Chapter 1

8.6K 102 8
                                    

Nilingon ako ni Keith. Nangingilid na ang luha ko. Bakit kailangang sa amin pa mangyari ito?

"G-Glenn, let me explain," sabi niya.

"Yes. Yes, Keith. You need to explain."

Gustong gusto kong umiyak. Gusto kong maglupasay. Bakit kung kailangan ikakasal na kami, saka mangyayari ito? Bakit sa araw pa ng kasal namin?

"I-I know her. She's the girl I met when I was in France. Isa siya sa model namin. Pero... Pero..."

Ituloy mo, Keith. Sabihin mo sakin na wala namang nangyari sa inyo. Na wala namang dahilan para mabuntis siya.

"Pero ang alam ko naman ay walang nangyari samin eh."

Keith, pwede ba kitang sampalin? Pero alam kong kahit sampalin kita ngayon, hindi pa rin naman mababawasan yung sakit. Ang alam mo ay wala?

"So, hindi ka sigurado?"

"Miss, who do you think you are?"

Napatingin ako kay Cheska. Ang ganda-ganda niya sa suot niya pero masisira lamang iyon dahil sa babaeng yun.

"I am Alynise Armistead. I am a model in France. Actually, I don't have to introduce myself to you. Keith already knows everything about me," she said sophisticatedly.

All eyes on Keith. Hindi siya makaimik. Namumutla na rin siya.

"I couldn't believe this! Hijo, ano ang ibig sabihin nito?" tanong ni Tita Eliza, nanay ni Keith.

"I-I don't know."

Napailing nalang ako kay Keith. Magsisimula na sana akong tumakbo palayo nang mahagip ni Keith ang braso ko. Pinihit niya ako paharap sa kanya.

"Glenn, don't leave, please. We'll talk about this and mend things up. Just don't leave."

His pleading eyes... Kailan ba ako nagkalaban sa ganyang pagtingin ni Keith?

Hindi pa rin ako makaimik habang nasa loob kami ng van. Hindi pa rin ako makapaniwala. All this time, hinintay ko ang kasal namin ni Keith. All this time, ang ginusto ko lang naman ay ang mapayapang kasal at pamilya.

Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Keith yung kamay ko. Hindi naimik sila Daddy at Kuya Gelo pero alam kong hindi nila nagustuhan ang nangyaring to. Wala naman samin ang natuwa sa pangwe-wedding crash ng "nabuntis" ni Keith.

"Believe me, Glenn. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari."

Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Dumating kami sa ipinatayong hotel ng pamilya ni Keith. Nagpalit na muna ako ng damit. Seeing myself wearing this gown makes me feel sick.

"Anak..."

Pinahid ko ang luha ko habang nakaharap pa rin sa salamin. "Okay lang ako, Ma."

Hinimas ni Mommy yung likod ko. Nakapagpalit na rin siya ng damit. "Walang bride na magiging okay pagkatapos ng ganoong nangyari. Alam kong mabuting tao si Keith. Hindi niya magagawa yun."

Hindi nalang ako nagsalita. Ewan ko kung tama o mali pero hindi ko alam kung maniniwala ako sa babaeng yun o hindi. Base sa sinagot ni Keith sakin kanina, malaki ang posibilidad na siya nga ang ama ng bata.

Pagbalik namin sa lobby ng hotel kung saan naroroon ang mga magulang namin ni Keith, ang ate niya na umuwi pa galing ibang bansa para lang sa kasal namin, si Daddy, si Kuya Gelo at ang asawa niya, si Cheska at si Matt, si Luke... at si Alynise. May bakante sa tabi ni Keith pero mas pinili kong makipagsiksikan sa tabi nila Mommy. Sa ngayon, ayoko munang makalapit si Keith. Nakita ko ang pagguhit ng lungkot sa mata niya nang umupo ako kina Mommy.

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon