"B-bakit ako pinapasundan ni Tyler?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Zach.
Tumutok na ulit yung mga mata niya sa TV. "I don't think I could tell you that. You are already know a lot. Kung tutuusin nga, dapat matagal na kitang pinatay dahil marami ka nang nalalaman."
Naninindig ang mga balahibong napatitig ako sa kanya. "A-ano?"
He laughed hard. Tapos nag-peace sign siya sa akin. "Joke lang! Masyado ka talagang seryoso. Naalala ko lang yun. Parang line yun sa isang pelikula na hindi ko tanda eh."
Nalukot ang mukha ko. Sinabunutan ko siya hanggang sa mapagod ako. Tawa at pag-aray ang ginagawa niya habang sinasabunutan ko siya. Nakahalukipkip na sumalampak ako sa couch nang mapagod ako.
"Nakakabwisit ka! Lagi mo nalang akong pinagti-trip-an. Hindi ko na alam kung ano ang katotohanan sa mga sinasabi mo. Puro ka kalokohan." I was totally bummed. Yung tipong seryoso ka tapos may sasabihin siyang ikakakaba mo tapos biro lang pala? Not a good joke for someone who has so many questions inside her brain.
"Binibiro lang naman kita eh. Why are you so uptight? Loosen up a bit. Kung ganyan ka rin lang, bakit ka pa pumunta rito sa Lucena?" sabi niya.
"I was trying to loosen up but some people just couldn't let me do it."
Ano ba kasing ginagawa rito ni Keith? Sino ang kumukuha ng pictures samin ni Zach at nagpapadala ng pictures nila Keith at Aly? Bakit ako pinapasundan ni Tyler kay Zach?
"Because you left an unfinished business in Manila. You didn't came here to loosen up or move on or anything else. You came here just to escape all the the issues... to take a rest. Don't get confused. Kasi kung talagang gusto mong mag-move on, you will travel. You will go farther where no one or nothing can remind you about him. Iba ang pagmu-move on sa pagpapahinga. Parang pagkakaiba ng break-up sa cool-off. Lumayo ka lang. Hindi ka umalis. So basically, you are still connected to everybody in Manila. Your every move still affects them."
Napatingin naman ako kay Zach. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, tumawa siya.
"Naka-drugs ata ako," sabi niya.
Kahit pa feeling niya ay biro-biruan lang yung sinabi niya, alam kong may hugot yun. Hugot na tumatama sakin. Totoo nga siguro. Hindi ko naman talaga siguro goal ang makapag-move on una pa lang. Sinasabi ko lang kasi napapagod na ako. Napapagod na akong masaktan. Napapagod na akong maghintay ng sagot. At dahil pagod na ako, lumayo ako para magpahinga.
Ewan ko. Nalilito na rin ako.
"Zach, balik tayo sa tanong ko. Bakit ako pinasusundan ni Tyler?"
"Bawal ngang sabihin. Alam mo nang pinapasundan ka niya. Bawal yung sabihin pero sinabi ko. Hanggang dun nalang muna ang dapat mong malaman."
"Nakakainis ka naman eh. Napapaisip tuloy ako nang wala sa oras. Sige. Ito nalang. Matagal niyo na ba akong kilala ni Tyler?"
"Nope. We just met you. Nagkataon lang na nagkabuhol-buhol ang mga landas natin which made us all connected."
Ayoko nang magtanong. Lalo akong nababaliw kapag sinasagot niya yung mga tanong ko. Mas lalong dumadami yung puzzles na kailangan kong i-solve.
Tahimik na kaming nanonood nang tumunog na naman ang cellphone ko. Nagkatinginan kami ni Zach. Sabay pa naming tiningnan kung sino yun. Si Cheska pala.
"Chesk—"
"Glenn!"
Halos mabingi ako sa pagsigaw ni Cheska ng pangalan ko.
"Bakit?" May narinig akong humihikbi sa kabilang linya pero hindi si Cheska. "Sino yung naiyak?"
"Glenn, nasaan ka ba?"
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)