"Zach, anong ginagawa mo rito?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
Nakangiti lang siya sakin. Ni hindi nga ata siya nagulat nang makita niya ako. "Nagbabakasyon."
Of all, why Lucena City? Pwede namang sa iba pang lugar. Malaki ang Quezon Province. Pwede namang sa Tayabas, sa Pagbilao o sa Candelaria o kung saan pa. Bakit kailangang dito rin?
"Kanino ka nagbabakasyon dito?" tanong ko.
"Wala. Naupa ako sa isang bahay dito. It is new to see you not crying," he said while still smiling. Nakakagaan ng loob ang mga ngiti niya. Nakakadala. Napapansin ko rin yung mga kabataang kalapit niya. Kulang nalang ay sumiksik sa kanya ang mga ito kahit na kami lang naman ang tao sa jeep.
"Bakit mo naman dito naisipang magbakasyon?"
It couldn't be a coincidence. Siguro yung dalawa naming past encounters, oo. Medyo nakakapaisip na rin nga yung pagsasabi niyang nakatira siya sa Purok Bigayan eh. Pero ito? Parang sinasadya na ata niya. Kung hindi man niya, baka ng tadhana.
"Bakit? Bawal ba?"
Napangiwi ako nang makita kong sinisinghot-singhot siya nung isang dalagitang kalapit niya. Wala namang pakielam doon si Zach.
"Hindi naman," nagsususpetsiya ko pa ring sagot. "Parang kakikita ko lang sayo noon sa Purok Bigayan ah?"
"Ah. Medyo nabo-bored na rin kasi ako roon eh. Naisipan ko naman na dito na magbakasyon."
Pero bakit dito?
Gusto ko sanang itanong kaso baka itanong niya ulit kung bawal ba. Ayoko namang deretsahang itanong kung sinusundan ba niya ako dahil baka mapahiya ako sa isasagot niya. Kaya tumahimik nalang ako.
Ilang kanto na rin naman ay bumaba na siya at nagpaalam. Nakakapagtaka talaga si Zach. Ang yaman-yaman nila. Pero bakit lagi siyang nagsusumiksik sa mga low-profile at medyo crowded na tao? At, hindi pa siya nagko-kotse, nagko-commute lang siya. Imposible namang wala siyang kotse. Jusko. Sa Maynila pa? Patayan doon ang pagko-commute. Bakit siya magtiya-tiyaga kung kaya naman niyang bumili?
"Sino iyon, hija?" tanong sakin ni Aling Fe.
"Ah, kaibigan ko ho. Taga-Maynila rin siya," sagot ko naman.
Tumango-tango rin siya. "Mukhang sinusundan ka niya ah."
Hindi nalang ako sumagot sa komento ni Aling Fe. Matapos ang ilang sandali ay dumating na kami sa palengke. Bukod sa palengke ay samu't sari rin ang mga boutiques. Parang bawat kanto ay meron. Pinatikim din sa akin ni Aling Fe ang pansit habhab na kinakain nang walang tinidor. Kinakain siya gamit ang bibig. Noong una ay nagdadalawang-isip ako. Pero habang pinapanood ko yung ibang kumakain, nahili ako kaya kumain na rin ako. Masarap siya. Nakakatuwa kahit nakakaamos para sa mga baguhan lang sa pagkain niyon.
"Tara sa grocery, Glenn. Doon tayo mamimili ng iba pang mga kailangan," yaya sa akin ni Aling Fe.
Sunod lang ako nang sunod sa kanya. Wala naman kasi akong alam dito sa lugar na ito. Pagkarating namin sa grocery, inihabilin namin ang mga bitbit namin. Pinagdadampot ko ang lahat ng mga pagkaing nagugustuhan ko. Malapit nang maubos ang pera ko pero at least, hindi naman ako magugutom. Maigi na rin ang marami akong stocks sa pagkain. Maghahanap din naman ako agad ng trabaho. Medyo mahihirapan nga ata pa ako pero sana makahanap din ako.
"Ang dami mo atang pinamili ah," puna ni Aling Fe.
"Para po hindi ako magutom," nakangiti kong sagot.
"Maigi yan."
Napalingat ako sandali sa labas ng grocery nang mapansin ko ang isang pamilyar na nakatalikod na bulto. Palingon-lingon siya na parang may hinahanap o hinihintay. Bakit ba lagi nalang siyang nasulpot kung saan ako naroroon? Only then, I realized. Sa Ilaya Market siya bumaba kanina... kung saan kami naririto ngayon. Eh ano pa ang ginagawa niya roon sa labas? Bakit hindi pa siya umuuwi? Wag niyang sabihing... hinihintay niya ako.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)