Chapter 17

8.7K 96 14
                                    

SPG ahead. Keme! SPG siya pero hindi BS. Basta SPG. Haha!

-

Pagkatapos naming kumain ni Keith, pumunta kami sa sala. Inayos niya yung xbox.

"Ano yan?" tanong ko.

"Xbox."

I rolled my eyes heavenwards. "I mean, bakit mo inaayos?"

"Gusto ko lang ipakilala sayo ang naging kasangga ko sa pagdurusa ko habang wala ka sa tabi ko."

I smiled. "Sus. Drama."

Umupo na siya sa tabi ko. Base sa nakita ko sa screen ng TV, Tekken ang nilalaro niya.

"Sa sobrang depression ko, hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko para madistract ang sarili ko. Napabili tuloy ako ng xbox nang wala sa oras. Mula sa pagiging isang photographer, naging sideline ko na rin ang pagiging isang ultimate gamer."

Iniabot niya sa akin yung isang controller. Kinunutan ko siya ng noo. "Anong gagawin ko diyan?"

"Kainin mo."

Tiningnan ko siya nang masama. He laughed.

"Joke lang. Tara, laro tayo."

Nabasa ko pa noon sa Facebook. Kapag daw niyaya ka ng isang gamer na maglaro ng game na gusto niya, ibig sabihin non ay importante ka sa kanya dahil gusto niyang i-share sayo ang bagay na kinahihiligan niya. With that, I felt a warm hand touch my heart.

Kinuha ko yung controller. "Paano ba to?"

He taught me about how to play the game. Madali lang naman siya kaya mabilis kong natutunan. Pasimple pang tsuma-tsansing si Keith. Akala niya ay hindi ko halata. Bigla nalang siyang naakbay. Bigla nalang One moment I am losing, of course. One moment, he is getting defeated. Kinalaunan, naging maingay ang laro namin. Nagsisigawan na kaming dalawa. Hindi naman sa pag-aaway. Dala lang ng emosyon sa tuwing nagiging crucial yung laro. Minsan pa nga, napapamura kaming dalawa. Tapos sabay na tatawa. Ilang oras pa lang kaming naglalaro pero pakiramdam ko ang tagal ko nang nilalaro yung game na yun. Sobrang saya, siguro dahil si Keith ang kalaban ko. In that moment, I felt like an ultimate gamer, too.

"Teka! Teka! Pabangunin mo naman ako. Pucha," sigaw niya.

I grinned. "Akala ko ba, hustler ka rito? Ang dali mo palang talunin."

Mukha namang na-challenge siya sa sinabi ko dahil naging sunod-sunod ang pag-atake niya sakin. Ni hindi ko na magawang tumira. Napapanganga nalang ako at napapasigaw. Bugbog-sarado ang character ko nang matapos yung game.

Pinalo ko siya. "Grabe to! Ni hindi man lang ako pinatira. Perfect mo tuloy. Nakakabwisit ka!" sabi ko sa kanya habang nakanguso.

He scoffed. "China-challenge mo kaya ako. Madali palang talunin ha," mayabang na sabi niya.

I pouted. "Ang yabang."

Then he gave me a quick peck on the lips while I am pouting it. Napangiti ako. Magnanakaw talaga kahit kailan.

"Wag mong sabihing pikon ka na niyan," sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Of course not! Kayang kaya pa kitang bawian no." Syempre, hindi ako papatalo. Kung mayabang siya, mas mayabang ako.

"Game!"

"Game!"

Hindi ko alam kung gaano katagal at kung ilang laro pa ang nilaro namin. Buong araw nga yatang yun lang ang ginawa namin. For now, it is our rest day. Bukas, balik-trabaho na kami. Wala pang ibang nakakaalam na nakauwi na ako. Pwera lang kung may pinagsabihan na si Zach.

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon