Epilogue & Author's Note

2.7K 88 39
                                    

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Medyo uncomfortable pa ako dahil may ilang nakapasak sa aking katawan pagkagising ko. Kahit na natulog lang naman ako, pakiramdam ko pagod na pagod ang katawan ko. Nilibot ko ang mga mata ko sa buong room at doon ko napansin ang dalawang magkamukhang bata na tingin ko ay 4 or 5 years old na kumakain sa couch. Isang babae at isang lalaki. Bigla ko tuloy naramdaman ang gutom.

For a while, I stared at them. They looked really identical to each other. Parehas silang cute. Who are they though? Bakit sila nasa kwarto ko?

"Kia, don't take my food. Isusumbong kita kay Daddy," sabi nung batang lalaki. Kinuha kasi nung batang babae yung ilan sa hinimay nung batang lalaki na chicken niya.

"I'm not. I'm borrowing it."

"Borrowing means you take it and give it back. You will not give it back to me, will you?"

Ang sosyal naman ng mga magulang nito. Englishero at Englishera. I can't help but smile. Witty arguments from kids are so adorable.

Nang mapansin siguro nilang nakatitig ako sa kanila, napalingon sila sakin. Nanlaki yung mga mata nila nang makita nila ako. Halos magkandadapa yung batang babae sa pagtakbo papunta sa akin.

"Mommy!" sabay pa nilang sigaw.

"What?" I said under my breath. Medyo nanghihina pa rin ako sa pagkakatulog ko. Nalasing siguro ako sa tulog.

"You're awake na!" the little girl said. "Call Daddy! Bilis."

Dali-daling tumakbo yung batang lalaki palabas. Ako naman, nakatitig lang doon sa batang babaeng nakangiti sa akin at kinakausap ako. Since she is close to me, I had time to scrutinize her features. She has Keith's eyes, and my lips. Could it possibly be?

"Mommy, are you okay na?"

This is probably our twins since living with Keith has a propensity of them being conyo.

"I'm your mom?" I asked.

She nodded. "I'm Kia! Your beautiful daughter."

Nag-stop sa ere yung ngiti ko. "Anak ka nga ni Keith." Tinawanan lang niya yung sinabi ko.

Hindi ko alam kung paano ako magre-react. How did they get this big? How long was I sleeping? There are so many questions going in my mind. Nanginginig na hinawakan ko yung namumula niyang pisngi. Pati balat, mana kay Anietas. Her eyes are twinkling with happiness.

"Mommy, I missed you! Your voice is so much better in person than in the videos."

Tumawa ako. "Talaga ba?"

"Opo!"

My heart pumped so hard when a guy with stubbles, wearing a polo and jeans with quite even muscular body, opened the door. Halos maiyak si Keith nang makita niya ako. He almost ran to me.

"You're awake!" he said then hugged me. "Glenn... akala ko hindi ka na magigising. I always knew you'd come back to me. Alam kong hindi mo ako iiwan."

"Keith, what happened?" I said while rubbing his back.

Tulong-tulo ang luha niya nang tumingin siya sakin. Ngumiti siya sakin saka masuyong hinawi ang buhok ko na medyo nakaharang na sa mukha ko. Saka dali-daling dumagsa ang mga tao sa loob ng kwarto. Sa isang iglap, daig pa namin ang nag-reunion sa kwartong yun.

"You were in coma for 4 years."

-

"Say Mama."

"Ma... Ma..."

"Very good!"

"Now, say Dada."

"D-d..."

"Keith, I bought some foods for you! May pasalubong din ako para kay Kia and Pol."

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon