Hindi ko mapigilang mapangiti habang naghahanda ng pagkain namin ni Keith. Ang hirap lang mag-control kagabi. I could really feel how much he missed me. The way he kissed me... The way he touched me... The way he hugged me... The way he told me loves me...
Bakit ba kasi lagi kong kina-cancel ang pagpaplano ng kasal?
Hindi pa rin gising si Keith eh may pasok siya kaya umakyat na ako para gisingin siya. Pag-akyat ko, nakahilata pa rin siya sa kama. Nakakapaglaway lang titigan. Napasandal tuloy ako sa pinto habang dahan-dahang nagsa-slide pababa sa pinto na naglalaway.
Char. Hindi naman. Napasandal lang ako at napaisip. Grabe din palang self-control ang pinagkaloob sakin ni God. I-imagine mo nalang na katabi mo ang isang gwapong lalaki na naka-boxers lang pag natutulog. Nakadapa pa si Keith kaya kitang kita mo yung sexy back niya.
Pag hindi ka ba naman talaga naglaway.
I jumped into the bed... on the top of his naked back. Napaungol naman siya.
"Gising naaaaa!" sigaw ko. He groaned. Tinapik ko yung likod niya. "Hoy, gising na. Hindi porket gwapo ka at mahal kita ay hindi ka na papasok."
"I don't want to go to work," he said like a teenager who doesn't want to go to school.
"No. You have to. Wag kang tamad."
"Pagod ako."
"What? Pagod? Saan naman?"
"Puyat ako."
"Puyat naman ngayon? Sabay lang kaya tayong natulog."
"Who told you? Madaling-araw ako nakatulog."
Nagtaklob pa siya ng unan sa ulo. Hindi ba siya nabibigatan sakin?
"Bulaan ka lang. Dali na. Bangon na, Pogi." Niyugyug ko pa siya. He just shoves it away. Taray!
"Puyat nga ako. Kulit mo."
"Bakit? Anong kinapuyat mo?"
"You don't know how much it takes for me to get rid of the feeling."
Napataas ang kilay ko. Feeling? Akala ko ba bati na kami?
"Bati na tayo ah." Umalis na ako sa likod niya. I sat beside him. "Galit ka pa ba?"
"No. Hindi yun."
"Eh ano?"
"Just let me sleep."
"No. You need to go to work. C'mon!"
"Kiss muna."
"Hindi ka pa nga nagmumumog."
"Pagkatapos."
"No. Pumasok ka muna. Saka na ang kiss."
"Sa simbahan nalang?"
Lihim akong napangiti. "Oo. Sa simbahan nalang."
Nakangiting bumangon ang mokong at dere-deretso sa banyo.
"Papasok na nga ako. Kailangan ko pang mag-ipon para sa isang dosena nating anak."
Hinablot ko yung unan at ibinato sa kanya.
"Anong isang dosena? Anong tingin mo sakin, aso?"
Tumawa lang siya.
Gustong gusto talaga ng mga lalaki ng madaming anak. Hindi naman sa ayaw ko kaso syempre, masakit din naman yun. Palibhasa, wala namang ibang kontribusyon ang mga lalaki sa pag-aanak kundi sperm at moral support.
Bumaba na ako at hinintay siya sa hapag.
Ito na yun, Glenn eh. Nasa iisang bahay na kayo. Natutulog na kayo nang tabi. Ikaw na ang naghahanda ng lahat para sa pagpasok niya. Kasal nalang talaga ang kulang.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)