Have you ever heard about Yebin? She is so effin' cute. She is an ultra-adorable korean baby. Ang bibo! You better watch her videos. ;)
-
Malawak na malawak ang mga ngiti ko habang nagse-serve sa mga customers. May kasama pa ngang pagkembot nang kaunti at pakikisabay sa sounds sa Cups and Cakes. Napapangiti nalang din yung ibang customers sakin. Si Charlene at Cheska naman, kanina pa ako kunot-noong tinitingnan. Masama bang maging masaya?
"Mm-hm. Anong sininghot mo kagabi?" nagsususpetsiyang tanong sakin ni Cheska.
"Ito na po ang order niyo. Balik po kayo," masiglang sabi ko sa matandang babaeng inabutan ko ng isang box ng mocha fudge cupcake. I turned my cheek to Cheska. "Wala. Masama bang maging masaya?"
Saglit niya akong tinitigan. Kapagkuwan ay napailing nalang siya.
"Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niyo ni Keith sa bahay niyo. Parang mas marami pa atang kababalaghan ang ginagawa niyo ni Keith kaysa sa amin ni Matt eh. Several months ago, daig mo pa ang namatayan. Tapos biglang darating si Keith to cheer you up. And then few months later, naging missing-in-action ka without any further notice. Two months after, bumalik ka rito at bati na kayo ni Keith. Away-bati pa sa lagay na yun. And now, I have never seen you this happy. Ang fast-pacing niyong dalawa," Cheska said while slowly shaking her head.
"Haba ng litanya mo ha? Masaya lang talaga ako," sabi ko sabay taas ng kanang kamay ko.
Mabilis na rumehistro sa mukha ni Cheska ang gulat. Ganoon din si Charlene. Sa sobrang excitement ni Charlene, pinatawag pa niya si Jelai sa loob ng kitchen para lang ipakita ang nakita niya.
"O... M... G! He proposed already?" Cheska asked with unspeakably wide smile.
I grinned. "Last night lang."
And then they all rasped in excitement while hopping, except for Cheska the preggy. Napangiti nalang ako sa kanila at napatawa. Ganoon din ang ginawa ng mga customers namin. Nang mapansin ng tatlo na mukhang nalilito yung mga customers namin ay inanunsyo ni Cheska ang dahilan kung bakit sila mukhang baliw na nanalo sa lotto.
"Miss Glenn just got engaged!"
Kasama naming nagsigawan ang mga customers. Nagmistulan tuloy merong pasugalan dito sa shop at may nanalo ng jackpot. Well yeah, I think I won a jackpot. More than that, actually.
"At imbitado kayong lahat dito sa kasal," sabi ko naman.
Tiningnan ako ni Cheska. "Bestfriendship, are you thinking what I'm thinking?"
Lumawak ang ngiti ko. "Double wedding?"
Naghawak-kamay pa kami tapos sabay na tumili.
"Excited na ako. Alam mo bang hindi ako makapagplano nang maayos dahil hindi kami magkaparehas ni Matthew ng naiisip? Hindi niya ma-gets yung mga gusto ko. Buti nalang, andyan ka na. Alam mo na. Medyo awkward naman kasing magpatulong sayo noong ganon ang sitwasyon mo," nakangusong sabi ni Cheska. Nananaba na siya sa pagbubuntis niya pero wala saming nagme-mention niyon dahil baka ngumangalngal siya nang wala sa oras.
"Ngayon, pwede na," sabi ko sa kanya saka kumindat.
Maaga kaming nagsara ng shop. Dumeretso kami sa bahay ni Cheska. Nagkalat doon ang mga pagkain sa mesa na hindi niya nililigpit. Pati na rin ang ilang mga baby pictures na mukhang pinaglilihian niya. May mga brochures din ng mga wedding gowns na tingin ko ay binigay sa kanila ng wedding planner nila since ayon nga kay Cheska ay hindi sila makapagdesisyon ni Matt nang maayos.
Nauwi tuloy sa paglilinis ang pagpunta ko kay Cheska. Dahil buntis siya, hindi siya pwedeng maggagalaw. Sabi niya, nag-hire raw si Matt ng mga katulong para siyang gumawa ng gawaing-bahay para kay Cheska, kaso hindi raw niya makasundo ang mga ito. Madalas daw ay binubungangaan niya ang mga ito. Tatlo nang katulong ang pinalayas niya. Kakaiba pala talaga ang mga buntis. Lakas ng saltik.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)