We were rushing into the hospital after Matthew's call. Who wouldn't, right? Parang kailan lang, okay na okay pa. Ngayon...
Nadatnan namin sa labas ng room na sinabi ng nurse si Matthew. Nakaupo siya sa sahig kahit seats naman sa labas. Nakapatong ang siko niya sa magkabilang tuhod niya habang sabunot ang sarili.
"Matt..." Keith called him.
He didn't budge. Hindi ko alam kung hindi ba niya kami narinig o sadyang sa sobrang depression ay hindi niya magawang gumalaw.
"Matthew..."
Humagulgol si Matt. Nilapitan siya ni Keith at tinabihan saka hinimas ang likod.
"Ang sakit, pare. Totoo. Parang kailan lang, excited kami dun sa baby. Tol, ka-buwanan niya na next month. Andun na eh. Kaunti nalang," sabi niya sa pagitan ng hikbi. "It shattered me... and... it destroyed Cheska."
Pumasok ako sa loob ng silid para makita ang best friend ko. Nakita ko siyang nakaupo sa kama habang nakatingin sa labas ng bintana. Nang maramdaman niya ang presensiya ko, nilingon niya ako. Putlang putla siya tapos hindi ko maintindihan ang emosyon sa mukha. Kagaya ni Matt, humagulgol na din siya. I hugged her tight, hoping that the tighter the hug, the easier the broken pieces would go back to one.
"Gusto ko nang mamatay, Glenn. Sana ako nalang yung namatay. Glenn, wala na yung baby ko. Wala na yung batang nasa tiyan ko dahil sa kagagahan ko. Kung hindi ba naman ako tanga at hindi nag-iingat."
"No. Sshh. Don't say that. Hindi mo yun sinasadya. Wala kang kasalanan. Walang may gusto nito."
"Hindi! Tanga ako. Hindi ako nag-ingat. Hayan tuloy. Wala na yung baby."
"Cheska, hindi yan totoo. Alam mo yan. Naiintindihan kita. Isipin nalang natin na... na siguro hindi pa ito yung right time. May magandang rason ang mga nangyayari satin. Hindi pa katapusan ng mundo."
Nagulat ako nang itulak niya ako, sanhi para matanggal ng pagkakayakap ko sa kanya. Ang sakit para sakin ang makita si Cheska na ganito. Pugtong pugto ang mga mata niya.
"Nasasabi mo lang yan dahil wala ka sa sitwasyon ko. No, Glenn. You don't understand me. Kahit ilang beses niyong sabihing naiintindihan niyo ako at may rason kung bakit nangyayari ito, mali kayo. Kahit kailan hindi niyo maiintindihan ang nararamdaman ko! Hindi lang yung baby namin ang namatay. Ako din."
I was about to hug her when she started shouting... howling to be exact. Grabe talaga! Sa sobrang gulat ko, hindi agad ako naka-react.
Alam niyo yung parang batang hindi nabigyan ng candy na nagwala sa gitna ng candy store? Para siyang ganon. Ngumangalngal, pumapadyak, hinahampas yung kama... Hindi ko alam kung paano ko siya mapapakalma hanggang sa pumasok na sila Matthew. Keith pulled me away from Cheska when she began throwing things on the floor. Dumating na din ang doktor at isang nurse.
Napaluha nalang ako. Gusto ko silang tulungan sa pagpapakalma kay Cheska pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung paano. She is right. Walang makakaintindi sa sitwasyon niya dahil hindi pa namin nararanasan yun. Pero gusto ko siyang tulungan. Bilang isang best friend at parang kapatid na rin niya, obligasyon kong tulungan siya sa oras na kailangan niya ako.
Lumabas muna ako ng silid saka pinunasan yung luha ko. Sumakit ang puso ko nang makitang tinurukan ng doktor si Cheska. How did we end up here?
"Glenn..."
Niyakap ko si Keith saka umiyak sa kanya. Hindi ako nakapagsalita. Umiyak lang ako. I know Keith doesn't need words to understand. I felt him hugged me back and kissed my head.
Maya-maya, may tumawag sa kanya.
"Hello?"
Tinignan ako ni Keith.
"Joreen? Ha? Oo nga pala. Nasan ka ba? Anong oras ba dapat yung pagpaplano natin?"
Ah! Oo nga pala. Yung wedding.
"Pupunta na--" Saglit akong tinitigan ni Keith. He sighed. "Joreen, pwedeng next week nalang? I'm really sorry. May ano kasi eh. Naagasan kasi si Cheska. Yeah."
Napakamot ng ulo si Keith.
"Sige sige. Pasensya na ha. Salamat."
I stared at Keith as he silently stared at his phone after hanging up.
"Keith..."
"Okay lang." He smiled. Peke, alam ko. "Tara. Bili tayong pagkain."
Hindi na niya hinintay yung sagot ko. Tumalikod nalang siya.
**
Sorry. Sorry kasi walang kwents yung update. Pinilit ko lang para hindi masyadong matengga. Babawi ako tomo... hopefully. Love yah!
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)