Isang mahabang kwento ang pangyayaring reunion ng Saints. Being emotional that he is earlier, Keith cried while hugging Luke. As in! Kulang nalang ay magpabuhat. Parang batang iniwan sa lansangan ng tatay tapos ngayon lang binalikan. Hindi ko nga alam kung alin ang mas maarteng Keith: yung lasing o yung naging malungkot maghapon.
Natatawa nalang kami kasi para talagang baliw. Ang bading-bading! Gusto ko sanang video-han kaso baka magalit sa akin eh birthday pa man din niya. But I can't blame him. Ilang taon silang nasanay na magkakasama. Naging magkakapatid na ang turingan nila tapos isang araw, dahil lang sa isang babae, hindi na ulit nagpakita sa kanila yung isa. Ang ironic lang talaga na sa lahat ng babaeng pwedeng magustuhan... or mahalin ni Luke, si Grace pa.
Edi yun. Ang dami ng pagkekwentong naganap. Habang nakain, nagkekwentuhan. Tahimik lang na nakikinig si Luke sa kwento ni Matt at Keith. Tuwang tuwa si Luke nang malaman niyang buntis na si Cheska. Nagprisinta pa ngang maging ninong.
Until it was Luke's turn to share.
Ang tagal bago siya nagsimula. At first, he bitterly smiled and shortly said "Ayun. Tangang tanga pa rin kay Grace."
Hinintay namin siyang magkwento pa pero hindi na siya masyadong nagkwento. Summary nalang nang summary. Hindi na rin naman namin siya pinilit na magkwento pa. At syempre, dahil kumpleto ang Saints, may inuman. May baon pala si Matt. Nasapok nga ni Cheska. Maglalasing daw si Matt. Paano raw sila pauwi?
So I suggested that they all sleep in the house. May mga rooms pa naman kami don tapos may extrang mga banig naman kami. Nag-inuman na sila. Kami ni Cheska at Charlene, kumain nalang nang kumain at hinayaan ang mga lalaki na mag-inom. Bahala sila.
Biglang tumunog yung cellphone ko. May unknown number na tumatawag. Hindi rin dito sa Pilipinas. Nagkatinginan kami ni Cheska. I answered the call though I first hesitated.
"Hello?"
Napatingin yung mga nag-iinuman sakin. Hinintay kong may sumagot.
"Glenn!"
Lalo silang napatigil nang kumunot ang noo ko. The voice is familiar. Could it be...
"Glenn, this is Tyler!"
Sa sobrang excitement ko, hinila ko si Zach tapos I mouthed "Si Tyler!"
"Tyler, napatawag ka? Wait... You're not in the Philippines?"
He chuckled. Feeling ko excited na excited din siya. I think he has something to say. Ini-loud speaker ko. We gathered in the couch.
"Glenn..." He inhaled and exhaled. "Nanganak na si Aly."
Nanlaki ang mga mata naming lahat. And then everybody shouted. Not everybody though. Kaming mga babae lang tapos si Zach.
"Dammit! Tito na ako!" sigaw niya habang natalon.
"Whoa. Magkakasama kayo?" Tyler asked.
"Yeah! We have news too. Tuloy na tuloy na ang kasal nila Glenn at Keith."
"Wow. Cool. That's great!"
Nagngitian lang kami ni Keith. Everybody congratulated him. Baby boy daw. Tapos ikinuwento na rin niya kung paano siya napadpad don.
Hindi raw kasi kayang nasa malayo si Aly. Buntis pa man din ito. So he secretly went after her. Sinusundan niya si Aly kung saan man magpunta. May mga foods siyang pinapadala kay Aly na ikinagugulat nalang ni Aly dahil hindi naman siya namimili non. "I borrowed your style, Keith. It really works." he said to Keith. The latter just laughed.
Ayun. Nagkwentuhan na kami with Tyler. Nakatira daw kasi siya sa isang kwartong katabi ng kwarto ni Aly sa isang apartment. He was asleep when he heard Aly shout because her water bag exploded already. He remembered running outside with just boxers on. Nanlalaki daw ang mata ni Aly nang makita siya dahil sa gulat na nandon siya at sa gulat sa suot niya. Nightmare before Christmas pa man din daw ang boxers niya non. Haha!
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)