Chapter 19

6.4K 101 6
                                    

Pansamantalang sarado ang Cups and Cakes sa public. Only for regular customers and staffs. Libre lahat ng pagkaing nandoon. Nagkekwentuhan ang lahat. Nag-e-enjoy sa pagkain. Pagkatapos ng, sa wakas, pag-amin ni Zach kay Charlene, nag-aminan na rin sila tungkol sa mga maling akala ng bawat isa.

Matapos iyon ay hindi na sila nag-usap. Magkatabi lang sila pero hindi nag-uusap. Pulang pula si Charlene sa sobrang hiya at malamang sa kilig habang si Zach naman ay nakatungo lang sa pagkatorpe. He'll open a topic from time to time. Charlene will answer shortly. End of conversation. Ganon lang nang ganon ang eksena nila kanina pa. Lakas maka-teenager! Ayaw naman naming mangielam sa kanila. Moment na nila yun eh.

Si Tyler, hindi ko na alam ang nangyari. Dalangin ko lang ay nahabol niya si Aly na hindi naman malabong mangyari dahil buntis si Aly at hindi ito makakatakbo.

"So, marami pala kayong ginawang bagong cupcakes," sabi ko kay Cheska. Natikman ko lahat kanina ang mga "experiments" nila habang wala ako. "And they are all satisfying."

"Syempre, ako pa," sabi niya. "Oo nga pala. Kumusta kayo ni Keith?"

I smiled while telling her everything happened as I went home. Mula sa simula hanggang sa kanina. Nagulat ako nang pitikin niya ako sa noo. Napahiyaw ako sa sakit.

"Gaga! Bakit mo siya ginisa nang ganon? Laking pasalamat mo sa kagalingan niya sa pagkontrol ng sarili niya at nagawa niyang magpigil lalo na sa ganong klase ng usapin. Alam mo bang mabilis mag-init ang katawan ng mga lalaki kapag pinag-uusapan ang mga bagay about sex? Hindi ka talaga nag-iisip," sermon niya sa akin.

Napanguso ako. "Na-curious ako. Sinagot naman niya eh."

"Kasi baka sa ibang lalaki ka magtanong."

"Pero nakapagpigil naman siya eh. Saka sabi niya... kaya niyang maghintay."

"Ewan ko sayo. Pakiramdam ko sa inyong dalawa, si Keith ang mas malakas ang self-control. Ikaw... parang hindi eh. Nakita mo lang yung half-naked niyang katawan kanina, pumasok na agad sa isip mo ang panghahalay."

"Hoy, grabe! Hindi naman." I blushed.

"Sus. In all fairness, kahit pa nabi-bitter ako kay Keith noong mga nakaraang buwan dahil sa kanila ni Aly, natutuwa na ako sa kanya ngayon dahil sa mga kwento mo. He is so sweet. And I admire his self-control. Rare na ang mga lalaking ganon sa panahon ngayon."

Nakangiti lang ako habang pinapakinggan ang komento ni Cheska. She is right. Guys like Keith are really rare catch nowadays. And it just so happened that I am a great catcher.

"Pero wag ka namang sosobra, hija. Hindi porket alam mong malakas ang kontrol niya sa sarili ay aabusuhin mo na. Pero kung gusto mo talagang malaman kung hanggang saan ang hangganan ng kontrol niya, subukan mong akitin," sabi ni Cheska sabay tawa. "Wag mo lang akong sisisihin na mas mauna ang bata sa iyo kaysa sa kasal kung sakali."

"Baliw ka."

"Hmm... Bakit ano... Bakit parang ang alat nito?" sabi ni Cheska pagkatapos sumubo ng strawberry puff cupcake na isa sa experiments nila.

Kumunot ang noo ko at kinuha ang tinidor ko. Tinikman ko yung cupcake. "Hindi naman ah."

"May something na ano... May..."

Bigla siyang tumayo. Napatingin tuloy kami sa kanya. Mabilis na tumakbo siya sa loob ng kusina. Sinundan ko siya. Naabutan ko siyang sumusuka sa lababo. Nilapitan ko siya at hinimas ang likod.

"Anong nangyayari sayo?"

Pumasok si Charlene. "Ate, ano pong nangyayari?"

Natapos na si Cheska pagsuka. She washed her mouth with water and wiped it with towel.

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon