Nanlalaki ang mga mata at tumatagaktak ang pawis na nagising ako. Hingal na hingal ako at sunod-sunod ang aking paghinga.Hindi pa rin ma-digest ng utak ko ang nangyari sa panaginip ko. Nangingilid ang luha ko.
"G-Glenn... Bakit?"
Agad na binalingan ko si Keith. Andito pa siya. Mahigpit na niyakap ko siya saka ako humagulgol sa balikat niya. He hugged me back even though he has no idea what's going on. I hugged him so tight. I don't want to let go. I don't want him to go. I don't want him to die.
"K-Keith..." humahagulgol ko pa ring tawag sa pangalan niya. "Keith, wag mo akong iiwan ha?"
Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. "Oo naman. Hindi kita kayang iwan."
Hindi na ako nagsalita. Nakayakap lang ako sa kanya. Pakiramdam ko, totoo yung panaginip ko. Sobrang natakot talaga ako. Akala ko tunay nang mawawala sa akin si Keith.
Tahimik lang kaming magkayakap ni Keith habang hinahaplos-haplos niya yung buhok ko. Kung pwede lang na buong araw na kaming ganito eh.
"Wag ka nang umiyak."
"Keith..."
"Hmm?"
"Will you marry me?"
It takes only a sigh for me to know that it is my third rejection. "Glenndaline..."
"Okay."
Hinalikan niya yung tuktok ng ulo ko. "I didn't mean to hurt you these past few days every time you propose to me pero—"
"Oo na," sabi ko nalang para hindi na niya ituloy yung sasabihin niya. Masyado na akong nasasaktan sa tatlong beses na pagre-reject niya.
"Glenn, you are not listening—"
"Okay lang. Sige na," sabi ko.
Bumuntong-hininga na naman siya. "Matulog na nga lang tayo."
Humiga na kaming dalawa. Wala pa rin akong imik. Kahit pa medyo may tampo ako sa kanya, nakayakap pa rin ako. Mahirap na. Nakayap din naman siya sakin.
Humiga ako sa dibdib niya. Rinig na rinig ko yung bilis ng pintig ng puso niya.
"Bakit ang bilis ng tibok ng puso mo?" tanong ko.
He laughed softly. "Ganyan talaga yan kapag nandyan ka. Sanay na ako." Napangiti nalang ako sa sinagot ni Keith. "Glenn, mahal na mahal kita, okay? Parati mo yang tatandaan."
I simply nod my head.
"Good night. I love you," he said then kissed the top of my head.
"I love you, too."
"Whatever you had dreamt of, it isn't true. It won't happen. It is just a dream."
I hope so.
*
"Panaginip lang yun. Wag kang masyadong magpadala. Susko. Kadalasan, kung ano nangyayari sa panaginip, kabaliktaran sa katotohanan. Wag kang mag-alala," sabi ni Cheska sa kabilang linya.
"Sana nga," sabi ko habang pinapanood si Keith habang kinukuhaan ng litrato ang isang taong bata para sa 1st birthday nito. Hindi dapat siya ang magiging photographer ngunit dahil hindi nakiki-cooperate ang bata sa assigned photographer, si Keith na ang nagprisinta. Mukhang nagkakasundo naman si Keith pati ang bata.
Pagkatapos ng napanaginipan ko, parang ayaw ko nang mawawala si Keith sa paningin ko. Gusto ko lagi ko siyang nakikita. Kapag nawawala siya sa paningin ko, kinakabahan ako. Para ngang ayaw ko na ring siyang magmaneho ng kotse eh. Kaso hindi naman ako marunong kaya wala rin akong choice. Panaka-nakang sinusulyapan niya ako habang kausap ko sa cellphone si Cheska at nakaupo sa mga couches nila rito.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)