KABANATA 45
KATATAPOS lang mag-gym ni Wynter nang tumawag ang manager niya na naka-base sa Paris at nagbabakasyon din ngayon sa Taiwan. Pinapaalala nga nito na malapit nang matapos ang bakasyong hiniling niya rito noong nakaraang buwan.
May runway show at important shoot siyang naghihintay sa pagbabalik niya sa Taipei. Matapos iyon, kailangan din niyang lumipad patungo sa Paris para sa isa ring malaking fashion show. She is a supermodel, a highly paid professional fashion model. She works for prominent fashion designers and clothing brands, kaya naman pinangangalagaan niya ang sarili niya. Popular siya hindi lang sa loob ng bansa, kundi sa buong mundo.
Ka-bo-book lang niya sa isang professional facialists and masseuses to help ease her sore muscles and keep her postures in check. Nananakit kasi minsan ang katawan niya gawa ng puspusang pag-wo-work out niya sa gym sa loob ng mansyon. Nagtutungo roon ang professional at personal trainer niya na kakilala rin niya personally at kaaalis nga lang nito.
Lumaki siya sa Paris at bata pa nga lang ay hilig na talaga niya ang modeling. May background siya haute couture at commercial modeling. Sumasali rin siya sa mga beauty pageants noon; she even competed and represented her country in an international beauty pageant stage. Hindi man siya nakoronahan, pero iyon naman ang simula ng career niya sa pagiging isang supermodel. Nakilala siya nang husto matapos niyon at marami ang kumontak sa kaniyang mga tanyag na kumpanya, dahilan para mas lalo siyang sumikat nang sumikat sa Modeling Industry. And she was very grateful for that.
Humakbang siya palapit sa glass wall ng silid niya; sakto namang palabas ng gate ang isang naka-motor. Pormahan pa lang nito, alam na niya kung sino ito. Bumuntong-hininga siya habang sinusundan ito ng tingin palayo sa mansyon.
Akala niya, lumabas na kanina si Wade. Nakapagpalit na rin kasi ito kanina nang ihatid nila sa van ang mga susundo sa Lola Helena at Tita Lara niya sa airport. Marahil hindi pa ito umalis kanina, hindi na niya kasi ito napansin dahil sakto ring dumating ang personal trainer niya.
Hindi alam ni Wynter ang buong detalye sa kung paano nabuo ang pagtinging nararamdaman niya sa binata. Wade has something that she couldn't explain. Maganda ang physical features nito, at inaamin niyang na-a-attract siya sa hitsura nito. Moreno ang binata, nakuha nito ang tipo niyang kutis ng mga lalaki. Halos magkasing tangkad lang din sila ng binata, 5'10 silang pareho, mas natangkad lang ang Kuya West niya na 6'1. Ang isa pa sa hindi maipaliwanag ni Wynter ay ang mga mata ng lalaki, hindi niya alam pero sobra siyang na-a-attract at nagagandahan sa mga mata nito, para bang iyon ay nangungusap at maraming nakakubling mga mahihiwagang bagay.
Noon, hindi siya naniniwala sa tinatawag ng ibang “love at first sight”, pero nang una niyang nakita si Wade, iglap ay natagpuan na lang niya ang sariling naniniwala na roon. Lalo pa nang sagipin siya nito nang muntikan siyang malunod sa pool ng mansyon nila sa Taiwan nang pinulikat siya, isang araw pagkatapos ng una nilang pagkikita. Isama pa ang muntikan niyang pagkatalisod sa hagdan at nasalo siya ni Wade na hindi niya namalayan na nasa likod lang pala niya. Pati na rin nang minsang makita siya ng mga fans at paparazzi sa isang establishment sa U.S. na halos kuyugin na siya ng mga ito, dumating noon ang binata sakay ng isang motor at pinasakay siya roon saka sila lumayo sa mga ito. Mas lalong umahon doon ang paghangang nararamdaman niya para ka Wade. Para siyang damsel in distress at ang lalaki ang kaniyang knight in shining armor na laging nagliligtas sa kaniya.
Bagaman, sa kabila ng nararamdaman ay hindi pa niya ito inaamin sa binata. Hindi niya kasi alam kung paano ito sasabihin, pinangungunahan siya ng pangamba sa tuwing nariyan ang binata. Madaldal at kalog siya sa ibang tao sa mansyon, pero kapag nariyan na si Wade, ni halos hindi siya makapagsalita; wala siyang kumpiyansa. Pakiramdam kasi niya, hindi rin interesado ang binata sa mga sasabihin niya. Kapag nagtatagpo ang kanilang mga mata, hindi pa iyon nagtatagal nang kahit isang segundo man lang, kaya siya walang lakas ng loob.
BINABASA MO ANG
HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)
RomanceMagmula nang magkaisip si Ruan, nangako siya sa sarili na balang-araw ay pakakasal siya sa natatanawang batang-babaeng nakadungaw sa durungawan ng bahay-hacienda sa Hacienda Velaya. Little did he know, they both shared the same sentiment; she was al...