KABANATA XIX

194 32 1
                                    

KABANATA 19

"SINTA?" Pang-aagaw ni Ruan sa atensyon ni Eva. Isang malalim na hininga lang ang itinugon ng huli. Gabi na, subalit nasa isang bahagi pa rin ng asyenda ang dalawa.

Nilapatan na ng mala-pilak na kulay ang buong kapaligiran dulot ng sinag ng marilag na buwan. Nakahiga si Ruan sa damuhan habang ang ulo ay nakasandal sa hita ng Señorita. Bahagyang nakaupo at abala naman sa paghaplos ng buhok ng binaya ang dalaga.

"Hanggang kailan natin ito maitatago?" aniya sa tono ng pagkabahala. Nababahala siyang baka may makaalam sa namamagitan sa kanila.

Si Ali lang ang nakakaalam ng mayroon sa kanila dahil sa nakita noon nitong postura nila sa hapag-kainan. Kanina lang ay muntikan na silang maabutan ng mga ama ni Ruan sa bahay nila. Hindi niya inasahan ang pagdating ng ama, dahil nga sa pagkakaalam niya ay sa mansyon ito laging nanananghalian. Sinabi naman ni Larry na may kukunin lang daw ito sa bahay nila. Mabuti na lang at nakaalis na noon si Eva at bumalik na sa mansyon.

"Ang alin, Sinta?" tanong ng Señorita. Marahil hindi nito nahiwatigan ang nais niyang iparating sa tanong niya kanina. Bumangon siya buhat sa pagkakahiga at bahagyang sinipat ang mga palad ni Eva. Pinagsalikop niya ang mga iyon at tumingin sa mga mata nito.

"A-ang ganito, Sinta ko," sinserong aniya at bahagya pang hinigpitan ang pag-iisa ng mga palad nila. Ipinaparating nito kung hanggang kailan ba sila magiging mailap sa mata ng mga tao sa asyenda, kailan ba sila magiging malayang magmamahalan. 'Yong walang takot at pangamba sa puso nila, 'yong wala silang inaalala kahit pa may makakita sa kanila. "Itong namamagitan sa atin. Hanggang kailan natin ito itatago o mababago?"

"B-bakit, sawa ka na ba sa ganito, Sinta?" Bahagyang kumawala ang kanang palad ni Eva mula sa pagkakasalikop niyon sa kaliwang palad ni Ruan upang mahawakan nito ang pisngi ng binata.

"H-hindi naman Love, h-hindi ako nagsasawa," nauutal na aniya. Hindi naman talaga ang pagkasawa ang nais niyang ipabatid sa katanungan niyang iyon. Sumagi lang sa isip niya ang mga nakikita niyang magkasintahan na legal sa magkabilang angkan, 'yong may basbas ng kani-kanilang mga magulang, nakadadama siya ng inggit roon. Gusto niyang maging ganoon ang relasyon nila ng Señorita.

Iniangat niya ang palad niya upang ipadapo iyon sa palad ni Eva na nasa pisngi niya.

"Ang gusto ko lang ay 'yong malaya tayong magmamahalan, 'yong alam ng lahat ng tao sa paligid natin ang namamagitan sa atin. P-pero paano? Alam naman nating tututol ang mga magulang natin 'pag nalaman nila ang tungkol sa atin, lalo na ang D-Daddy mo."

Bumalatay ang makahulugang ngiti sa labi ni Eva, pagkuway saka sinelyuhan ng labi nito ang labi niya. She kissed him like it would be the last time, hungrily and passionately. He savored her kiss pero kumawala rin ang dalaga.

"Don't worry, Ruan. Malapit na. Kailangan lang natin isipin kung paano natin sasabihin ang namamagitan sa atin sa kanila nang hindi sila nagagalit. Even me, I want our affinity become like that, 'yong hindi tayo gan'to, 'yong patagong nagkikita at nagsasama." Muling siyang siniil ng halik ni Eva.

Marubdob at mapang-angkin ang ipinukol nitong halik sa kaniya. Napapapikit na lang siya dahil sa sensasyong dulot niyon sa katawan niya.

Tama ang kaniyang Señorita. Kailangan na muna nilang pag-isipan nang mabuti kung paano nila sasabihin kina Don Lando ang koneksyong namamagitan sa kanila. Ayaw naman niyang magalit sa kaniya si Don Lando, ayaw niyang masira ang tiwala nito sa kaniga. Hindi niya rin ninanais na masira ang relasyon at tiwala ni Don Lando sa anak nito, kay Eva.

Hindi nawawala sa isip niya ang inihabilin sa kaniya ng kanilang ina, na hindi dapat sila magkaroon ng kahit anumang pagtingin sa anak ng kanilang amo. Ngunit anong magagawa niya gayong puso niya ang nagdidikta? Gusto man niyang sundin iyon ay hindi niya magawa-gawa dahil totoong mahal niya ang Señorita. Matagal na niya iyong minimithi at ipinapanalangin.

HACIENDA VELAYA 1: REKINDLING ROMANCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon