"Glenn, kaunti nalang, matutunaw na ako."
Napangiti ako. "I just can't stop looking at you. I missed you so much!" Gusto ko siyang yakapin kaso bawal pa. Baka masagi ko pa yung mga sugat niya. He can't move his dislocated arm, too, until it is already undergoing its treatment.
"Na-miss din kita kahit na actually, para sakin, parang nakatulog lang ako nang maghapon."
We were all ecstatic when Keith finally opened his eyes. Sa totoo lang, medyo nawawalan na kami ng pag-asa dahil habang tumatagal, humihina ang heartbeat niya. Until this blessed day...
"Malapit ka nang manganak."
I stopped arranging the flowers Matt brought earlier. Para raw bumango ang kwarto dahil daw namamaho na dahil kay Keith. Haha! Baliw talaga yun.
"Oo nga, eh. Perfect timing yung paggising mo," sabi ko sa kanya.
Hindi maitatago ang excitement sa aming lahat. Our parents have this countdown calendar for the baby. They are already starting to gather baby stuffs for our baby girl. Mas mukha pa nga silang excited kaysa sa amin ni Keith eh.
"Ugh. Gusto ko nang maging normal na ulit. I can't wait to make more babies."
Natatawang binato ko siya ng isang petal na nanlagas sa bulaklak. "Sira!"
"Is it me or you look really hot today?"
"Keith!" saway ko sa kanya. Pero sa totoo lang, kinikilig ako. How I miss him and his naughtiness!
"No, seriously. Mukhang pinaghandaan mo ang paggising ko, ah."
"Ikaw talaga! Ang ano mo." Nekekeesher ke.
"Ang ano?"
"Basta," sabi ko. I tried holding back my smile.
"Anyway, okay ka lang ba nung tulog pa ako? Inaalagaan ka ba naman nila nang maayos?"
"Yes, Sir!" Umupo ako sa tabi niya saka siya ipinagbalat ng orange.
"Good! Baka mamaya, pinababayaan ka nila. Baka nagugutom ka o kaya napapagod ka o kaya nai-stress ka."
I smiled at him. "They took really good care of me, Keith. Wag kang mag-alala. I was, of course, stressed because you're in a little bit of coma, but they tried their best to cheer me up."
"I shall thank them then, for taking care of my queen."
"Yes." Sinubuan ko siya ng orange. "They did a great job."
Wala na namang sinabi si Keith pagkatapos non. Ilang oras nalang ay siguradong darating na ang mga iba niyang mga bisita kaya nagligpit na rin ako ng mga gamit. Hindi ko naman mapigilang mapansin na kanina pa ako tinititigan ni Keith.
"What?"
"Honestly, Glenn, you look good today."
Nameywang ako. "Aba, syempre. Kailangan kong mag-ayos. Baka mamaya, ipinagpapalit mo na ako, eh," biro ko.
Tumawa naman siya. "Ipagpapalit? Wala nang papalit pa sayo at sa kadaldalan mo at sa kaliitan mo at sa ka-drama-han mo sa mga bands at boy bands ng buhay mo."
"Bad!"
He chuckled. "Paano pa kita maipagpapalit, eh, bed-ridden na nga ako."
"Malay mo, sa sobrang lakas ng dating mo, abot hanggang buong ospital."
"OA! Ganon ba ako kagwapo para sayo?"
"Hmm. Medyo."
"Kiss mo nga ako."
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)