"Wala ka talagang amnesia?"
"Hindi!" irita niyang sagot na may kasama pang pagkamot sa ulo. Hindi ko kasi siya ma-gets eh. Medyo nagugulahan ako sa kwento niya kanina. "Tunay na nagka-amnesia ako. Selective amnesia at si Cha lang ang hindi ko maalala. Pero hindi naman naging kasintagal ng inaakala mo. Hindi three years. Three months. Glenn, puso ko ang kumikilala kay Charlene. Kahit pa piringan ako, alam ng puso ko kapag nasa tabi ko na siya."
"Eh bakit pinaniwala mo pa siya na hindi mo siya maalala?" tanong ko.
Bumuntong-hininga siya saka tumungo. Nakaupo nalang kami sa gutter sa tapat ng bahay na inuupahan ko. Mas kailangan namin ng masinsinang usap.
"Nadala kasi ako ng selos."
"Selos?"
"Nung gabing naaalala ko na siya, nakita ko siyang nakayakap kay Tyler. Hindi lang yun. Hinalikan pa siya ng kakambal ko sa noo. Sobrang excited pa man din ako dahil sa wakas, naalala ko na siya. Kaso... yun ang tumambad sa akin. At nilamon ako ng selos."
Umakyat ang dugo ko sa ulo. "Dahil lang doon? Hindi mo ba naisip na two years kang coma, hinihintay ka pa rin niya. Nagising ka nang hindi siya naaalala pero nanatili siya sa tabi mo. Yung hirap na dinanas niya, wala kang alam doon. Paano kung ikino-console lang siya ni Tyler? Dahil lang sa selos, sinaktan mo siya at binalewala mo lahat ng efforts niya!" pagpapamukha ko sa kanya. Pinilit ko pa rin namang hindi siya sigawan. Wala akong karapatan.
Napahawak si Zach sa batok niya. "I know. Kung pwede ko nga lang bawiin yung katangahang nagawa ko. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun. Three years and a half kong pinahirapan si Cha pati na rin ang sarili ko dahil lang sa pagseselos ko. Ni hindi ko man lang naisip na siya naman talaga yung nag-e-effort all this time. Siya yung laging nagbibigay. Ako lang yung madalas na tumatanggap. Ako na yung may mali, ako pa yung lumayo. Ako pa yung nagmatigas. Ako pa yung nagpilit mag-move on."
Pinagmamasdan ko lang si Zach habang napapailing siya sa mga reyalisasyon niya.
"Ang tanga-tanga ko para hayaan si Cha na umalis. Kung pwede ko lang sanang ibalik diba, ginawa ko na."
"Pero hindi pa naman huli ang lahat."
"Tatanggapin pa kaya niya ako?"
"Subukan mo muna."
Naisip ko, parang hindi lang naman si Zach ang nagkaroon ng reyalisasyon. Sa mga sinabi niya, tinamaan ako. Pakiramdam ko, parehas kami ni Zach ng nagawa.
Si Keith yung mas madalas mag-effort. Siya yung madalas magbigay ng kung ano-ano. Siya yung madalas magpakita ng emosyon. Siya yung madalas magprepare ng mga sorpresa para sa akin. Ako yung tumatanggap ng mga binibigay niya. Ako yung nagpipilit na itago ang feelings ko kahit na hindi na naman kailangan. Ako yung madalas na napapasaya niya. Ako ba, ano na nga ba ang mga nagawa ko para mapasaya si Keith?
Alam kong malaking offense ang nagawa niya. Nakabuntis siya... hindi pa lang nga sigurado. Parehas lang kami halos ni Zach. Akala niya may affair ang kakambal niya pati ang babaeng mahal niya... hindi naman niya sigurado. Oo, nanatili ako sa tabi ni Keith pero yung tiwala at suporta, medyo kinulang ata ako roon. Ni hindi ko magawang paniwalaan ang mga explanations niya.
Parehas kami ni Zach ng dahilan kung bakit nagmatigas: selos. Nagselos siya kay Tyler at Cha. Ako, nagselos ako kay Aly at Keith. May anak kasi si Aly kay Keith kahit hindi naman sure. May panakot siya. May dahilan siya para maghabol. Mas maganda siya. Mas matangkad siya. Mas sexy. Mas kaakit-akit. Insecurity. I let it get into me and eat me... which is wrong.
Ako na nga yung madalas na napapasaya niya, ako pa yung mabilis na sumuko. Ako pa yung nagmatigas. Ako pa yung lumayo. Ako pa yung nagpumilit na magmove-on.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)