Wag mong basahin kung hindi ka pa handa. Chos! :D
-
Akala ko noong una, sadyang malas lang ako kaya hindi natuloy ang kasal ko. Akala ko kasi, sa akin lang nangyari yun. Alam ko namang posible pero hindi ko inaasahang hindi lang naman pala ako ang nasa Cups and Cakes na dumaranas ng sakit na kagaya ng nararamdaman ko.
"Bakit... Paanong hindi natuloy ang kasal niyo?" tanong ko. Alam kong nakatingin lang sa akin si Cheska habang nagtatanong ako.
Umalis si Charlene sa likod ng cash register at umupo sa stool na nasa loob ng counter—kung saan kami umuupo kapag nangangalay na kaming mga nagta-trabaho sa Cups and Cakes. Kami naman ni Cheska ay nakatayo lang at hinihintay siyang magsalita. Kitang kita ko kung paano pinipigilan ni Charlene ang mapaluha. Alam ko kasi ganoon din ako.
"Noon pong ikakasal na kami, nauna po ako sa simbahan. Nagtaka nga po lahat kung bakit wala pa rin si Zach samantalang dapat ay nandoon na siya sa tabi ng altar at hinihintay ako bago pa man ako makarating. Humiwalay pala kasi siya ng kotse kay Tyler. Kahit na pinilit na nila si Zach na sumabay sa kanila, tumanggi si Zach. Matigas kasi talaga ang ulo non eh," sabi niya tapos suminghot pa siya bago muling nagsalita. "Isang oras kaming naghintay sa kanya sa simbahan hanggang sa makatanggap kami ng tawag galing sa mga pulis. Naaksidente raw si Zach."
Hinimas ko yung likod ni Charlene. Tahimik siyang humihikbi. Walang luha. Humihikbi lang. Siguradong masakit sa dibdib ang ganon. Kung yun ngang paghagulgol, masakit na sa dibdib. Paano pa kaya kung pinipigilan mo ang hagulgol na yun?
"I considered myself the unluckiest bride in the world. Kulang nalang maglupasay na ako sa simbahan sa sobrang sakit. Pero ayokong gawin yun. Hindi pa naman patay si Zach eh. Naaksidente lang. Kaya kahit na nakasuot pa kami ng gowns at tuxedos, pinuntahan namin yung ospital kung saan siya dinala. Napapatingin nga yung mga tao sa ospital non eh. Iniisip siguro nila na nagkamali kami ng punta. Sa ospital kami magdaraos ng kasal imbes na sa simabahan. Nakakapanlumo nang makita ko si Zach na nakahiga sa isang kama at dugong dugo ang ulo. Ang dumi-dumi niya non. Nagpagulong-gulong pa nga raw kasi si Zach sa daan pagkatapos mabangga at tumalsik sa windshield palabas ng kotse. Gusto ko siyang hawakan, yakapin... hindi pwede."
Kinuha ko naman ang isang box ng tissue saka iniabot iyon kay Charlene. Hindi rin pala biro ang nangyari sa kanya.
"Jelai, Xyrene, kayo muna ang magtakeover dito, please," pagtawag ko sa baker namin at sa isa ko pang crew. Agad naman silang sumunod.
Pumasok kami sa kitchen ng shop at doon ipinagpatuloy ni Charlene ang pagkekwento.
"Hindi ko magawang hubarin yung gown ko. Hindi ko magawang magpalit ng damit. Hindi ko magawang umalis sa ospital. Gusto kong makita si Zach. Gusto ko siyang makausap. Sabi ko nga, kahit hindi na muna matuloy ang kasal, mabuhay lang si Zach. Sadyang matigas ang ulo ng lalaking yun at naka-survive siya kahit na medyo malakas ang pagkakatama ng ulo niya sa daan. Inoperahan siya. Coma for two years."
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Kahit si Cheska, hindi rin makapagsalita. Who would have thought that Cups and Cakes Miss Smile and the jolly and kind guy I bumped into in the hospital, both experienced such things. Hindi mo mahahalata sa mga ngiti nila. Except for Zach since he doesn't remember anything but still.
"Hindi naman ako nawalan ng pag-asa. Lagi ko siyang kinakausap. Lagi ko siyang dinadalhan ng mga bulaklak. Lagi ko siyang kinukwentuhan. Nagta-trabaho ako noon bilang secretary sa kompanya nila na pinatatakbo ni Tyler. Ayaw nga nila muna akong pagtrabahuhin pero gusto ko. Gusto kong malibang. Kasi kung mananatili lang ako sa tabi lagi ni Zach, babaon lang nang babaon sa akin yung sakit. Konting distraction kumbaga."
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)