"Alis na ako, Ate ha?"
Hinila ni Keith yung kamay hanggang sa makalabas kami ng pinto. Namamawis ang mga kamay ko. Paalis na siya at papunta nang trabaho. Maiiwan kami ni Ate Kiele dito. Ang usapan namin ni Keith, palitan kami ng pag-absent sa trabaho para may kasama si Ate Kiele. Para ngang tanga eh. Hindi na naman bata si Ate Kiele pero kailangang may kasama. Dahil siguro bisita. Nakakahiya namang iwan mag-isa.
"Keith..." kinakabahang sabi ko sa kanya. Tunay. Kinakabahan ako. Ikaw kayang maiwan kasama ang malditang supposed-to-be sister-in-law mo na ayaw naman sayo tapos kayong dalawa lang?
Hinawakan niya na naman ako sa magkabilang-pisngi. He laughed softly.
"Mag-behave ka lang, magbe-behave din si Ate. Kung magmamaldita siya, tawagan mo nalang ako para makapaghanda na ako ng ambulansya."
Pinalo ko siya sa braso. "You're not helping."
"Joke lang." He kissed my forehead. "Hindi yan. Hindi ka niya pwedeng saktan. Alam niyang ako ang makakalaban niya. Basta wag kang magpapatalo sa kanya. Don't please her. Just be natural. Isipin mong hindi mo alam na may sungay ang ate ko na may tinidor na malaki na nakatutok sayo."
Yung pakiramdam ko, para akong batang iniiwan ng magulang sa day care sa first day of class. Nakakatakot.
"Keith, kinakabahan talaga ako."
Tumawa siya. "Grabe naman. Hindi naman killer si Ate para katakutan mo. Maldita lang yan sa salita pero hindi yan pumapatay. Nananakit lang yan kapag deserve nung taong sasaktan niya. Dali na. Kailangan ko nang pumasok. Kapag lumagpas na ng 8:00 baka tamarin na ako at dalhin nalang kita sa kwarto."
"Umalis ka na nga. Bwisit ka."
"Ito. Nagjo-joke lang ako eh. Alis na ako. I love you."
I smiled. "Oo na. I love you, too."
Naglakad na siya papunta sa gate. "I love you."
"I love you, too."
Pumunta siya sa garahe at tinanggal yung cover nung kotse niya. "I love you."
Napatawa ako. "Paulit-ulit?"
Binuksan niya yung pinto ng kotse. "I love you."
"Oo na," natatawang sabi ko.
Pagkasakay niya, ibinaba pa niya sandali yung bintana tapos nag-flying kiss. Ang cute ni Keith. Parang bata. "I love you."
Ngumiti nalang ako. Ang childish pero nakakatuwa. Itong mga ganitong traits ni Keith na kahit na parang tanga at walang kwenta sa paningin ng iba, kinikilig pa rin ako. Iba kasi eh. Alam mo yun?
Nakaalis na siya. Isasarado ko na sana yung pinto nang tumunog yung cell phone ko.
| I love you. :) |
Syetness. Ang sarap hambalusin ni Keith ng pagmamahal eh. After replying to his text, I closed the door and breathe. This is it. It's the first day with the Sassy Queen. Kaya mo yan, Glenn. Aja!
The day went pretty uneventful. Mukha namang wala sa mood magmaldita si Ate Kiele. Nanonood lang siya ng TV, kumakain, nagla-laptop... Kung ano-ano ang ginagawa niya. Kanina nga, nag-e-experiment ata siya sa mukha niya dahil nagkalat yung mga makeup kits niya nang sumilip ako sa kwarto niya nang tatawagin ko sana siya para sa tanghalian. Iba yung makeup na nakalagay sa kabilang side ng mukha niya pati na rin sa kabila.
Akala ko pass muna ang araw na to para sa pagmamaldita niya o kahit kaunting pagtataray niya pero hindi pala. Nung tinawag ko na siya para sa tanghalian, tiningnan niya ako nang masama pagkatapos tingnan ang nakahain sa hapag. Nalimutan kong hindi nga pala siya nakain ng kanin.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)