Keith's POV
Akala ko noon, nagpapaka-OA lang yung mga lalaki sa tuwing sinasabi nilang masakit sa ulong alagaan ang mga buntis. Well, I just got a proof they actually are. As time passes by, Glenn became the ultimate grade A pain in my head and body. She became so sensitive that I have to write do's and dont's to remind myself.
Never stare at her whenever she eats, or else she'll eat you.
"How's your day?"
"Okay lang. Normal day lang. I think I need to buy a new camera. Naluluma na yung gamit ko eh."
She nodded.
"You?"
"Normal lang din. Yun nga lang, hindi ko na magawa yung usual kong ginagawa. Kahit hindi pa masyadong malaki yung tiyan ko, ingat na ingat sila sakin. Baka raw mapagod ako eh parang wala pa akong kalahating oras na nakatayo. Kaya minsan naglalakad-lakad nalang ako sa shop tapos nakikipagkwentuhan. Ang dami ring nakapansin na parang ang blooming ko raw."
"Anong normal sa day mo kung hindi na naman pala usual yung nangyari kanina?"
Bigla niya akong sinamaan ng tingin. Okay, it was sort of a joke! I was smiling. I'm not trying to throw sass at her. I'm not even sarcastic.
"I mean, yeah. It was a totally normal day for you."
Bumalik na siya sa pagkain. Tatlong magkakasunod na subo ng kanin pati ulam. Kaunting nguya lang, ganon ulit. Ang amos na nga niya sa sobrang lakas niyang kumain. Para namang ginugutom ko dito. Halos siya na nga ang umuubos sa niluluto ko na hindi ko makain kasi sunog. Siya lang ang natutuwa sa luto kong yun. Medyo nakaka-flatter na nakaka-offend kasi kapag lang pala buntis siya sumasarap yung luto ko.
Bukod pa roon, nagsisimula na siyang mahilig sa cotton candy, popcorn ng Kettle Corn na cheese, alamang at pwet ng manok. Okay na ako sa cotton candy niya at popcorn kasi okay naman yun. Pero yung alamang? Mas normal pa nga sakin ang naglilihi ng manga eh, pero yung alamang lang? Pinapapak niya yung alamang lang. Minsan pa, ayaw papigil.
Pero sa pwet ng manok ako pinakakinakabahan. Kung si Glenn nga, naririndi na ako sa kadaldalan, tapos may dadagdag pang isa? Baka maging palengke na ang bahay namin.
"Why are you staring at me?" she snapped.
Napakurap ako. Medyo natulala na pala ako. I shook my head.
"Natatabaan ka na sakin no? Siguro iniisip mo na para akong balyena na nakain sa harapan mo. Baka nga kinakalkula mo na ang weight ko habang tinititigan mo ako eh! Fine! Look at my face." She aggressively pointed at her face. "Lagyan mo lang ng lipstick yung ilong ko, siopao na. Yung braso ko." She touched her arms. "Oo na! Mas malaki pa sa braso mo! Puro taba na. Kaya siguro ayaw mo nang nayakap ako sayo tuwing gabi kasi hindi ka na makahinga sa sobrang laki ng braso ko." She pointed at her thighs. "Tingin mo siguro dito, hindi na hita. Pata na! You think I am qualified to be sold at the markets! Magkano isang kilo ng pata?" sigaw niya. "Ano? Tama ako diba? Lintik. Oo na. Ako na ang mataba, tapos tatawagin mo pa akong maliit. Oo na. Bundat na. Oo na. Punggok na! Bwisit ka!"
My lips parted. My hands are everywhere. "I didn't even say a word!"
"But your eyes say it all!" she said, teary-eyed.
What the hell... "Absolutely not!"
"O, talaga? Hindi ka natatabaan sakin?"
I held my breath. "N-no."
"You hesitated!" Her tears started to fall.
"Oh, my goodness, Glenndaline! I didn't say anything. You just assumed it." Hindi pa rin siya tumigil. Hinilot ko yung sentido ko. "Glenn, please. Not in front of the food."
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)