Chapter 32

9.3K 115 31
                                    

I felt Keith stir. I was torn between not wanting him to wake up and wanting him to do so, so I could get up from his hug already because it's freaking 10:32 in the morning. Hindi na ako nakapasok. Siya din. At amoy na amoy ko pa ang alak sa kanya. Nakayakap pa sakin! Naku naman. Pinaghalong amoy-alak at suka ako.

Puyat ako. Bakit? Syempre, dahil kay Keith. Eksaktong 3:10 nang maramdaman kong basa ang higaan nang medyo bumaling ako kay Keith. Akala ko naman pakiramdam ko lang. At nang maamoy ko na nga ang masangsang at tumataginting na amoy ng suka ni Anietas, napabangon ako. Ang lamog lang! Ganito ba talaga pag nalalasing? Sorry ah. Hindi kasi ako nainom. At ngayon na lang din nag-inom si Keith.

"Good morning," bati niya.

"Don't speak unless you had taken a bath or your teeth brushed. Seriously, Keith, you stink."

"Ouch. Is that your way of saying Good morning to you too, handsome?" Bumangon siya. Napa-aray naman siya sa sakit ng ulo niya. Ginusto niya yan. "Whoa. Ew. Ano yang nasa kama? Bakit basa?"

Bumangon na din ako. "You puked... on me." Rumehistro ang gulat sa mukha niya.

"Oh my God."

"Yes, Keith. Oh my God!"

Tumayo na ako at pumuntang banyo. Maghihilamos muna ako. Nakapagpalit na ako ng damit kagabi pero amoy na amoy ko pa rin yung suka. Ang baho. Peste.

"H-hey, what are you doing here?"

Pumasok ba naman sa banyo? Sabay kami, ganon?

"Oh, sorry." Lutang na lutang pa rin siya tapos lumabas ng banyo.

Napatingin lang ako sa pinto nang saraduhan niya ito. And then the memories of earlier flashed back. Yung mga sinabi niya sakin. Napangiti nalang ako. Dumodoble ang ka-sweet-an niya kapag nalalasing siya pero dobleng pahirap din naman sa pagkatapos.

Sige na, Glenn. Maghilamos ka na. Puro ka landi.

So naghilamos na ako. Pagkalabas ko, si Keith naman ang pumasok. Ewan ko kung papasok pa siya pero inayos ko na yung gamit niya. Baka sakaling maisipan eh. Alam niyo naman yan. Minsan kahit na late na siya, papasok pa rin. Adik sa pagpi-picture.

Natapos na ako sa pagpe-prepare ng gamit niya, hindi pa rin siya nalabas ng banyo. Lumabas nalang muna ako papuntang sala. Baka gising na si Ate Kiele. Wala pang pagkain.

Nang pumunta akong terrace, nakita kong nagda-dumbells si Ate Kiele. Pawisang pawisan na siya. Nakita niya ako.

"Good morning, Ate Kiele. Kanina ka pa gising?"

Tiningnan niya ako. "Hindi naman." She continued what she's doing so I decided not to interrupt.

Pumunta akong kusina para magluto. Baka nagugutom na si Ate Kiele. Ako pa ang kainin nang buhay.

Thirty minutes. Tapos na akong magluto at lahat, wala pa ring Keith na nababa. Hindi kaya papasok talaga ang hinayupak na yun kahit may hangover? Aba. Talagang matindi si Anietas.

Pinalipas ko pa ang fifteen minutes.

"Ate, kain ka na," sabi ko kay Ate Kiele nang makita kong tapos na siya sa pag-e-exercise.

"Si Keith?"

"Ah. Nasa taas pa ata."

Tumango lang siya saka umupo. Ayokong kumain nang wala si Keith. Nakakailang.

"Akyat lang ako. Tawagin ko lang si Keith."

Hindi siya sumagot kaya umakyat na ako. Ang tagal ni Anietas ha. Grabe na.

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon