Dahil walang balak pumasok si Keith, hindi na rin ako pumasok. Hindi naman nagrereklamo sina Charlene eh. At tingin ko naman, hindi talaga yun magrereklamo. Last week, Zach came to Cups and Cakes—with some papers he brought with him.
Noong una, akala namin ay malakas lang ang saltik ni Zach ng araw na iyon. Pero mukhang nababaliw na nga talaga si Zach. Natatawa pa kami habang tinitingnan siya. Naka-corporate attire ang lolo mo! Bihira siyang pumunta sa Cups and Cakes nang ganon.
Nung sinabi niyang gusto niyang mag-apply bilang crew ko sa Cups and Cakes as a part-timer, natawa kami. Pero seryoso pala siya. So, in the end, I hired Zachariel to be one of the staffs of Cups and Cakes. Maigi na rin para may katulong si Charlene kapag tinatamad akong pumasok at dahil si Cheska ay bihira na ring pumasok kahit mag-iisang buwan pa lang naman siya. Madalas na daw kasi agad siyang magkaroon ng cramps. Ang sabi ng OB niya, mas makabubuti raw kung magpapahinga muna siya. Nine months siyang magpapaka-prinsesa kay Matthew.
Gusto kong maggala kaso si Keith, mukhang paninindigan talaga niya ang pananatili rito sa bahay. Pagkagising niya ng umaga, binuksan niya agad yung xbox. Nagluto ako ng maraming pagkain para sa breakfast. Gusto kong bumawi sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin ma-disgest ng utak ko na hindi pala boto sakin si Ate Kiele. I have no clue. Yeah, manhid nga siguro ako. Hindi ko tuloy alam kung paano ko kahaharapin si Ate Kiele kapag nagkita kami. Syempre, dahil alam ko na yung totoo, medyo parang magiging conscious na ako at medyo mao-awkward-an.
Kinain naman lahat ng niluto ko ni Keith. Kahit naman adik na adik siya sa xbox ay may time pa rin siyang kumain. Normal pa rin siyang tao. Yun nga lang, kapag naglalaro na, hindi na makausap nang maayos. Medyo nagiging pilosopo na rin at one-liner kung sumagot. The old Keith Jacob Anietas way back high school.
Tumabi ako sa kanya.
"Hoy," pagtawag ko.
"Hoy ka rin," sabi niya na nakatutok pa rin sa paglalaro.
"Nagseselos ako."
He chuckled. "Nandito na nga lang ako sa bahay, nagseselos ka pa rin?"
"Umaga pa lang, yang joystick na ang ka-holding hands mo," pag-iinarte ko.
Aba, minsan lang to no. Gusto ko ring maglambing sa kanya. Ang sarap kaya ng tulog ko kagabi dahil sa mga narinig ko... except doon sa negative na nalaman ko.
His one hand let go of the joystick. He put the joystick on his lap. Yung isang kamay niya ang naglalaro habang yung isa, hawak yung kamay ko. Ma-diskarte nga itong si Anietas.
"Pero sa TV ka naman nakatingin."
"Nilalambing mo ba ako, Glenn?"
I rolled my eyes. "Hindi ba halata?"
"Hindi eh."
Ah, ganon! At talagang ni hindi man lang ako nagawang sulyapan. Sige na. Hindi na ako maglalambing. Idi-distract nalang kita. Makikita mo. Hinahamon mo ako ha.
Binitawan ko yung kamay niya tapos niyakap ko siya.
"Keith... wala ka nang time para sakin," sabi ko na may halong pagtatampo.
"Mamaya."
Ay, ganon?
"Keith, kiss mo ako."
"Later. Kahit ilan pa."
Humiga ako sa lap niya. Hindi pa rin natinag ang leche!
I extended my arm and reached for his cheeks. Pinisil ko nang pinisil yung pisngi niya. Hindi na nga pisil eh. Nilalamutak ko na. Tumatawa lang siya. Nakakaasar siya!
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)