Chapter 22

6.1K 93 14
                                    

Sarado ang shop ngayon. Rest day namin. At dahil doon, nakatengga lang ako sa bahay. Hindi ko mayayang maglibot si Cheska. Napapadalas ang pagsakit ng tiyan niya kaya hinayaan nalang muna namin siyang magpahinga. Si Aly naman, balita ko, manganganak na. Iyon nga lang, nasa Paris siya. Iniisip tuloy namin kung uuwi ba siya sa panganganak niya. Sabi naman ni Tyler, kung hindi raw, siya raw ang pupunta roon sa ayaw at sa gusto ni Aly.

I was just plainly sitting on the couch, eating a lot of foods Keith bought me earlier and watching some movie I can't even understand. Hindi nga ako nanonood eh. Nakatingin lang. Lumilipad ang utak ko. Kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Kanina, ini-imagine ko kung anong mangyayari sa buhay namin ni Keith kung ikasal kami. Naisip ko na rin kung sakaling hindi pala kami ang para sa isa't isa. And the idea of me not meant for him crashes my heart and soul bit by bit. Masyado na akong naging attached sa kanya. Ang hirap nang mapalayo.

Ewan ko ba kung bakit biglang sumagi iyon sa isip ko. Siguro dahil dalawang beses nang nire-reject ni Keith ang proposal ko. Paano kung kaya pala hindi matuloy-tuloy ang kasal namin ay dahil... hindi pala talaga kami nakatadhanang ikasal? Paano kung kami yung tipo ng couple na destined magtagal ang relationship pero hindi destined na umabot sa kasal? Nakakalungkot. Pinahid ko yung luha sa gilid ng mga mata ko. Ang drama-drama ko kahit hindi naman ako buntis.

Pero kung sakaling hindi kami para sa isa't isa ni Keith... sorry, Fate and Destiny, pero makikipagpatayan ako maging kami lang ni Keith ang end game. Alam ko namang ganon din ang gagawin niya.

Kahit na wala nang gumugulo sa aming dalawa ni Keith, hindi pa rin kami matuloy-tuloy sa mga plano namin. Ang hirap tantiyahin ng mood ni Keith. Kapag pagod siya, no ang sagot. Kahit masaya at sweet siya, no pa rin ang sagot. Tama nga siguro si Cheska. Ang mga lalaki, kapag sinabing hindi, madalas hindi na talaga. Hindi kagaya ng ibang babaeng pabago-bago ng isip. Dalangin ko lang ay kahit isang beses lang ay maging babae si Keith sa pamamaraan ng pag-iisip.

Gayunpaman, hindi ako susuko. Dalawa pa lang naman eh. May tatlo pa. Kaya pa yan. Ihahanda ko lang talaga ang sarili ko sa rejections para hindi masyadong mabigat.

Dahil wala rin namang kwenta ang ginagawa ko sa sala at gumagabi na rin naman, napagdesisyunan kong pumunta nalang sa kwarto. Bakit nga ba hindi ko naisip kanina pa na matulog nalang maghapon para nakapagpahinga na ako, nagmuta pa ako? Hay nako, Glenndaline. Hindi ka talaga nag-iisip!

Hinintay ko nalang si Keith na umuwi hanggang sa nakatulog na pala ako.

*

Nagjo-joyride na naman kami ni Keith. Wala akong alam kung saan kami pupunta. Basta kanina pa kami nagbabyahe. Kwento lang nang kwento si Keith. Tapos patawa siya nang patawa. Yes, I will never get tired of loving this man.

Nakatingin lang ako sa kanya. Lately, he had been so sweet to me. Oo. Lagi naman talaga siyang ganon. Pero parang sobrang sweet niya nitong mga nakaraang araw. Parang wala nang bukas. Naisip ko tuloy na baka naman ito na ang pinakamagandang tiyempo para magpropose sa kanya. Dinala ko na rin yung engagement ring namin. Ibibigay ko yun sa kanya kahit na nasa kanya naman talaga yun. Props lang. Malay mo, effective.

"Glenn, alam mo namang mahal na mahal kita diba?" sabi niya.

I giggled. "Oo naman."

"Gwapo ba ako?"

Napatawa ako nang kaunti. "Ang bilis magchange ng topic. Ang random mo pati. Bakit mo naman natanong?"

"Wag mo akong iiwan ha?"

Napakunot nalang ang noo ko at alanganing napangiti. Ang random niya. Sobra.

"Kahit na anong mangyari, wag mo akong iiwan."

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon