We're 90% done with the preparations of the wedding. Surprisingly, we became more productive than ever. Siguro talagang gumugulo lang sakin ay yung wedding gown na yun. Ngayon, hindi na siya mawala sa isip ko. Parang gusto ko na siyang suotin.
"Glenn, make it faster! Hinihintay na ata nila tayo," sigaw sakin ni Cheska mula sa labas ng kwarto ko.
Oo nga pala. This is the day. This is the big day! This is iiiiitt.
No. Hindi pa naman kasalan.
Just the bridal shower. Same day as the stag party. Ew ew. I have no choice though. I have to go. "Trust exercise" daw sabi ni Aly. Edi wow.
"Oo na. Saglit lang."
Hindi ko alam ang mararadaman ko sa bridal shower na to. Si Aly ang nag-organize ng bridal shower sa isang function hall na pagmamay-ari nila. Si Tyler naman ang nag-organize sa stag party.
Halos kaladkarin na ako ni Cheska papunta sa taxi. Talagang excited na excited ang bruha. Sana lang hindi ako ma-disappoint sa party na to.
Hinatid kami ng receptionist sa isang function hall na sobrang tahimik. Nasa labas si Aly.
"Where have you been?" she asked.
Andun na si Charlene, Jelai, Joreen at yung designer ko. Sila lang ang inimbitahan ko since pangalawang bridal shower lang naman to. Pumasok kami sa hall. My hunch is right. Tahimik nga. At hindi lang basta tahimik, madilim din.
Nangapa lang ako sa dilim. Buti nalang may flashlight si Cheska.
"Let's sit on the couch."
Ginawa naman namin yung sinabi ni Aly. Umupo kaming lahat sa isang mahabang couch. After few minutes, bumukas yung mga ilaw. Yung ilaw niya, yung pangdisco. May disco ball pa ngang umiikot sa taas eh.
Tapos tumugtog yung kantang Careless Whisper. Nangilabot ako bigla.
Todo hiyawan sila nang lumabas na yung mga man strippers. Ako naman... Napa-facepalm. Mga naka-cycling shorts silang itim tapos itim din na boots. Typical na pagdadamit ng strippers. Tinutulak pa ako nila Aly.
Mukha ba akong natutuwa? Hindi nila alam medyo nasusuka na ako. Lol.
Okay naman yung katawan. Sobrang okay. Intense ang pandesal. Mapapakagat-labi ka.
Mula leeg hanggang paa, yummy talaga. Kahit saan ata mapadako ang mata mo, matatakam ka. Hindi ko lang alam yung mukha dahil nakamaskara sila.
"Glenn, nagsesexy dance si Keith o."
Ihinilamos ko yung palad ko sa mukha ni Cheska.
"Sinira niyo ang honeymoon fantasies ko," mangiyak-ngiyak na sabi ko.
They all laughed. Sayang lang nang sayaw ang mga strippers na ang maskara ay mga wacky faces ni Keith.
Now, tell me. Matutuwa ka ba sa ganon?
"They're so hot!"
"Omg. Pwedeng kumapit?"
Napapailing nalang ako.
"Glenn, watch them. They really prepared for this!" Aly shouted. Sobrang lakas kasi ng tugtog. Hindi na kami magkarinigan.
"Is this your idea, Aly? May galit ka ba sakin?" gusot na gusot ang mukhang sabi ko.
Humalakhak si Aly. "No! I'd like you to enjoy Keith being a man stripper. Whooo!" Binato niya ng rose yung mga strippers. San nanggaling yung rose. "Who knows? Keith might plan this look for your honeymoon." And then she winked at me.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)