"Z-Zach?"
He looked at me, amused.
"How did you know my name?" he asked.
"A-ah..." Hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil ikinuwento sa akin ni Charlene. Baka magtaka siya at itanong sa akin kung sino yun. "N-nahulaan ko lang." Wow! Ang galing kong magpalusot.
"Really? Ang galing mo naman. Ano ka ba? Are you some sort of fortune teller or something? Would you like to tell my future? Who would be my wife? Will I have one?"
Inilahad pa niya sa akin yung palad niya na parang gustong magpahula talaga. Napatitig nalang ako sa kanya. Is he being serious?
"Seryoso?" tanong ko sa kanya.
"Yes. Gusto ko kasi sanang malaman kung sino ang mapapangasawa ko. I am already thirty-one but I still couldn't find the girl I will be marrying. Ikakasal pa kaya ako?" tila nag-aalala niyang tanong.
Naalala ko yung kwento sa akin ni Charlene.
Ikakasal ka na sana noon. Kaso hindi kayo natuloy at naaksidente ka. Tapos... kinalimutan mo na siya, gusto ko sanang sabihin kaso baka mawirduhin lang siya sakin kaya hindi ko na itinuloy. Pinunasan ko muna ang mukha ko.
"Hindi ako manghuhula," sagot ko.
"What? I thought you are a fortune teller. Magaling ka lang siguro manghula kaya mo nahulaan ang pangalan ko," sabi niya saka sumandal sa upuan.
Thirty-one na siya pero mukha lang siyang kasing-edad ko. Ang aliwalas ng mukha niya. Malayong malayo sa mukha ni Tyler. Magkahawig na magkahawig sila pero kapag tinitigan mo, mapapansin mong may pagkakaiba rin naman pala.
"Bakit kaya sa tuwing nakikita kita, parati kang naiyak?" tanong niya sakin.
Naaalala pa niya ako?
"Naaalala mo pa ako?" tanong ko.
Tumango siya. "How could I forget a beautiful woman like you?"
Pero akala ko ba may short-term memory loss siya? Sa pagkakaalam ko, kapag mayroong ganon, mabilis kang makalimot. Daig mo pa ang nagkaka-amnesia araw-araw at maya't maya dahil yung mga tumatagal-tagal nang mga pangyayari, nalilimutan mo na agad.
"Ah, thank you," nakangiti kong sabi. "Sisinga lang ako sandali."
I blew my nose loudly on his handkerchief. Nakakahiya man pero kaysa naman magkayat ako ng sipon sa mukha. Mas nakakahiya ata yun. Nakatingin lang siya sakin habang nakangiti. Nakaka-conscious tuloy.
"Pasensya na ha. Napupuno na kasi yung ilong ko. Pasensya ka na rin, Manong," sabi ko sa kanila.
Lalong lumawak ang ngiti ni Zach. "Okay lang naman. Nakakatuwa ka ngang tingnan. Walang arte."
Na-flatter naman ako sa sinabi niya. I blew my nose once more... and more. Nakakahiya na nga kasi nangingibabaw yung pagsinga ko sa soundtrip ni Manong sa taxi.
Bigla ko namang naisip, bakit kaya naka-taxi itong si Zach? Ang alam ko, mayaman sila. Pero bakit nagko-commute siya? Ayoko namang tanungin dahil baka sabihin niya, masyado akong pakielamera.
"So, as I was asking you, why are you crying? Lagi pang napapasaktong nagkikita tayo."
"Honestly, hindi ko rin alam kung bakit sa tuwing nagkikita tayo ay parati mo akong nakikitang umiiyak. Ang sama nga eh. Hindi pa man tayo magkakilala, nakikita mo na agad kung gaano ako ka-yagit sa tuwing naiyak ako," biro ko. It is funny how I still manage to talk, to maintain my composure and to joke around when I just broke up with the man I love.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)