Parehas lang kami ni Zach na nakaupo sa damuhan ng parke. Kakatihin ako rito mamaya for sure. Naisip kong maganda ritong tumambay mamayang gabi at mag-star gazing, kaso sabi ni Manong na pinagbilhan namin ng streetfoods, delikado raw dito kapag gabi. Marami raw masasamang-loob na naglalabasan kaya siguro ie-enjoy nalang namin ang parke tuwing maliwanag pa.
"Miss ko na si Cha," out-of-the-blue na sabi ni Zach habang nakatingin sa malayo.
"Edi puntahan mo na," sagot ko naman.
"Hindi pa ako ready."
"Bakit naman?"
"Kailangan ko munang paghandaan."
"Alin?"
"I am still not sure if she will still be accepting me or not. Either ways, I should ready myself."
"Boy scout. Laging handa."
Nakangiting nilingon niya ako. "Ginagantihan mo ba ako? Pambasag ka ng moment eh."
Tinawanan ko lang siya. Tama si Manang Cecille. Maganda nga ang Lucena. Tama rin ang naging desisyon kong dito nalang magbakasyon panandalian. Kung hindi ako pumunta rito, hindi ko mare-realize ang ilang mga bagay na dapat ay matagal ko nang na-realize.
Lumipas ang ilan pang linggo hanggang sa dalawang buwang mahigit na akong nasa Lucena. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang tiisin na hindi nakakausap, nakakasama o nakikita man lang si Keith. Kinaya ko man pero sobrang hirap. Miss na miss na miss ko na siya. Ako kaya, nami-miss na rin niya? Hindi pa rin niya kasi ako kino-contact eh. I mean, kahit kaunting panunuyo man lang. Hindi man lang yun nangyari.
"Tigilan mo na ang kakatingin diyan sa cellphone mo. Hindi lalabas si Keith mula riyan sa cellphone mo. Buang."
May ilang words nang naadapt si Zach sa Lucena. Hindi ko alam sa ibang taga-Maynila pero bago sa akin ang salitang buang nang marinig namin yun somewhere habang naglilibot kami sa SM Lucena. Marami pa ring terms na iniimik si Zach na Lucena-hin. Ang bilis niyang maki-cope up sa surroundings niya. Isa pala kasi siyang piloto na ngayon ay naka-leave kaya ganoon siya. Sa dami ng mga bansang napupuntahan niya, kailangang maging flexible ang personality at ang tolerance niya sa mga bagay-bagay.
Sinapok ko siya. Nasasanay na rin siya sa pagiging brutal ko. "Alam ko naman no. Hinihintay ko lang yung text niya. Baka sakaling makaalala siya."
Dumakot siya ng mani na nakalapag sa table na nasa terrace ng bahay na inuupahan ko. "Wag mong hintayin. Lalo yang hindi darating. Saka, you're here to give your heart a break. Akala ko ba, space kailangan niyo? Edi hayaan mong bigyan ka niya ng space habang binibigyan mo rin siya niyon."
Napahalumbaba nalang ako habang nakatingin sa labas. Sa paglipas ng mga sandali, si Zach ang naging kasama ko sa Lucena. Siya ang naging hingahan ko ng mga sama ng loob at kung ano-ano pa man. Ganoon din naman siya sakin. Kaming dalawa ang naging magkasangga sa mga panahong nanghihina ang mga loob namin.
We are both weak, but since we are leaning on each other equally, we balanced pretty well.
"Alam mo, kung hindi dahil sa iyo at kay Aling Fe, hindi talaga ako makaka-survive. Tunay. Paubos na ang mga stocks ko at nalulusaw na ang pera ko. Laking pasalamat ko nalang talaga sa palaging pagbibigay sa akin ni Aling Fe ng mga pagkain at sa panlilibre mo sa akin. Hulog kayo sa akin ng langit," nakangiti kong sabi saka ngumuya ng mani.
"Sabi ko naman kasi sayo eh, anghel ako. Wala lang pakpak at halo. Pero kitang kita mo naman sa itsura."
"Nakikipagsabayan ka na naman ng kahanginan mo sa hangin dito sa labas," komento ko.
"Masama na bang magsabi ng totoo?"
"Tss. Nagyayabang ka lang eh."
Biglang tumunog yung cellphone ko. May nagtext. Excited na binuksan ko ito. Baka si Keith. Pero kumunot ang noo ko nang makitang open number iyon... at MMS! Uso pa ba ang MMS ngayon?
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Fiksi RemajaHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)