"Glenn, alin ba talaga?"
I scrutinized myself in front of the full body mirror. Hindi na mabilang kung ilang wedding gowns ang nasuot ko. Noong una, ang usapan namin ay magpapatahi nalang ako ng bagong gown since wala na kaming balak suotin yung gown na ginamit namin last wedding. Kaso lahat ng pinapakita ng designer ay hindi ko gusto.
So they ended up trying to make me fit every single gown they have. And guess what. Wala pa rin akong mapili.
"Maganda naman tong mga gawa nila ah? I actually like this one," Keith said while looking at the gown sketches.
I sighed. "Hindi ko talaga alam kung alin ang pipiliin ko. Magaganda naman lahat. Don't get offended," I told the designer. "Pero hindi ko talaga alam eh."
"Maganda din to."
"Parang gusto ko ng mabulad kaso baka magmukha akong mataba. Gusto ko ng medyo fit kaso baka hindi ako maging komportable."
"Glenn, tatlong oras na tayong nandito. Marami pa tayong dapat iplano. We only have two months left to prepare. Marami pa tayong kailangang asikasuhin."
Hinarap ko si Keith. "Don't pressure me!"
"I'm not. Sinasabi ko lang na time-consuming masyado to."
"I still seriously don't know what to choose."
Napanguso ako. Nakakaiyak. Tatlong buwan na kaming nagpaplano ng kasal pero hindi pa rin ako makapili ng gown. Alam kong medyo nauurat na sakin si Joreen pati yung designer pero hindi ko talaga alam kung anong pipiliin ko.
"Just choose whatever you're comfortable with and whatever makes you feel beautiful."
"I want to look beautiful, not just to feel beautiful."
"It's just the same."
"No, it is not."
Inayos ko ang gown ko. Feeling ko maganda na siya eh. May something lang talaga na feeling ko ay kulang.
"Glenn, I love you but my butt is getting flat here. Kanina pa ako nakaupo. You wouldn't want a flat ass on our honeymoon, do you?"
Marahas na nilingon ko si Keith. Hindi talaga napipigilan ang dila. Pinanlakihan ko siya ng mata. He just acted as if he didn't do anything. Napatawa nalang si Joreen at yung designer.
"Edi tumayo ka."
"Edi nangalay naman ako."
"Ang dami mong reklamo. Para kang babae."
"Hindi lang naman babae ang may karapatang magreklamo."
"May sinabi ba akong ganon?"
"Wala."
"Then just shut up and sit there."
"Aso?"
Hinarap ko ulit si Keith. May mga moments talaga na kapag inatake siya ng topak, talagang iiritahin ka niya nang bongga.
"Ang tigas ng ulo mo ngayon."
"Mas mabuti nang ulo ang matigas kesa iba." Tapos ngumisi siya. Tumawa na naman sila Joreen.
"Keith!"
He just laughed. Sumasakit na ang ulo ko sa lalaking to. Bakit ko ba kasi sinama to dito?
"You know what, just choose any dress that's easy to remove para walang delay satin. Lahat naman maganda eh. You'll just wear that in the wedding until the reception. You're still have to remove that during our honeymoon."
Dinampot ko yung papel na nasa tabi ko matapos magpaalam sa designer at tinapon kay Keith.
"Yan! Diyan ka magaling. Puro honeymoon ang nasa isip mo. Wala kang pakielam sa kasal."
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)