Chapter 34

7.3K 106 17
                                    

"That would be all for today, I think. Bukas nalang ulit tayo magkita. Tomorrow, I'll be bringing the brochures for the gown and tux. I am hoping that we'll be productive tomorrow."

Sinabi na ni Joreen ang dialogue niya every time na matatapos ang pagpaplano para sa araw na iyon.

I am hoping that we'll be productive tomorrow.

Hindi kasi nakiki-cooperate si Keith. Minsan gusto kong sabihin na parang wala siyang balak pakasalan ako kasi hindi siya tumutulong sa preparation ng kasal kaso baka mauwi lang sa away. Quota na kami sa pag-aaway namin para sa taon na ito. It has been a wild year, yes.

"Pasensya na, Joreen, kay Keith ha? Hindi ko rin talaga alam kung bakit siya ganyan. Buti nalang mahaba ang patience mo," apologetic na sabi ko kay Joreen bago siya lumabas ng bahay.

Si Keith, ni hindi man lang kumibo sa kinauupuan niya. Naglalaro pa rin. Naiwan sila don ni Vince. I could hear Vince constantly trying to make a conversation while Keith would just answer curtly.

"Sa trabaho ko, talagang kailangan ng mahabang pasensya. I'm dealing with different kinds of people. Actually, hindi na bago sakin ang ganitong drama. Yang katulad ni Keith, laging meron niyan sa bawat client ko. I understand him but please, try to tell him that if he wants a wedding within just six months, he better cooperate. A week from now, if he's still going to act that way, I'm afraid I might just help you find a new planner."

Nalungkot ako sa sinabi ni Joreen. She's right. She had been doing us a big favor and he's just taking it for granted.

"You heard that, Keith?" tanong niya sa toreng nasa likod ko na pala. "Good bye and thank you!"

Napabuntong-hininga nalang ako habang isinasara ang pinto. Nilagpasan ko si Keith. Ayoko ng away. Maybe silence right now is better to avoid arguments. Lalo na at may bisita kami.

"Nakaabala ba ako?" tanong ni Vince.

"Yes."

I shook my head. "Hindi ah. Hindi ka nakakaabala. It's been a long time since the last time we talk." Pasimpleng tiningnan ko nang masama si Keith sa sinabi niya. "Hindi rin naman naging maayos na naman ang session for today."

Alam kong naramdaman ni Keith ang pagpaparinig ko dahil inis na umupo ulit siya sa couch. Tumabi ako kay Vince.

"Ah. Ang dami ko nang na-miss ah. It's been six months. Two months more Christmas na and then 2015. Ang laki ng pinagbago mo sa anim na buwan na hindi tayo nagkita."

"O? Anong nabago sakin?"

"You lost weight. Tapos yung pisngi mo..." She pinched my cheeks. "Hindi na kasingtaba ng dati."

"Aray ko!"

He laughed then let go of my cheeks. I heard Keith clear his throat.

"Oo nga pala, Keith." Medyo mataray tone of voice. "Kung gusto mo dun ka muna sa kwarto."

"Ayoko." Tutok na tutok sa COC niya. "Baka maatake ang village ko." Tapos sumulyap pa samin sandali ni Vince.

My forehead knotted. "What does that even mean?"

Hindi ako sinagot ng hinayupak. I looked at Vince and he just smiled at me.

"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" tanong ko kay Vince.

Umiling siya. "Ang ganda mo kasi."

"Ay sus! Hindi na nasanay."

Tumawa na naman siya. "I missed laughing with you. Kwentuhan mo naman ako sa mga naganap sayo. I heard you went to Lucena."

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon