Keith has been doing good with the therapy. He can already move with ease. Hindi na siya napapangiwi sa sakit kapag pinipilit niyang abutin yung pagkain sa tabi ng table. Naghilom na din ang mga sugat niya.
Ito nga o, enjoy na enjoy habang chinecheck siya nung nurse bago dumating yung doktor.
"Naigagalaw mo na ba yung braso mo, Sir?" ngiting ngiting sabi nung nurse.
Hello, girl? Two days ago pa.
"Yeah. Kaunti nalang makakapagbuhat na ulit ako sa gym," pagmamayabang naman ni Keith.
Humagikhik pa yung nurse. Aba, aba. Nakakahiya naman ata na nandito ako no?
Dahan-dahang nag-slide yung kamay nung nurse sa braso ni Keith. Sabay pisil.
"Hindi po ba masakit pag pinipisil ko?"
Ang sarap jombagin ni Keith dahil parang tuwang tuwa pa siya. Baka gusto nitong ako naman ang bumalda sa kanya.
"Hindi masakit. Just ticklish."
Sa lahat ng katangian ni Keith, ito ang pinakanakakairita. May topak. Minsan, snob sa mga babae. Madalas, pasimpleng maharot. The latter is the most annoying part of that.
Nakakatuwa na talagang sa harap ko pa sila naghaharutan. Hindi ako malisyosa pero meron talagang malisya yun, alam ko. Hindi man lang nahiya sakin si Ate. Asawa here? Namimilog na nga ang tiyan o.
Mukha lang ba akong estatwa o tambay dito?
"You're doing great, Sir! Hintayin nalang po natin si Doc para i-check na ang kalagayan niyo. Hopefully, makalabas na kayo rito at makapagbuhat na kayo." Then she giggled.
Tumawa din si Keith pagkatapos ay sumulyap sa akin. Ngumiti ako na parang wala lang sakin kasi wala lang naman talaga sakin.
"Sir, labas lang po ako ha. Baka naligaw ng room si Doc." Humarap yung nurse sakin. "Labas po muna ako, Maam."
Oh! You noticed me. Akala ko ang tingin mo sakin dito, statue lang eh. "Sige."
Pagkalabas niya, umupo nalang ako sa couch.
"Glenn, paabot naman ng apple, please?"
I inwardly rolled my eyes so high, it could reach the galaxy.
"Ikaw na," sabi ko.
"Glenn? Hindi pa ako makakatayo. Bawal pa."
Hinarap ko siya. "Akala ko ba kaunti nalang, kaya mo nang magbuhat sa gym? Bakit hindi mo buhatin ngayon ang sarili mo para makalakad ka?"
He didn't respond for a minute. Shocked siguro sa sagot ko. Tama naman ako ah? Yun ang sabi niya sa nurse kanina.
"Seriously?" natatawang sagot niya.
"Busy pati ako," sabi ko.
"Nagseselos ka ba?" natatawa pa ring tanong niya.
I arched an eyebrow at him. "No. Bakit ako magseselos?"
He smiled. "Yeah, right. Sige. Hindi ka na nagseselos, pero maawa ka naman sa orange na binalatan mo na nga gamit ang kutsilyo, china-chop-chop mo pa ngayon. Kakainin mo ba yan?"
"Wag ka ngang pakielamero. Oo, kakainin ko to."
Hindi nga kita pinakielaman nung nakikipagharutan ka eh.
Hindi na siya nagsalita pero alam kong nakatingin lang siya sakin. Dahil sa pride, nginuya ko yung orange na durog-durog na. Sino bang nagmurder ng orange na to? Walang awa.
Then I saw on my peripheral vision that he put both of his arms at the back of his head and rested the latter there.
"You know, you're already my wife. There is nothing wrong with being jealous. You don't have to deny it. Mas nakakakilig nga para sakin pag nagseselos ka eh."
I just feel weird whenever he says he's kinikilig with me. Wala lang. Ang gay na awan.
"I am not jealous. Stop."
"I am not asking you if you're jealous. You are jealous. You're pretty obvious."
"Isa pa, ibabato ko sayo tong kutsilyong hawak ko. Saka bakit nakaganyan ang braso mo? Mamaya bumalik pa ang pagka-dislocate niyan eh."
"Babe, I'm already okay."
"Wag mo nga akong tawaging babe! Corny mo."
He laughed. "Pero nagseselos ka? Amin na, dali. Hindi naman magagalit si Pogi."
I cringed my nose. "Kapal ng mukha. Hindi nga."
"Amin na."
I turned my cheek to him. "Eh ano naman kung nagseselos? Ikaw nga, sama ng ugali mo kay Vince samantalang ako, nako-contain ko naman yung selos ko."
He pouted. "I'm not jealous. I'm territorial. I don't want anyone messing up with my territory or my property. Lalo na ikaw. Para kang underwear ko. Ayoko nang may ibang nangingielam o nagsusuot o nahawak sa underwears ko. Except for you. You can do whatever you want with whatever I have," he said then winked at me.
My lips parted. I could feel my cheeks flushing.
"That is a super weird comparison. Comparing me to your undies? Really? Am I that dirty to you?"
Amusement drew on his face. "Dirty? Excuse me. Alam kong alam nating dalawa na hindi madumi ang undies ko and anything underneath."
I covered my ears. "For Pete's sake, Keith, ang pervert mo!"
Tawa lang siya nang tawa. "Pero, Glenn, tama lang yung comparison. You and my undies are both personal to me. Saka, pinagseselos lang naman kita. Nami-miss ko na kasi yung itsura mo pag nagseselos eh."
Ngumuso ako. "Ganyan ka naman."
"Ang cute mo kaya pag nagiging territorial ka. Mas nararamdaman ko kung gano ka katakot mawala ako sayo."
"Para kang tanga, alam mo yun? Takot naman talaga akong mawala ka sakin. Kaya nga sobrang lungkot ko nung nagka-mild coma ka eh."
He was just smiling while staring at me. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya, pero parang sobrang saya ko sa mga tingin niyang yun.
Yung mga tingin niyang nagsasabing mahal niya ako at naa-appreciate niya ang lahat sakin.
"Punta ka nga dito. Tabi ka sakin."
Para akong batang umupo sa tabi niya.
He held my hand and gently squeezed it. "Ilang beses ko na tong sinabi sayo at uulit-ulitin ko to kahit manawa ka na." He sat down and tucked my hair at the back of my ear. "I love you so much more everyday. Sa tuwing nakikita kita, yung level ng pagmamahal ko sayo, pataas nang pataas. I don't even know how but it does. Every time you look at me, you smile at me, you talk to me, you trash talk to me..." Pinalo ko siya nang mahina. "...you touch me, everything you do, Glenn, makes me more in love with you. Hindi to titigil, Glenn, kaya kahit anong gawin mo, kahit anong gawin ko, mahal na mahal pa rin kita. Kahit na minsan, nasasaktan ka dahil sakin, tatandaan mo to ha. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Hindi mo naman ako iiwan diba?"
Tinakluban ko yung mukha ko ng kamay ko. Naiiyak ako. Leche.
"Bakit ka naiyak? Ito namang baby kong to, napakaiyakin."
Pinalo ko ulit siya. "Alam mo namang buntis ako. Syempre, sensitive ako tapos ang sweet-sweet mo pa sakin." I hugged him tight.
"Ikaw din naman eh. Ang sweet mo sakin. Bitter nga lang minsan. Minsan, salty. Minsan, sour, pero at least, balanced." He gingerly pushed me away and wiped my tears. "Natulo na uhog mo, o. Wag ka nang umiyak."
He kissed my forehead. I hope we could stay like this forever.
His kisses lowered down to my nose... down to my lips. It lingered there. A little bit of making out.
Talaga naman! Parang wala sa ospital ah.
"Keith, nasa ospital tayo. Baka dumating si Doc," I tried stopping him.
"Wala pa naman. Okay lang yan."
It went down to my chin... Then to my neck.
"Keith, nakikiliti ako."
I felt his breath hit my neck as he laughed a bit. He continued kissing my neck. Kahit amoy-pawis na. Then I felt him bit me and gently sucked it.
"Keith!" I pushed him away. Nakangisi lang siya sakin. Dali-dali kong kinuskos yung leeg ko pero pagharap ko sa salamin, huli na. "Nakakaasar ka!"
His laugh echoed in the whole room. Kahit kinukurot ko na, tawang tawa pa din.
"Wag ka nang manakit. Hindi naman mawawala yan kahit anong gawin mo eh."
"Bwisit ka!"
"I love you."
"Heh!"
Bakit ba ang saya niya pag naiirita ako? Sira ulo.
Dumating na yung doktor. Todo tago ako nung hickey na ginawa ni Keith gamit yung buhok ko.
Pangiti-ngiti lang sakin si Keith nang mapang-asar. Bwisit siya. Alam naman niyang ang hirap itago nito.
Sabi ng doktor, pwede na raw lumabas si Keith bukas o sa isang araw. Tuwang tuwa ang mokong. Miss na daw niya ang kama namin. Kama pa ang na-miss niya eh bed-ridden nga siya dito.
"Wag mong itago. Cute kaya."
"Gago ka. Cute mo, mukha mo."
Lagi nalang si tawa. Happy na happy.
"Okay lang yan. Asawa mo naman ako eh."
"Sasabihin, ginawang motel ang ospital."
"Wala namang nangyari," malungkot niyang sabi.
"At nalungkot ka pa! Hindi ka makapaghintay sa bahay."
His face lightened. "Sabi mo yan ha. Sa bahay ha."
Paglingon ko sa kanya, ngiting ngiti na naman siya. Iba talaga pag basketball player. Joke.
"Bakit ka ba ganyan?"
"Anong bakit? Ikaw ba, ayaw mo?"
Geshte. Nekekeheye leng kese. Charot!
"Tigilan mo ako ha."
A cute little chuckle let out of his mouth. "Oo na. Alam ko namang hot ako, irresistable, yummy..."
Hindi na niya tinapos yung sasabihin niya dahil dumating si Cheska. Si Cheska ang taga-update sakin ng kaganapan sa Cups and Cakes. Kasama din niya si Tyler, Luke at Zach.
"Keith, kumusta ka na?" tanong ni Cheska.
"Super fine. Pwede na raw akong umuwi bukas."
"That's good." Dumeretso si Cheska sa tiyan ko at kinausap ang baby ko.
Yung mga lalaki naman, syempre, dumeretso kay Keith. Panay ang pag-aayos ko sa buhok ko para hindi makita yung hickey.
"Excited na ako sa magiging inaanak ko!" sabi ni Che. "Siguradong cute na cute yan!"
"Syempre, mana sa tatay." Tinaasan ko si Keith ng kilay. "Tapos medyo sa nanay."
Nagkwentuhan kami ni Che. I tried to act natural but she still kind of noticed that I'm hiding something.
"May gusto ba kayong kainin? May food kami dito," alok ko sa kanila.
"Okay lang. Kami nga dapat nagdadala ng foods eh, kaso hindi namin alam kung ano yung meron pa dito."
"Wag na kayong magdala. Paalis na din naman si Keith dito eh. Okay lang. Kuha nalang kayo dito ng makakain ha."
Habang inaayos ko yung mga pagkain, biglang sumakit yung tiyan ko. It constantly hurts these past few weeks. Sinabi ng ob ko na maselan nga daw ang pagbubuntis ko kaya dapat doble ingat ako. And that's what I am trying to do.
Nawawala din naman agad yung sakit pero after few hours, bumabalik. Hindi ko na nga lang sinasabi kay Keith o kahit kanino dahil ayokong mag-alala sila.
Nagulat ako nang biglang wahiin ni Cheska yung buhok ko.
"Sabi ko na nga ba, may something eh," sabi niya. "Looks like someone is going to be on Santa's naughty list."
Proud pang ngumiti si Keith. Nagtawanan lang sila.
"Iba ka talaga. Baldado ka na, nakakaganyan ka pa."
"Hoy! Okay na ako no. Pwede na nga daw akong umuwi eh," sagot ni Keith kay Luke.
"Siguradong makakarami kayo niyan, Glenn. Iba si Keith eh," biro naman ni Zach.
Nagtawanan nalang kami. Keith looked at me, shrugged and just smiled.
-
"Keith, wag ka nang mapilit. Yung iba nalang na bags ang buhatin mo. Andyan naman sila Matt. Baka mapano pa yang braso mo eh."
Ang kulit! Dalawang bags kasi yung dala namin na pinaglagyan ng mga damit ko saka ilang damit niya since hindi kami naalis ng ospital.
"Kaya ko na."
Hinablot ni Matt yung bag mula sa kanya. "Kulit nito eh. Ano bang tingin mo sa katawan ko, maliit?"
"Kumpara sakin, oo."
"Gago."
"Sige na nga, hampaslupa. Ikaw na ang magbitbit niyan. Ayusin mo ha."
After a few cheeky banters, Matt left and Keith started to unleash his ninja side.
"Tigil, Anietas. Magpahinga ka nga muna."
He pouted like a kid. "Sabi mo, pagkauwi?"
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Alam mo yung pahinga? Kumalma ka nga!"
"Kiss lang."
I gave him a smack. Of course, he is not satisfied. He pulled me against him. He was about to kiss me when some liquid flowed from my lower region down to my legs.
"Keith, wait."
Napatingin naman siya. "Shit, Glenn. Agad? Hindi pa nga kita nahahalikan eh. Ang bilis mo naman."
I want to face palm. "This isn't a freaking orgasm. Pumutok na yung panubigan ko."
"So?"
I hit him as hard as I can when my tummy started to ache.
"Manganganak na ako. Gago!"
Noon lang niya napagtanto ang katangahan niya kaya natatarantang tumakbo siya para hanapin yung susi ng kotse niya.
"You are not driving me to the hospital! Baka maaksidente pa tayo sa ginagawa mo eh!"
"Glenn, hindi agad sila makakarating pag tinawagan natin sila. Tara na!"
He grabbed my arm and pulled me to the garage.
"Wag mo akong kaladkarin! Baka maagasan ako."
Yung moment na manganganak ka na, pero kailangan mo pang magsisigaw dahil sa asawa mo.
Pumasok agad siya sa kotse niya at nagulat ako nang umandar ito nang hindi pa man lang ako nasakay.
"Keith Jacob! Manganganak na ako. Ano ba?"
Are you freaking kidding me? At this very moment, is this actually happening?
Nang ma-realize niya sigurong siya lang ang nakasakay, tumigil siya at bumalik siya. He opened his window and yelled at me.
"Tangina naman. Sakay na!"
Kung kaya ko lang siyang bugbugin ngayon.
"Anong tangina naman sakay na? Gago ka ba? Baka gusto mo akong tulungan?"
Nasapo niya yung noo niya saka bumaba at tinulungan ako. Pinagpapawisan ako habang pinipilit kong huminga at wag munang palabasin si baby. Ayokong manganak sa kotse!
"Keith, manganganak na ako!"
"Oo. Alam ko! Teka lang." He reached out for my hand. "Sorry. I'm not good under pressure. Kaya mo yan. Malapit na tayo."
Ginaya ko nalang yung mga ginagawa ng mga napapanood ko sa tv. Jusko.
"Nobody told me it was this frantic. Oh my goodness!" he said.
Susko, Keith Jacob Anietas. Mapapaanak na ako sayo nang walang sa oras.**
Oh! Mahaba to ha. 2.3k ang words nito. Hahahaha! Sinubukan kong bumawi. Sa mga nagsuggest ng names, salamat! May napili na ako. At 300k reads na rin ang istoryang ito. Salamat sa inyong lahaaaaaaat.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)