"Hello, Keith?"
Napalunok ako. Akala ko ba matagal nang nananahimik itong babaeng ito? Ano na naman ang problema niya at kinukulit niya ulit si Keith?
"I know you're listening, Keith. Marami tayong dapat pag-usapan. I told you. I'm not yet done with you. Nadagdagan na naman ang atraso mo sa akin. Kailangan nating mag-usap. Name the place. Pag-uusapan natin ang tungkol sa anak mo."
Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. Daig ko pa ang nag-Ice bucket challenge sa sinabi ni Grace. Anak ni Keith... na naman? Nag-iinit na naman ang gilid ng mga mata ko. Keith, ano bang mga ginawa mo noong wala ako sa tabi mo?
"Fresh na ako!"
Mabilis na pinatay ko yung tawag. Muntikan pang bumagsak sa sahig yung cellphone ni Keith kung hindi ako naging maagap. Sobrang nataranta ako. Pero mas nataranta ako nang makita ko si Keith. Naka-towel lang siya... half-naked. Tumutulo pa rin yung tubig sa katawan niya. I had seen him several times half-naked before but he had never been this hot. Every single day, he becomes hotter and hotter and more handsome.
Kaya ang dami rin niyang naaanakan.
"K-Keith..." sabi ko sabay iwas ng tingin.
Naglakad siya papunta sa closet. Nakaupo lang ako sa kama at nakatingin sa sahig. Amoy na amoy ko yung shampoo at yung sabon na ginamit niya. Sobrang bango.
"Anong meron sa cellphone ko?" tanong niya kapagkuwan. Napatingin ako sa kanya.
Sexy back. Nakatalikod man siya sakin, ang ganda-ganda niya pa ring tingnan. Para siyang model. Bagay sila ni Alynise. Si Keith yung tipong kahit walang ginagawa, kahit hindi masyadong nag-e-effort sa pang-aakit, matutukso ka pa rin. Iba yung dating niya. Kaya siguro...
"W-wala. May ano lang... May tiningnan lang ako," pagsisinungaling ko.
Alam kong makikita niya rin naman yun sa call history pero hindi ko pa kayang sabihin ngayon. Kapag tinanong ko siya, handa ba ako sa magiging sagot niya? Kakayanin ko ba?
Tumigil siya sa paghahalungkat ng damit niya. I heard him sigh.
"Glenn..."
"Hmm?"
"Do you still trust me?"
Napakagat-labi ako. Sa totoo lang, hindi ko na alam. Sa dami ng lumalabas na rebelasyon na hindi ko inaasahang magagawa niya, hindi ko na alam kung paano ko siya paniniwalaan. Kung paano ko pa magagawang manatiling nakakapit. Kung hanggang kailan ko ba kayang tiisin.
"Yes," I partly lied.
"I didn't expect you to answer that slow." Isinarado na niya yung closet. Umupo siya sa tabi ko. "Glenn, I won't force you to believe in me dahil alam kong mahirap para sayo, but please, stay. Stay with me. Okay lang sa akin kung hindi ka na magtiwala sa akin. Kung hindi ka na maniwala pa sa mga sinasabi ko... Just stay with me and I'll prove to you I did nothing wrong."
Naluluha na naman ako. Maling hindi ko siya pagkatiwalaan. Maling hindi ko siya paniwalaan. Keith had proven enough to me for years. Kung tutuusin nga, mas marami pa siyang napatunayan kaysa sakin. Kaso...
He held my hand. It was cold from the shower. "I have loved you for so many years, I couldn't picture myself with anyone else. I couldn't imagine myself without you and having other woman as my wife. I don't expect you to believe in me. I won't say sorry dahil alam kong wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko rin alam kung kinikilig ka pa sakin."
His voice cracked. Only then I realized he was crying. Marahas na pinahid niya yun. Parang dinurog ang puso ko nang makita kong lumuluha ang lalaking pinakamamahal ko.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)