Humikab muna ako bago binuksan ang pinto ng bahay nang may kumatok. Sarado kasi ang Cups and Cakes ngayon. Ilang araw na rin ang lumipas noong nag-propose sa akin si Keith pero ngayon lang kami nagka-time para mag-ayos niyon. Sinabi niya sakin kagabi na may nahanap na raw siyang kakilala niya na wedding planner. Hindi rin siya pumasok ngayon sa Click. Ihinanda namin ang araw na ito para sa 1/4 ng paghahanda para sa wedding next, next month.
Nawala ang antok ko nang bumungad sakin si Keith at ang kasama niya.
"Hi!" masiglang bati sakin ni Joreen... first girlfriend ni Keith.
Huminga ako nang malalim. "H-hi," alanganing bati ko saka sinulyapan si Keith.
Agad naman niya akong inakbayan.
"Bonita, this is Joreen. Joreen, this is my fiancee, Glenn," pagpapakilala samin ni Keith sa isa't isa.
Kilala ko na si Joreen dahil nakwento na siya sakin noon ni Keith. One year and one month sila. Si Joreen ang nakipagbreak. Six months bago naka-move on si Keith. Ngayon lang kami nagkita face-to-face. She's pretty. Lahat naman ng exes ni Keith ay magaganda eh. Even Grace.
Heto na naman kami sa Bonitang lintik na yan.
Joreen beamed on me. "She is really pretty. Congratulations to the both of you!"
"Thanks."
"Pasok ka, Joreen."
Tumango si Joreen at pumasok na sa bahay. Here we go, Glenn. Wag mong pairalin ang selos. Ex niya yan! Ang tagal na panahon na, Glenn. Wala na yan. Ikaw na ang fiancee. Siya, planner lang siya.
Umupo na kaming tatlo.
"Keith told me the details about the wedding." Marami pa siyang sinabi na hindi ko na naintindihan dahil masyado akong nakatutok sa kanya. Ang ganda-ganda niya sa personal.
"Saan niyo gustong magsimula?" tanong niya.
"Sa... Sa..."
Saan nga ba?
"Napag-usapan na namin ni Keith ang tungkol sa simbahan, pati na sa reception. So, ang Cups and Cakes daw ang magke-cater ng half ng foods for the reception. That's cute. Magpapa-schedule nalang din tayo sa simbahan at kakausapin ang mga kailangang kausapin. About the gown..."
"A-actually, may gown na kasi ako... noon."
Napatingin si Joreen kay Keith. Tapos tumingin ulit siya sakin.
"Are you willing to wear it again?"
Yes, but... that gown makes me feel sick and all.
"We want a restart, Joreen. Lahat ay babaguhin except sa simbahan... and except sa groom and bride."
Joreen chuckled. "Naman!" Hinarap ulit ako ni Joreen. "Glenn, gusto mo bang humanap ng gown na nagawa na ng designer o magpapagawa ka pa sa designer?"
"Magpapagawa siya ng bago. Dapat special yung kanya," sagot ni Keith.
Joreen smiled at Keith. "Of course."
Marami pa silang pinag-usapan tungkol sa kasal. Si Keith ang nasagot. Hindi kasi ako makapagsalita eh. Hindi rin tumatakbo ang isip ko nang maayos. Parang bumabaliktad ang sikmura ko sa sobrang dami ng pinag-uusapan nila tungkol s kasal. Isama pa yung tinginan ni Keith at Joreen. Sila nalang din ang nag-uusap. Pakiramdam ko, display lang ako rito. Tapos nagtatawanan pa sila. Nag-usap na daw sila sa kotse. Ano kayang mga pinag-usapan nila?
Sa sobrang kaiisip ko, naliyo ako. I felt like I am going to throw up. Tumayo ako at pumunta sa lababo. Wala naman ako masyadong naisuka. Konti lang. Konti lang din naman kasi kinain ko kanina.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)