Chapter 18

8.2K 104 11
                                    

Umagang umaga, ang matipunong likod agad ni Keith ang bumungad sa akin pagkababa ko ng hagdan. Nag-i-stretching siya. Malamang masakit ang katawan niyan sa pagtulog sa couch. Hello? Ang laki-laking tao ni Keith. Pihadong hindi siya kasya sa couch na yun kahit ano pa ang gawin niya.

Hindi niya naramdaman yung pagbaba ko kaya hindi ko na muna siya inabala sa pag-e-exercise niya. Ayokong tumigil siya. Sarap kaya niyang panoorin! Yung malapad niyang likod at yung braso niyang ang sarap pisilin na puro muscles. His body is just so perfect even back then. High school pa lang, talagang maganda na ang katawan niya. Na-maintain naman niya. Siya yung tipo ng machong masarap yakapin at halayin. Hindi yung tipo ng mga machong nakakatakot na parang kapag niyakap ka ay mapipisat ka.

Glenndaline Ocampo, maghunus-dili ka. Umagang umaga, pigilin mo ang iyong mga hormones.

Pinilig ko ang ulo ko. Madalas kasi kapag umaga, ako ang nauunang magising kaya hindi ko siya nakikitang mag-exercise nang ganito. Dapat pala lagi siyang sa couch natutulog para laging maganda ang nadadatnan ko tuwing umaga.

Joke!

Bigla niya akong nilingon. Mabilis naman akong umiwas ng tingin. Syet! Oo, hindi ito ang unang beses na makikita ko siya nang half-naked... pero Lord. Pinipilit ko naman pong pigilan. Pilit ko pong iniiwasan ang tukso pero kung ganito naman lagi, baka magpadala na ako.

Glenn!

Parang gusto kong kurutin ang sarili ko sa mga naiisip ko. Bakit ba ako ganitong mag-isip? Hindi kaya dahil sa pinag-usapan namin kagabi? Diyos ko, patatawarin.

"Good morning!" masiglang bati niya.

Ang kulit ng mga mata ko. Pilit na nagnanakaw ng sulyap sa abs ni Keith na masigla rin namang kumakaway sa akin. O, tukso, layuan mo ako!

"G-good morning din," sabi ko at pilit na iniiwas ang tingin sa kanya.

My goodness gracious! Ang pawis ni Keith, tumutulo sa katawan niya. Sa susunod nga, ipapa-aircon ko na itong bahay. Nagkakaroon agad ako ng kasalanan eh umagang umaga.

"Ako ang magluluto ngayon. Anong gusto mong ulam?" tanong niya.

Pwede bang ikaw nalang?

"K-kahit ano." Nagkunwari akong naniningin ng mga frames na nakasabit sa sala. Mga frames na naglalaman ng pictures namin ni Keith.

"Mahirap magluto ng kahit ano, Glenn," sabi niya.

Ikaw nalang nga kasi!

"A-ano nalang... ano... Ano bang meron?"

"Ano bang gusto mo?"

Ikaw.

"Ano na nga lang... para hindi ka na mahirapan... ano... tocino nalang."

Hindi naman siya umimik at pumunta nalang sa kusina. Nang tingnan ko siya, nanlumo ang mga hormones ko na kanina ay alive na alive. Nagdamit na si Keith. Goodbye, abs!

"Keith, nakatulog ka ba nang maayos sa couch?" tanong ko. Tinabihan ko siya. Ang gwapo niya kahit saang view.

"Honestly, no. I can hardly fit on the couch."

Sabi ko na nga ba eh. "Sorry ha."

"Okay lang."

"Kung gusto mo, matulog ka muna. Pupunta lang ako sa Cups and Cakes. Ako nalang magsasabi kina—"

"No, it's okay. I'm fine. Makakapasok naman ako."

"Sigurado ka?"

He nodded while smiling. Ang gwapo talaga ni Keith! Sagad. Hindi na ako nakipagtalo. Siya na ang may nakaka-hypnotize na ngiti.

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon