sinag ng buwan sa balkonahe ng ikaapat na palapag ng mansyon nila. Nabatid niya ring may presensyang naroroon, may anino ng tao siyang nasisilayan sa sahig.

He let out a deep sighed as he stand beside Adrion. Hindi inabala ng binata na tapunan siya ng tingin. Marahil alam na nito na siya ang naroroon.

"Can't sleep?" Adrion asked him in a soft tone without looking at him. Nakahawak ito ng isang naka-can na beer.

He turned his gaze into his cousin. "Yeah," he uttered feebly.

"Kanina ka pa rito?" balik-tanong niya matapos nilukob ng tranquility ang ilang minuto nila.

"Yeah," Adrion responded nonchalantly as his eyes are busy looking at the night sky.

"Why are you here by the way?"

Itinungga ng pinsan niya ang alak, bago iginala ang mata sa paligid hanggang sa maapuhap ng mata nito ang mga upuan na nasa lamesa na isinadya para doon. Hinila nito ang dalawang upuan at ibinigay kay Ricket ang isa.

Magkatabing nakaupo ang dalawa at nakatapat sa bilog na bilog ng buwan. Nakapatay ang ilaw sa kinaroroonan nila, subalit malinaw nilang nasisilayan ang isa't isa, nagmistulang tanglaw nila ang buwan.

"Likewise, can't sleep." Sumimsim sa hawak na beer, bago siya inabutan siya ng isang can beer ni Adrion.

"Why?" Adrion turned his gaze into him.

Dulot ng sinag ng buwan, namalas niya ang ini-express ng hitsura ng binata, walang kahit ano mang emosyon na mababanaag doon. Yet, if you will focus on his exquisite leaf-colored eyes, sorrow and pain can be seen. Doon niya napagtantong parang galing sa pag-iyak ang binata.

Binawi ng binata ang tingin nito sa kaniya, pagkuwa'y muling itinungga ang beer. Tumungga rin siya.

"Ricket," sabi nito habang nakasilay sa buwan. He hummed as an indication of his questioning.

HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon