Chapter 45

4.3K 78 11
                                    

"Keith, please stop playing with my hair."

Pang-isang daang beses ko na atang sinabi yun kay Keith pero hindi siya tumitigil sa pagcha-chopstick sa buhok ko.

"Noodles ang china-chopstick. Hindi buhok. Ano ba?"

Busy ako sa paglalaro ng xbox ni Keith. Wala raw kasi siya sa mood maglaro so ako nalang ang naglaro since wala naman akong magawa. Three days since our wedding. Isang araw lang, bumalik na rin agad kami sa bahay. Mas komportable kasi ako pag sa bahay eh.

Keith asked me if I wanted to go to other places or other countries. He asked me if I wanted to travel the world. Sabi ko naman, ayoko. Wala talaga kasi ako sa mood for travelling. Hindi ko lang sinasabi kay Keith kasi nahihiya ako pero ang totoo, ang gusto kong mag-travel kapag may pamilya na kami. Gusto ko pag pumunta kaming ibang bansa, kasama namin yung mga anak namin.

"Para kayang noodles ang buhok mo."

I have to pause my game to punch on his thigh.

"Ang sakit ha!" sabi niya sakin. I felt his arms on my shoulders. Ginawa pang patungan ang balikat ko! "Tsuma-tsansing ka diyan ha. If I know, iba ang gusto mong mahawakan."

Nangilabot ako kaya patalikod na kinatukan ko siya sa noo. Sapul naman. Walang tinginan yon ha!

"Ang mapanakit nito," daing na naman niya.

"Tumigil ka na nga. Wala kang magandang sinasabi riyan. Tigilan mo na rin ang buhok ko. Susuntukin kita diyan eh."

Ang mokong na to, kaya pala wala sa mood maglaro, nasa mood palang mang-asar.

"Pacquiao."

I hate to admit it but I missed that "endearment." Ang tagal na noong last na tinawag niya ako nang ganon.

"Gayweather," nakangising sagot ko.

"Wow. Someone has great comebacks." I just proudly smirked. "Baby girl..."

Baby girl? That's Keith. Sobrang dami ng endearment niya sakin.

"Baby girl ka riyan. Maling babae ata ang sinasabihan mo."

Napa-aray nalang ako nang kurutin niya yung balikat ko. "Maling babae talaga."

"Okay."

"Kasi yung Baby Girl na sinasabi ko ay hindi yung asawa ko, kundi yung magiging anak namin."

I tried not to smile. "Ang corny mo."

Bumaba siya para umupo sa sahig, sa likod ko. Pagkatapos niyakap niya ako tapos ipinatong niya yung baba niya sa balikat ko. I love it whenever he does that. Ang cute kasi.

"Glenn, I love you."

The best part of my day is when he constantly say those three magic words out of nowhere with his husky and soothing voice. Kahit ilang beses niya atang ulitin yan sakin, hindi mawawala yung "magical feelings."

"Oo na."

"Oo na raw. Hindi nag-a-I love you, too, palibhasa nagba-blush."

Nakakairita talaga pag nahuhuli niya yun!

"Tanga ka."

"Lakas pang maka-tanga."

"Wag ka ngang magulo riyan."

"Pero, Glenn, seryoso na. May tanong naman ako."

Nakakakiliti yung hininga niya sa tenga ko.

"Ano yun?"

"Do you wanna make a baby?" he sang.

I giggled inwardly. Siniko ko yung tiyan niya.

"Tigil, Anietas. Maaga pa."

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon