Chapter 20

8K 88 8
                                    

"Kuya Keith!"

Masiglang sinalubong si Keith ng mga bata pagkarating na pagkarating namin sa Children's Haven. Magkakasabay kaming pumunta roon. Pinayagan ni Matt si Cheska na sumama para raw may kasa-kasama ako kahit papaano. Syempre, dahil sila nila Keith ang organizers ng event, magiging busy sila at baka hindi raw ako masyadong maasikaso ni Keith.

Actually, I wouldn't mind. Pero mas masayang kasama rin ang bestfriend ko.

"Hey!" bati ni Keith sa mga bata. Lumuhod siya at sinalubong ang mainit na yakap ng mga bata.

It was a must-see. Seeing him with kids makes him look more adorable and pleasing to my eyes and heart. Ganoon din si Matt. Apparently, Luke wasn't able to show up. Hindi namin alam kung bakit. Baka abala pa rin sa pagsuyo sa matigas at malamig na puso ni Grace.

Mukhang talagang mahal na mahal ng mga bata sina Keith and vice versa. Pulos mga nakadikit ang mga ito sa kanya. They are so cute! Hindi ko tuloy ma-imagine na nagawang ulilain ang mga ito ng mga magulang nila. Ayon kasi kay Keith, 80% ng population ay iniwan nalang basta sa labas ng orphanage. Ang 10% ay mga batang naglayas dahil sa pang-aabusong natamo sa sariling pamilya. At ang natitirang 10% ay mga batang naulila nang maaga at walang kumupkop na mga kamag-anak.

"Sino po siya, Kuya?" tanong ng isang batang babae na naka-pigtails. I smiled at her.

Napatingin sakin si Keith saka ako inakbayan. "Ito si Ate Glenn. Siya yung may hawak ng dulo ng string ko."

Napangiti ako lalo. Naikwento sa akin ni Keith ang ikinuwento niya noon sa mga bata nang magtanong ito tungkol sa usaping "love life". Sinabi niya na bawat tao raw ay mayroong strings. Dalawang tao sa isang string. Minsan daw hindi lahat ng tao, nakikita agad-agad ang tao sa kabilang string dahil sobrang haba ng string. Sa sobrang haba ng string, ang tagal bago mahanap ng isa ang may hawak ng kabilang dulo. Kapag nakita mo na raw ang taong may hawak niyon, magbubuhol nang tuluyan ang string hanggang sa hindi na magkahiwalay pa ang dalawang may hawak ng isang string. That is "marriage". But of course, the average age of the kids is 10 and below so they took the story literally.

Kitang kita ko ang pamimilog ng mga mata nilang lahat. Pati bibig, nag-shape O na rin.

"Wow! Ilang years po, Kuya, bago mo nahanap si Ate?" tanong ng isa pang batang babae na may kulot na kulot na buhok.

"I don't know. 16 years old ako nang makilala ko siya eh," sagot ni Keith.

Tumango ang isang batang lalaki at nagbilang sa daliri. "One... two..." Kapagkuwan ay natingin siya sa taas habang nag-iisip. "Dahil 7 years old pa lang ako, 9 years pa bago ko mahanap yung may hawak ng kabilang string ko. Bakit ang tagal pa?"

Ginulo ni Keith ang buhok ng bata. "Ganoon talaga yun. Hindi ka rin sigurado na 16 years old mo rin makikita ang may hawak ng kabilang string mo. Basta, maghintay ka lang. Wag kang magmamadali. Ang bata, hindi pa iniisip ang mga ganong bagay. Ang nasa isip pa nila, pag-aaral at paglalaro. Speaking of laro, sino ang gusto nang maglaro?"

Mabilis na nagtaasan ng mga kamay ang mga bata na may kasama pang pagsigaw. Ang bibibo nilang lahat. Nakakatuwa. May ilang kumakausap sa akin. May ilang nakikipagkwentuhan. Meron pa ngang mga batang babae na nagpaipit sa akin. Ganoon din kay Cheska. Cheska became more fond of kids since she is going to have one, too, soon.

"Gusto ko ang anak naming panganay ay babae. Para may maiipitan din ako," sabi ni Cheska habang pinupuyudan ang blonde na batang babae.

"Eh ano ba ang gusto ni Matt?" tanong ko. Fini-fishtail ko yung buhok ng batang rich mahogany ang kulay ng buhok.

"Gusto niya ay lalaki. Syempre, ganon naman lagi. Para raw may magdadala ng apelyido niya," nakangusong sabi ni Cheska. "Anyway, kahit alin naman. Pero mas gusto ko talaga ang babae."

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon