Sobrang dami ng pumunta sa reception. Pati sina Maam Magno nandun. There are also intermission numbers by our friends.
Kumanta si Cheska at Matt. Medyo nakaka-touch din yung dalawang yun. Pagkatapos ng nangyari sa kanila, ang bilis nilang naka-recover at masaya na rin sila ngayon. Si Luke, sumayaw. Wala raw kasi siyang maisip na presentation para samin kaya impromptu na pagsayaw nalang. Niyaya pa niya si Keith na sumayaw. They are both laughing and blushing while dancing. Daig pa ang nagkaron ng concert sa hall. Sigawan, tawanan at palakpakan.
Lalo na nung nag-lap dance sakin si Keith. Imagine him dancing that with tux. I don't even know what to feel. This reminds me so much of the bridal shower. Only better.
Nagsimula nang magbigay ng messages ang mga taong espesyal samin. Mom wasn't able to give message. Pagkatawag palang sa pangalan niya, humagulgol na siya. I don't think we can understand what she is going to say so we skipped her. Anyway, alam ko na rin naman ang sasabihin ni Mommy. She has been telling me everything whenever I'm with her.
Then Dad took his turn.
"I don't how to start this message up." He put his free hand on his pocket. "I've been a witness to this romantic journey years ago ever since that proposal during the ball game in SAAS. Since that day, I always knew Keith would do anything for her. Until their first wedding. Siguro lahat naman tayo naging judgmental sa kanya ng mga sandaling yun. I may not speak a lot about you two but I always knew Keith isn't someone who'll take my daughter too lightly. I wasn't disappointed."
Nginitian niya si Keith. The latter did the same.
"You have proven the world yourself, hijo. Kaya hindi na ako natatakot pang ibigay sayo ang anak ko. You love her so much and I know she does, too. Thank you, Keith. Alam kong ano man ang mangyari, hindi mo iiwan ang anak ko."
I wiped my tears. Bihirang magsalita si Daddy. Hindi nga siya masyadong nagko-comment sa buhay ko eh. It's so overwhelming to hear him out right now.
"Now, as I give the microphone to the MC, I give my full trust to my son-in-law, Keith. Best wishes. I love you both."
Dad approached and hugged us. May ibinulong pa siya kay Keith. After that, si Kuya naman.
"Okay. It's not as cheesy as Dad's. I have nothing else to tell, too. Dad took the good ones already." We laughed. "Seryoso. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. It's like as if I'm going to state the obvious. Alam naman nating napatunayan na ni Keith ang sarili niya pati na rin ni Glenn. They've proven us that it really takes strong love and strong faith to produce strong relationship. Stay strong, KLennJaLine CaNietas!"
Everybody laughed and then he walked towards us to kiss me and to fist bump with Keith. Kasunod ay yung parents ni Keith. Kahit kanino atang message ay umiyak ako. Haha! Si Keith, teary-eyed lang. Ganon talaga siguro pag lalaki.
Kung ano-ano pa ang nangyari sa reception.
Si Keith na medyo pang-asar, pagkatapos naming magsubuan ng cake, pinahidan niya ako ng icing sa pisngi. Nakakaloko lang! Nagkaron tuloy ako sa buhok. Baliw talaga yung lalaking yun.
Ayun. Nauwi tuloy sa pahiran ng icing. Yung cake na imbes na kakainin ng mga guests ay nahubaran na ng icing. Pauso kasi si Keith eh.
Hindi mawala yung kaba sa dibdib ko habang papunta na kami sa hotel kung saan magaganap ang kauna-unahang milagro namin ni Keith. Hindi pa naman agad-agad. Nakisilip muna sila sa mala-reyna at haring kwarto namin ni Keith tapos pinagbubuksan namin yung mga gifts.
-
Keith's POV
"Kinakabahan talaga ako," sabi ko habang kagat-kagat yung dulo ng daliri ko sa thumb.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)