Chapter 50

2.5K 74 15
                                    

Keith's POV

"Keith, ang tagal! Naiinip na ako."

"Saglit nga. Atat naman eh."

"Sino bang nagyaya? Dapat nga kanina pa tayo eh. Kapag ako, nawala sa mood, bahala ka."

"Oo. Andyan na!"

Hindi ko na tiningnan ang sarili ko sa salamin. Kanina pa nagmamadali si Buntis. Baka masapak pa ako.

Pagbaba ko ng sala, nakasimangot siya habang tinititigan yung inosenteng TV namin. Inihilamos ko yung palad ko sa mukha niya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Siguraduhin mo lang na mag-e-enjoy ako sa plano mong to ah. Kapag hindi, lagot ka sakin."

"Mag-e-enjoy ka kung talagang e-enjoy-in mo."

Hawak-hawak ko yung kamay niya habang nagba-byahe kami. We are on our way to yoga class for pregnant women. Naisip ko lang na pasalihin siya sa ganon para bukod sa nakatengga lang siya sa bahay ay nagiging healthy pa siya lalo. Nung una pa nga, nagalit na naman sakin. Siguro daw natatabaan na ako sa kanya kaya gusto ko raw siyang mag-exercise. Isang mahabang paliwanagan na naman ang naganap bago siya pumayag.

Honestly, I'm secretly praying and hoping that it all go well. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi na ata nangyaring naging masaya si Glenn buong araw. Matinding mood swings ang nararanasan ko mula sa kanya sa bawat salitang sinasabi ko. Nevertheless, it was so fun caring for pregnant Glenn. Ang cute niya kasi pag nagtatampo.

"Tingin mo, ikakasal na din kaya si Luke at Grace?" tanong niya bigla.

"I don't think so. Ang bilis naman ata masyado kung ikakasal agad sila."

"Si Matt at Che kaya?"

"Hindi ko alam. Busy pa ata sila pagbuo ulit ng bata."

"Keith!"

"Joke lang. Hindi ko alam."

"Lagi ka nalang walang alam."

"Wow. Ikaw nga itong nagtanong."

Mga kalahating oras, nakarating na rin kami sa gym kung saan magyo-yoga class si Glenn. Pagpasok namin, nakakatuwa kasi isang pila ng mga lalaki ang nasa labas tapos mga nasa loob yung mga buntis. Hindi pa nagsisimula pero may ilang nag-e-exercise na nang mag-isa.

"Pasok ka na," sabi ko kay Glenn habang nakahawak sa magkabilang balikat niya.

"Alam mo yung pakiramdam nung first class mo nung nursery ka pa? Ganon yung nafi-feel ko ngayon," sabi ni Glenn.

I chuckled. "Grabe naman. Mag-e-exercise lang naman kayo."

"Kahit na."

"Glenndaline, mahigit 30 minutes tayong nagbyahe. Go on. It's just a freaking exercise."

"Edi ikaw nalang!" sabi niya sabay nguso. Parang bata.

"Ganyan ka na naman. You know, it is better for you to interact with other people, specifically, other pregnant women so you will be able to manage your temper a little better. Kaya wag ka nang ngumuso. I swear, this will turn out really great!"

Then I gently pushed her inside the room. Nakakatawang tingnan. Parang mga room ng mga babaeng nakalunok ng pakwan. Joke.

May salamin naman yung room kaya kahit nasa labas kami, kita pa rin namin yung mga ginagawa nila. Sandali lang, may kausap na agad si Glenn. Syempre, si Glenn pa ba? Sa daldal non, imposibleng maging loner yun.

Ako naman, umupo na sa tabi ng mga asawa na naghihintay din sa labas. Napalingon ako dun sa lalaking katabi ko. Napalingon din naman siya tapos nginitian niya ako.

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon