I was catching my breath as I woke up. Titig na titig ako sa kawalan at ramdam na ramdam ko ang pawis na tumatagaktak sa dibdib ko. Mabilis na hinanap ko si Keith sa tabi ko. I felt a huge relief in me when I saw him sitting on the bed while watching TV.
Napatingin siya sakin, siguro ay nagtataka kung bakit bigla nalang ako nagising sa gitna ng gabi at parang nakakita ng multo.
I immediately hugged him.
"Glenn, it's just a nightmare," he said and then hugged me back. I rested my head on his chest. I could hear his heartbeat.
This wasn't my first time. Pangalawang beses ko na tong managinip ng isang aksidente sa kotse habang nagda-drive si Keith habang kausap ko siya sa phone. I don't want to take it as a premonition, but just the idea of Keith dying... It kills me.
I can't help but to cry on his chest. He just gingerly rubbed my back.
"Sshh. It's okay. You're fine. You're fine. Wag ka nang umiyak."
No. You don't understand Keith. I'm fine in my dreams. You're not.
Imbes na magsalita, umiyak lang ako habang yakap siya. I don't want to let go, later, tomorrow, or ever. Gusto kong nandito lang siya. At least, I'm rest assured he is fine. He is okay. He is alive.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pag-iyak. Paggising ko, wala na si Keith sa tabi ko. I jumped out of bed. Hindi na ako nakapagmumog pa. Nadatnan ko siya sa kusina... nagluluto. Gusto ko siyang pigilan sa ginagawa niya pero ang cute niya masyado sa apron na suot niya kaya pinanood ko nalang siya.
Binubusog ko na ang mga mata ko sa kagwapuhan ng asawa ko para kung sakaling hindi masarap ang luto niya, solve na ako. Naks! Asawa.
"Uy, baliw. Gising ka na pala. Ngingiti ka pa riyan," sabi niya sakin.
"Sira ulo."
Dumeretso ako sa lababo para magmumog.
"Nagluto ka."
"Yeah. Nauna kasi akong magising. You have no other choice, Mrs. Anietas, but to eat what I've cooked. Ibibitin kita patiwarik kapag hindi mo to kinain."
Mrs. Anietas.
Oh, for Pete's sake, Glenndaline! Can't you get over it?
"Ano pa nga ba?" I wrapped my arms around his waist. "Alam mo namang kahit daig pa ang niluto sa direct fire yang mga luto mo ay kakainin ko pa rin yan."
He pinched my cheeks. "Yan ang gusto ko sayo eh."
Napalunok ako nang ihain niya ang... I don't really know. Tocino ata na ikiniskis sa pwet ng kawali. Haha.
"Ano to?" tanong ko habang tinutusok-tusok ng tinidor yung tocino.
"Okay. That question is really insulting. That's tocino, Glenn."
I giggled. "Joke lang. Alam ko namang tocino to na binabad sa apoy nang isang oras."
He frowned. Even with a frown, he is so handsome!
"Thank you," he sarcastically said.
I kept my fingers crossed while taking a bite. Good luck nalang sa tiyan ko later.
"Oh my, God, Keith."
"I know. I know. You don't have to rub it in my face."
"It's..." Surprisingly... "delicious!"
Noong una, nagulat si Keith tapos mayamaya, umiling nalang. "I can do it without the lie."
"No, I mean..." I took another bite. Seryoso. Walang halong joke o sarcasm. Masarap talaga siya. "Keith, anong lason ang nilagay mo dito?"
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)