Chapter 31

6.9K 114 41
                                    

"Bonita. It means beautiful in Portuguese. Nagkaron kasi kami ng customer na Portuguese non. I asked him what is beautiful in his language. He told me that. Ayun."

"Kaya pala."

Ngumiti siya bago niya isuot ang t-shirt niya. "Akala mo lagi pangalan ng kabit eh."

I frowned. "Malay ko ba!"

"Nagsusungit pa. Umagang umaga."

"Hindi kaya."

He checked his things and then walked towards me. He held my cheeks. I love it when he does that. Ewan ko. Nakakakiliti kasi talaga ng sistema. Pakiramdam ko, ang liit-liit ng mukha ko. O malaki lang talaga ang kamay ni Keith?

Idinikit niya yung noo niya sa noo ko tapos tinitigan ako sa mata. Leche. First time ata ito? Kahit kailan, hindi to ginawa ni Keith. Ngayon lang... at nakakapraning ng puso.

"Ang ganda-ganda mo pa rin kahit na sobrang close up," mahinang sabi niya. Amoy na amoy ko yung magkahalong amoy ng pabango niya at ng hininga niya. I bit my lip. Baka mapatili ako nang wala sa oras. "I never knew this is the perfect position for me to cherish every detail of you."

Hindi ako makaimik. Hindi pa nag-a-almusal yan ha pero ang landi na agad. Napahawak nalang ako sa laylayan ng damit ko. Nagra-rambulan ang mga anaconda sa tiyan ko. If it is because I haven't eaten breakfast yet or because of Keith, I don't know.

"Stop biting your lip. I should be the one doing that."

Kleiraoinoaegabngaoighaiohfoaingaigamcxqw!!!!

Dinibdiban ko siya. Napaubo at napatawa siya.

"Bakit ka ba laging nagagalit kapag nagiging sweet ako sayo? Ayaw mo ba?"

"Nakakainis ka kasi."

Ang arte-arte-arte-arte mo, Glenn!

He slowly touched my cheek then lovingly stared at me. "Ang cute mo talaga."

My cheeks instantly blushed. Lalo siyang ngumiti.

"Hindi pa rin talaga nawawala sayo yung pamumula ng pisngi mo no? Alis na ako. Baka ma-late na ako."

"Hindi ka na kakain?"

"Hindi na. Doon na ako kakain."

"Ah."

Palabas na siya ng kwarto nang mapansin niyang nakatayo ako. He looked back. Naglakad uli siya papalapit sakin. Humalukipkip ako. He ran his fingers through my hair.

"Tampo na yan. Hayaan mo, uuwi ako ng dinner tapos ipagluto mo ako ng lahat ng gusto mong iluto. Uubusin ko. Hindi ako magmemeryenda para gutom na gutom ako pag-uwi ko."

"Okay lang."

He chuckled. "Bakit ganyan kayong mga babae? You are always ironic."

Hindi ako sumagot. He grabbed my head and hugged me.

"Naku, naku, Glenndaline."

I felt him kiss the top of my head. Makakatiis pa ba ako? Kapag ganitong ang sweet ni Keith, ang hirap tiisin. I hugged him back.

"Papasok na ako. Tara."

Holding hands pa kami paglabas ng kwarto at pagbaba. Nasa sala si Ate Kiele at nagda-dumbbells. Napatingin siya nang makita kami ni Keith. Napatingin din siya sa magkadaop naming mga kamay. Malandi kasi ang kapatid niya. Sorry.

"Ate, papasok na ako ha. Behave lang kayo dito. Wag mong kakainin tong mapapangasawa ko ha," sabi ni Keith sabay akbay sakin.

Tinaasan siya ng kilay ni Ate Kiele. "Mukha ba akong cannibal?"

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon