Alam kong hindi okay kay Keith ang pagka-kansela na naman ng kasal namin. Damang dama ng kalamnan ko ang cold treatment na ginagawa niya.
"Ito?"
Nakatitig lang ako sa kanya habang tinatanong niya ako sa harap ng counter sa Jollibee kung ano ang kakainin ko. Hindi niya man lang ako tinatapunan ng tingin mula nung umalis kami sa ospital.
"Ito ba?"
I silently sighed.
"Alin ba ang gusto mo? Ikaw na ngang pumili."
"Keith, ang lamig," sabi ko habang nakatitig pa rin sa kanya. Kinunutan niya ako ng noo. "Ang cold mong masyado."
Saglit niya akong tinitigan saka humarap sa babae sa counter na kanina pa nakamasid samin. Um-order na siya ng pagkain namin. Hindi na ako tinanong. Ang nakakairita don, nginitian niya yung babae nang ngumiti sa kanya.
Oo, ang babaw. Feeling bagets... pero nakakahiya naman sakin diba? Ako nga, hindi matapunan ng tingin tapos yung cashier, nginitian?
"Taray. Nagngitian pa talaga," parinig ko na walang pumansin.
"Sir, you look familiar." Pa-etuc pang kumunot ang noo nung babae. Chumichika habang kinukuha yung order namin. "Model po ba kayo?"
Keith chuckled. Napakagat-labi ako sa inis. "Photographer."
"Ah. Akala ko po model. Mas bagay po ata kayong model kaysa photographer."
"Hindi naman."
"Oo nga po. Artistahin nga po kayo."
"Kanina, model. Ngayon,artista. Wow. I'm really flattered. Bloated na bloated na ako."
"Naks! Taray. Nag-talkshow pa. Ate, pwedeng pa-order ng kaunting bilis?"
Napatigil yung babae tapos medyo bumilis ng galaw.
"Take-out nga pala, Miss," sabi ni Keith.
AT... Tpekencoapwnwizmanqhqiwvvzakla!!!! Kinindatan pa ni Keith yung babae. Huminga nalang ako nang malalim. Ayokong gumawa ng eskandalo. Sa ngalan ng bubuyog na nakastripes na red at yellow sa labas na nakalahad ang palad sa mga napasok sa fastfood chain na ito, magtitimpi ako.
Pero grabe ha! Hindi porket nagtatampo siya sakin ay haharot na siya sa iba. At harap-harapan! Ngali-ngali kong tumabi dahil nakaka-shy naman.
"Here you go, Sir. Salamat po! Come again."
At si Keith lang ang binati ng bruha! Hinayaan kong si Keith ang magdala nung pagkain. Pagkalabas namin saka ako tumalak nang kauntian.
"Keith Jacob, anong palabas yun? Nakakatuwa ka naman. Ang cute mo. Lumalandi ka ng ibang babae sa harap ko. Gagawan ko na nga sana kayo ng love story eh. Isasama ko sa scene yung pagkindat mo," himutok ko.
Nauna na siyang maglakad sakin. Hinayupak! Hindi man lang maghintay.
"I'm just trying to be nice."
Nanlaki ang mga mata ko. My voice's pitch became higher than usual.
"Nice? Keith Jacob, nice? Wag mo nga akong gaguhin. You can be nice without the wink. Magkaiba ang pagiging nice sa pagiging malandi!"
He stopped. And so did I. Hinarap niya ako bigla. Kakaunti lang ang taong nadaan at pawang mga wala namang pakielam samin. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata ni Keith.
"You want the truth?" Bigla akong kinabahan. Sa takot... Sa kaba... Hindi ko alam. "The truth is I am trying to make you jealous, thinking maybe if you did, you will pursue the wedding and stop cancelling it everytime there is onflict on something that doesn't have anything to do with the wedding! Hindi ko nga alam kung dahil lang sa ayaw mong may conflict sa kahit ano kapag kinasal tayo o sadyang ginagawa mo lang yung alibi para hindi matuloy ang kasal."
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)