"I feel so outdated!"
"You really are."
I am currently turning the pages of the designer's sketch pad. Ang dami niyang nagawa sa ilang araw na yun. I'm so going to pay her so much. Not only for her works, but also for her patience. Kung katulad lang siya ng ibang designer, baka nagback out na siya sakin.
"I can't believe you still haven't figured out what you're going to wear. Ang gaganda kaya, Glenn!"
"Alam ko. Kaya nga nahihirapan ako."
"Kahit pikit-mata ka riyan na pumili, wala kang itutulak-kabigin no!"
"Kilala mo na kung kanino ka magpapatahi sa kasal mo ha," sabi ko kay Che. She just smiled.
"Wag muna nating pag-usapan yun. Matagal-tagal pa yun. Itong sayo muna ang isipin mo. Ilang buwan nalang ang kasal mo, hindi mo pa rin alam kung anong isusuot mo."
"I heard someone needs my help."
Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto nang may magsalita. Napangiti kami ni Che. She walked towards us and opened her arms for a hug. Tumayo naman kami ni Che para yakapin si Aly.
"Kailan ka pa dumating?" tanong ko.
She smiled. Ang ganda-ganda niya kahit kapapanganak lang. Parang walang pinagbago. Hindi halatang may anak na.
"Yesterday. I still kind of having a little bit of jet lag but I'm fine."
"Nagbyahe agad kayo? Ilang buwan palang naman yung anak niyo diba? Hindi ba masama yun?" tanong ni Che.
Nakatingin lang ako kay Che. Syempre. Medyo sensitive na siya pagdating sa usaping health ng mga babies.
"The doctor said it's fine. She said the baby can handle travelling."
Tumango-tango si Cheska. I decided to change the topic.
"So, okay na kayo ni Tyler?" tanong ko kay Aly.
She pouted a bit. "We're good. After all his efforts, it's hard not to be okay with him. " She smiled. "How may I help you with your gowns?"
Nagsimula na siyang tumulong. Ganon lang din ang sinabi niya. Kagaya nung kay Che. Maganda daw yung gowns kahit daw anong piliin ko, maganda. Piliin ko lang daw yung babagay sa katawan ko at yung magiging komportable ako.
Pero nahihirapan pa rin ako. Badtrip. Isang oras ang lumipas, nakatulog nalang si Joreen, na kanina pa nalilito dahil siguro hindi siya ganon ka-updated na na-promote na si Aly from the villain into my friend.
I sighed. Medyo napapagod na sila. Panay na ang kamot ng ulo ni Cheska. Sa totoo lang, gusto ko nang sakalin ang sarili ko. Nasuot ko na ata lahat ng gowns na pwede kong isukat at halos mapunit na din yung sketch pad sa kakalipat namin ng pages nito, wala pa rin.
"I think I know someone who could help you, too," Aly said.
"Sino?"
"Hi!"
Lumawak ang ngiti ko nang kumaway sakin mula sa iPad ni Aly si Ate Kiele. Paano? Skype.
"Hi there!" bati niya ulit.
"Ate Kiele!"
Nalimutan kong banggitin. Lumipad na papuntang ibang bansa si Ate Kiele. Hindi niya sinabi kung saan. Gusto lang daw niyang maglibot. Soul-searching daw.
"I'm here to help. Nag-chat sakin si Aly sa Skype at humihingi ng tulong sa expert. Magaganda naman daw yung gowns kaso hindi ka pa rin makapili. I would like to help you."
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)