Chapter 37

5.3K 96 31
                                    

Okay so this story took longer and will take longer than I thought. Haha! Pasensya na.

*

"K-Keith, what are you doing?"

Saglit siyang tumigil pero tinuloy na din agad ang pag-iimpake. I bit my lower lip. Is he... leaving?

"Tinext ako nila Geo. May camp daw kami. Photography daw ng nature ang demand nung isang client. Naisipan kong magvolunteer," sagot niya kapagkuwan.

"Camp?"

"Biglaan. Kaming dalawa nung isa kong lalaking kasamahan ang kasama ko. Don't worry. Wala akong balak magsama ng babae. Kung ang isa nga nakakasakit na nang sobra, dodoblehin ko pa ba?"

He stood and smiled at me sarcastically. I looked down. Hindi ko siya kayang tingnan. Sinuklot na niya ang camping bag niya sa likod niya.

"Ilang araw yun?"

"Ewan. Three days?"

"Hindi pa sure?"

"Three days." Inayos niya ang sarili niya. Paano ko ba nagagawang saktan ang ganito kagwapong nilalang?

"Saan kayo pupunta?"

But instead of answering my question, he stared at me blankly for a while then left. He was halfway along the opened door when he stopped. Umiinit ang gilid ng mga mata ko. Camp lang naman daw pero bakit pakiramdam ko, iiwan niya na ako?

Nagulat ako nang yakapin niya ako mula sa likod. Sobrang higpit... Sobrang higpit na ayoko nang matanggal pa. Yung yakap na parang nagsasabing talagang kaming dalawa lang sa huli. Yung yakap na umaasang magiging okay din ang lahat.

"Keith, galit ka ba dahil hindi na naman tuloy ang kasal?"

Nanatili siyang nakayakap. "I'm not angry. I'm just disappointed."

"Alam mo naman yung kondisyon ni Cheska diba? Si Matthew din. Diba kapag nahihirapan yung bestfriend mo, nahihirapan ka na din? You understand me, right?"

"I understand. Hindi ko naman minamadali yung kasal eh. Kahit yung pagpaplano man lang sana, matuloy. Kahit yun nalang. Kahit saka na tayo magpakasal kapag okay na lahat. Masiguro ko lang na may kasalan talagang magaganap." He sighed. "Anyway..."

"Pwede bang wag ka nang umalis? Hindi kasi tayo okay eh."

"Kaya nga ako aalis eh."

Kumalas na siya sa pagkakayakap sakin. Dahan-dahan niya akong pinihit paharap sa kanya at dinampian ako ng halik sa labi.

"Alis na ako."

Walang I love you. Walang nagsasabing babalik siya.

Gusto ko talaga siyang pigilan kaso baka lalo lang siyang magalit. Hindi ko alam kung ako ba ang mali o siya. Bilang kaibigan ni Cheska, mahirap para sakin ang maging masaya sa sitwasyon niya. Alam ko namang ganon din si Keith.

"Bakit ba kasi nagmamadali kang ikasal tayo? Hindi naman kita tatakasan," bulong ko sa sarili ko na narinig niya.

Nakita kong nagpanting ang tenga niya at napigil ang dapat na pagtapak niya palabas ng kwarto. Hinarap niya ako at tinitigan sandali. Gusto ko biglang bawiin yung sinabi ko.

"Nagmamadali? Glenn, nagmamadali pa rin? A week from now, our ruined wedding will be a year ago. Ganon na katagal simula nang maudlot yung pagpapakasal na simula non ultimo yung pagpaplano, hindi na matuloy. We are so close." He gestured a small gap between his pointing finger and his thumb. "This close from getting married but never got there."

"Eh anong gusto mong gawin ko? Paulit-ulit nalang tayo. Kita mo namang laging may problema diba? At yung mga problemang yun, hindi basta biro. Hindi basta alibi. Naiipit na ako, Keith. Hindi mo ba ako maintindihan?"

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon