Huminga ako nang malalim.
"Ano, Glenn? Dito ka nalang ba sa tricycle? Ako kasi, uuwi pa ako eh."
Poker face na hinarap ko si Zach. "Ang epal mo! Kinakabahan pa ako," sabi ko sa kanya.
"Kinakabahan? Uuwi ka lang naman. Dapat nga ay excited ka kasi makikita mo na si Keith."
Hindi ako makapaniwalang pagkatapos ng ilang buwan ay babalik din ako sa bahay kung saan kami nakatira ni Keith.
"Kinakabahan ako na nae-excite na... Hindi ko alam. Natatae na ako, Zach."
"Kaya nga bumaba ka na at nang makapasok ka na sa bahay niyo. Wag mo munang kausapin si Keith. Dumeretso ka sa banyo. Ako na ang magbabayad ng pamasahe mo. Nakakahiya naman sayo. Pinaghihintay mo si Manong," sabi pa ni Zach.
Kinurot ko si Zach. "You're not helping!" I shouted.
"Well, I am not trying," he answered. Ang sakit sa ulo ng lalaking to!
"Teka." Isa pang inhale at exhale. "Okay! Ready na ako."
Tinulungan ako ni Zach na ibaba ang mga gamit ko. Dumadagundong ang dibdib ko nang makaalis na siya at ang tricycle. This is it, Glenn! This is the moment you've been waiting for. Magkikita na kayo ulit ni Keith at magkakalinawan na kayo sa lahat ng nangyari.
Magdo-doorbell pa sana ako nang makita kong bukas ang gate. Pumasok na ako. Grabe si Keith! Hindi siya nagsasarado ng gate. Paano kung pasukin kami? Sabagay, lalaki naman siya. Kayang kaya niya yun.
Bukas din ang pinto. Leche! Parang walang pakielam sa mundo ang tao rito ah?
Pagkabukas ko ng pinto, halos himatayin ako sa bilis ng tibok ng puso ko. Ayun si Keith, nakatalikod. No, wala siyang babaeng kasama. Walang babaeng kahalikan o kung ano pa man. He is just sitting on the floor with scattered bags of chips and a lot of canned beer and softdrinks while playing xbox. Likod pa lang niya, nanlalambot na ako.
Saglit ko lang siyang tinitigan. Hindi ako nagalaw. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Heto na siya. Hayan na si Keith. Sobrang lapit na ulit sa akin.
May pumatak na luha sa pisngi ko. Mabilis na pinahid ko iyon.
"K-Keith..." My voice almost cracked while calling him.
Parang slow motion na nilingon niya ako. Gulat na gulat siya. Namayat si Keith. Nabawasan ang laman sa pisngi niya pero hindi nabawasan ang kagwapuhan niya. Ang gwapo-gwapo pa rin niya kahit nangangayayat na siya. Keith, hindi ka ba nakain noong wala ako?
Isa pang napansin ko, ang laki ng eye bags niya. Parang pugto rin ang mga mata niya. Keith, hindi ka ba natutulog at iyak lang nang iyak noong wala ako?
At ang pinakanapansin ko, may black eye siya sa kanang mata at may sugat ang gilid ng labi niya. Keith, nakikipag-away ka ba noong wala ako?
"Glenn?" hindi makapaniwalang sabi niya.
He quickly stood up and almost ran towards me. Niyakap niya ako... nang sobrang higpit. Sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga. Ang bango-bango niya. Na-miss ko ito. Yung yakap niya, yung amoy niya...
"Glenn, bumalik ka," sabi niya.
"Hindi ba obvious?"
I tried joking. He hugged me even tighter. And then my shoulder got wet.
He was crying.
*
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganong ayos. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong yakapin siya. Hindi na ako makahinga nang kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Iyak siya nang iyak. Para siyang batang iniwan ng nanay na ngayon ay binalikan na. Hindi ko alam kung masaya ba siya.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)