Chapter 8

7.7K 88 18
                                    

"Pasensya na talaga, Che. Kailangan ko rin naman talaga siguro to," sabi ko kay Cheska sa kabilang linya.

Maagang nagising sila Manang. Ako rin. Actually, hindi pala. Hindi naman ako nagising, kasi hindi naman ako nakatulog. Natatakot akong matulog. Natatakot akong mapanaginipan si Keith. Natatakot akong pumikit. Natatakot akong makita siya sa pagpikit ko. So I ended up staring on the roof the whole night.

Pagkabangon ko, lahat sila bumati sa akin ng "Good morning". Tapos salo-salo sila sa iisang maliit na table. Pati ako, pinilit nilang sumama sa kanila. Sa totoo lang, ayoko sana. Naiinggit kasi ako. Sobrang saya ng pamilya nila. Kahit na hindi sila ganoon kayaman, sobrang saya nila. Tama nga ang mga sinasabi ng mga tao. Hindi mo kailangang magkaroon ng maraming pera para maging masaya. What people need to be happy is a family. A whole family.

Nakikitawa lang ako sa kanila pero sa totoo lang, gusto ko na namang umiyak. Made-dehydrate na nga ata ako sa kakadrama ko eh. Pinipigilan ko lang.

Pagkatapos naming kumain, tinawagan ko si Cheska. Kailangan kong magpaalam. Sinabi ko sa kanya na hindi muna ako makakapasok sa Cups and Cakes. Magpapakalayo-layo muna ako. Sabi ko nalang, kapag may naisip akong bagong recipe, ise-send ko agad sa email niya.

"Ano ba talagang nangyari, Glenndaline? Hindi ba kagabi, magkasama pa kayo? Pumunta pa nga kayo sa birthday ng katrabaho niya, diba? What happened?"

Tumingin ako sa itaas para pigilan ang ilang butil ng luhang nagbabadyang pumatak.

"Wag nalang muna nating pag-usapan. Ikekwento ko sayo kapag handa na ako." Hindi na naman nagsalita pa si Cheska. "I am sorry, Cheska. Maiiwan kang mag-isa sa Cups and Cakes. Masyado na akong nagiging pabigat sa inyong lahat. Sorry."

I heard her sigh. "No need to apologize. What friends are for, right? Kahit kailan, hindi ka naging pabigat sa akin, Glenn. Tandaan mo yan. Hindi ka naging pabigat sa kahit sino. Fine. Papayag akong magpakalayo ka. Basta, tatawag ka lagi rito. Babalitaan mo kami tungkol sa mga nangyayari sayo."

I nodded, as if she is seeing me. "Oo."

"Eh paano ka ngayon? Gusto mo bang padalhan kita lagi ng pera? Yung mga kalahati ng kikitain ng shop, ipapadala ko sayo para may panggastos ka."

And I am really lucky to have this kind of bestfriend. "Wag na, Che. Maghahanap din ako ng trabaho. Yung madali lang. Magbabagong-buhay ako kumbaga. Magre-restart. Baka sakaling kapag ni-restart ko na, mas maging maayos na kapag nag-play na ulit."

"Kailan ka babalik?" tanong niya.

"Hindi ko alam."

Another sigh from her. "H-hindi ko na alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam na hahantong kayo sa ganito. Basta, lagi kang mag-iingat. Sasabihin ko ba ito kina Tita?"

"No," is my instant response.

Ayokong malaman nila Mommy. Lalo lang silang malulungkot. Syempre, bilang pamilya ko, kung ano ang nararamdaman ko, doble yun sa kanila. Baka nga triple pa. Siguro, hahayaan ko nalang na malaman nila nang kusa. Sa ibang paraan. Pero wag muna. Saka na.

"Gustong gusto kitang pigilan pero... you badly need this. Anuman ang mangyari, Glenn, nandito lang ako."

"I know. You had always been there for me. Thank you."

Tumawa si Cheska. Umiiyak na ata siya. "Nakakainis ka naman eh! Wag ka ngang ganyan. Para ka namang tanga. Naiiyak tuloy ako."

Napangiti nalang ako. "Sige na. Ba-bye na. Magtrabaho ka na."

"Wait, teka. May ikekwento pa ako. Pahabol lang."

"Ano yun?"

"Dumating na ulit yung critic ng shop." Si Tyler. Ikinuwento ko na rin kay Cheska na nakasakay ko kagabi si Zach. Ikinuwento niya kay Charlene habang kausap pa rin ako sa phone. Sabi ni Cheska, hindi raw sumagot si Charlene. Ngumiti lang nang kaunti. "Paborito niya talaga ang red velvet mo. Pati na rin yung frapp. Mukhang hindi siya nagmamadali kanina. Nag-dine in pa. At dahil curious ako kay Tyler, tinanong ko si Charlene kung bakit laging red velvet ang binibili ni Tyler. Malay mo, may scientific explanation and churva diba?"

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon